II. Cavite el Viejo

816 134 84
                                    


"Napakagandang bata." 

"Saan kaya siya nanggaling?"

"Ay wan! Sinabi lang ng gobernadorcillo na alagaan siya."

"Talaga Nati? Marahil ay mapapangasawa niya." 

"Hindi, natagpuan lang ng kapatid niya kanina sa tabi ng ilog. Ipinatawag ako upang buhatin."

"Bakit ikaw pa ang nagbuhat? Bakit hindi na lamang siya?"

"Hay naku! Alam mo namang  napaka-konserbatibo ng pamilya ng ating kapitan-munisipal gobernadorcillo, malaki ang respeto niya sa mga kababaihan kaya hindi niya kakayaning humawak ng binibining walang malay-mundo."

"Oo nga naman, Nati. Subalit, hindi pa kapitan-munisipal gobernadorcillo ang tawag sa kaniya."

"Napakaselan mo naman Pedring! Ay 'di gobernadorcillo!"

  "Ikaw nama'y magagalitin, Natividad. Maiba nga tayo ng paksa, ano na ang balak niya?"

"Huwag ka ngang maingay, baka magising."

"Hayan, nagising na nga."

"Pedring, puntahan mo ang gobernadorcillo. Abisuhan mo na mayroon nang malay-tao ang pinaaalagaan niya."

"Hindi maaari Natividad"

"At bakit naman?"

"Mayroon siyang mahalagang pagpupulong kasama ng gobernadorcillo ng Noveleta."

"Sulatan mo na lamang ng liham!" 

"O siya, sige. Ako'y mauuna na."

"Iha, mabuti na ba ang iyong pakiramdam?" Pagkagising ko, isang babaeng mga nasa late 40's ang bumungad sa akin. Nadatnan ko pa ang pag-alis ng lalaking halos kasing-edad niya rin.

"Ano po?" Medyo hindi pa maayos ang aking ulirat. Nararamdaman ko na kumikirot pa ang aking sentido.

"Uminom ka muna, iha." Inabutan niya ako ng tubig sa kahoy na baso, tinanggap ko ito saka nilagok. Nakingiti siyang naghihintay sa aking sunod na sasabihin, na tila ba'y inaabangan ang balita ng anak.

"Saang lugar po ito?" Hindi na ako nag-aksaya ng oras upang magtanong.

"Narito ka sa Cavite el Viejo. Sa bahay ng gobernadorcillo ng lugar na ito." Nagtataka niyang saad ngunit nakaguhit pa rin sa kaniyang labi ang isang ngiti.

"Po? Saglit lang po ah? Pwede niyo po ba akong iwan muna? 'Di ko po kasi maintindihan eh." Pamilyar ang tunog ng lugar sa akin. Wala nga lang akong ideya kung bakit ako narito. Hindi ko rin maalala kung ano ang huling nangyari bago ako makatulog. 

"Alin ang hindi mo maintindihan? Maaari mo akong lapitan kung mayroon ka pang mga katanungan, nasa labas lamang ako iha. Ako nga pala si Natividad, ang mayor dama dito. O siya, iwanan muna kita upang ika'y higit pang makapagpahinga," sabi niya at isinara na ang pinto ng silid.

"Cavite el Viejo... narinig ko na 'to dati eh."  Naglakad-lakad ako sa silid, na para bang nag-aabang ng lilitaw na sagot kapag ginawa ko ito. Sa pabalik-balik kong pag-ikot, bigla kong naalala ang itinuro sa amin ng guro namin sa Kasaysayan. 

"Cavite el Viejo? Gobernadorcillo ng Cavite el Viejo?" Hindi maaari! Wala nang Cavite Viejo ngayon. Kawit, Cavite na dapat. Cavite el Viejo pa rin ba ang tawag ng mga lokal? At bakit naman ako napunta ng Cavite, eh taga-QC ako?

Sa Harap ng Pulang BandilaWhere stories live. Discover now