The Last Fragment

21.6K 504 545
                                    

This is the final part of the Epilogues. Thank you so much for being with me on Selah's journey. I am sad and I can't seem to let them go but I am also happy because this first installment of MJS has been on my draft for the longest time. Yesterday's Fragment will be published in a physical book and will let you know more about it soon. I hope that you learning something from this story. Let's not forget that forgiveness and acceptance are needed for us to be able to start anew. I hope you'll enjoy this last part.



"AJ, you comin', bro?" Tanong ni Axel nang matapos ang huling klase para sa araw na 'to. Isinukbit ko ang aking backpack sa magkabilang balikat bago ako humarap sa kanya. Umiling kaagad ako.

"Pass. Susunduin ko si Clarice, eh." Sagot ko sa kanya. Agad tumingin si Jude sa amin ng marinig ang pangalan ng kambal ko. Tinignan ko kaagad siya ng masama.

"Ako na lang susundo." Nangingiti at malokong sabi niya sa akin. He got a crush on my twin. Marami naman 'yang kung sino-sinong nagugustuhan pero apektado na ako kapag kakambal ko na ang pinag-uusapan.

"Sumunod ka na lang. May house party sa bahay nila Ava!" Akbay sa akin ni Axel paglabas ng classroom. Umiling ako. May lakad na kami ngayon. Pagkatapos kong sunduin si Clang ay pupunta kami sa bahay ng mga Cortez dahil Death Anniversary ni Pancho ngayon.

"Hindi nga ako pupunta. Tsaka may quiz bukas, hindi kayo mag-aaral?" Tanong ko.

"Mag-aaral! Pero party muna." Sagot naman ni Jude. I don't like parties. I don't drink much, too. Kapag kasama ko lang ang iilang mga malalapit na pinsan o kung may okasyon, saka lang ako umiinom.

"Bakit kasi hindi nyo pa pagkotsehin si Clarice?" Axel asked us while waving at Tanya outside our building.

Hindi. Saka na 'yan magkokotse. Mamaya ligawan pa 'yon ng kung sino-sino, eh. Hindi pa naman ako masyadong abala sa unang taon rito sa medschool kaya hanggang kaya ko yang sunduin, susunduin ko.

"Are you guys going?" Tanya asked when we stopped in front of her. Nanatili ang tingin niya sa akin. Nauna na akong umiling para sagutin ang tanong niya.

"Hindi na rin ako sasama." Deklara niya. Umiwas ako kaagad ng tingin. Axel and Jude told me that Tanya likes me. She's a former actress but she wanted to pursue medicine that's why she stopped. She's really gorgeous. Kaya nga patay na patay 'tong si Axel diyan.

Matalino rin naman at mabait. Kahit na sobrang mayaman ay hindi naman spoiled. Pero hindi ko talaga gusto, eh. Ewan ko.

Pinilit ng pinilit ni Axel si Tanya na sumama. Siguro nakulitan, kaya napa-oo na lang.

"Ingat kayo." Sabi ko sa kanila bago ko pinindot ang alarm ng aking sasakyan. Nagtext ako kay Clarice na papunta na ako at sa mismong tapat na lang ng building nila ko siya susunduin. Padilim na kasi at ayaw kong naghihintay 'yon sa may parking lalo na dahil kung sino-sino ang nakakapasok doon.

Binuksan ko ang pinto ng passenger seat mula sa loob ng makita ko na siyang papalabas ng building.

"Nasaan 'yung pagkain?" Bungad niya sa akin. Kumunot ang noo ko bago bumaling sa kanya na ngayon ay nagsusuot na ng seatbelt.

"What food?" Malumanay kong tanong. Lumingon siya sa akin.

"I texted you. Sabi ko bumili ka na ng pagkain along the way para hindi na tayo dadaan mamaya." Tignan mo, kung kausapin ako akala mo ay hindi ako mas matanda ng labing apat na minuto sa kanya. Palihim akong umiling. Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita.

"Nakakahiya naman na wala tayong dala doon. Tsaka siguradong malungkot si Selah ngayon, gustong-gusto ko na 'yun samahan." Mahabang litanya niya sa akin habang papalabas na kami sa school proper.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now