Chapter 8

15.2K 363 90
                                    

Hide


Pagkahinto ng kotse ay bumaba kaagad ako ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya. I guess I'm too disappointed to even utter my goodbye. Narinig ko ang tunog ng pagsara ng kotse niya pero hindi ko nagawang lumingon.

"Selah." He called for my name but I did not bother to look at him. I'm not mad, I'm disappointed. And I think that's worse than being mad. Ito ang mali sa akin, eh. Ang bilis bilis ko madisappoint as if hindi rin naman ako nakakadisappoint sa iba.

But I can't help it.

I felt his grip on my arm that's why I halted. I tried to remove it but he won't budge. Hawak-hawak niya pa rin ang braso ko pero humarang siya sa dinadaanan ko.

"Bakit ka nagagalit? What did I do?" He asked. Umiling ako.

"Hindi ako galit, Luthor." I answered immediately. Hinawi ko ang kamay niya sa aking braso kaya bahagya siyang natigilan bago unti-unting bumitiw. Sumulyap ako sa kanya at pagkatapos ay humalukipkip.

Unti-unti naman niyang pinasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

"What are you so mad about?" Ulit niyang tanong. This man...nagtatanong nga kung anong problema ko pero parang sa aming dalawa, sa tono niya, parang siya pa itong galit.

"I said, hind ako galit." Buntong hininga ko bago inangat na naman ang tingin sa kanya. He scoffed then smirked.

"Selah, I know if you're just being rude than mad. Don't lie to me."

Kumunot ang noo ko sa kanya. Hindi naman talaga ako galit. I'm just disappointed, magkaiba iyon. Kung galit ako kaninang kanina ko pa siya nilayasan rito.

"Luthor, you don't have to be nice to me or pull a stunt for publicity whenever there are events like this." Mas mabuti ng alam niya 'to para hindi na kami naglolokohan rito.

"What do you mean?" He asked. I sighed.

"Hindi mo kailangang sumulpot sa eskwelahan ko, o umaktong may relasyon tayo. Kung kailangan mo ako para sa publicity, you can just text me. Don't put too much effort on this. Inutusan ka ni papa tungkol dito?" Nasa kalahati pa lang ako ng sinasabi ko ay nangungunot na ang noo niya.

"Hindi ako inutusan ni Vice President Pablo. Kusang loob akong pumunta at sunduin ka. Kaya biglang ayaw mo na makipag-dinner sa akin at nagpahatid ka na lang pauwi?"

Natigilan ako. Bakit nga ba hindi ako nakipag-dinner at bakit ganito ako umarte ngayon?

"'Hindi naman. Maaga pa ako bukas, eh." I denied but Luthor is no fool. Alam kong alam niyang may tumatakbo sa utak ko ngayon.

"Sa tingin mo talaga utusan lang ako ng papa mo tungkol sa'yo? Huwag mo akong pinapangunahan, Selah."

Tuluyan na akong hindi nakasagot dahil sa sinabi niya. Why am I overreacting right now?

"You see, I'm trying here. Okay?" He spoke again after another minute of silence.

"Luthor, I can't be normal about this. Hindi ko pa rin matanggap." I guess I have to be honest to him. Alam ko namang hindi rin niya ako gusto at naiipit lang siya sa gusto ng mga magulang namin.

"You're of age—"He said but I cut him off.

"Luthor...makinig ka. Hindi ko kayang makipagrelasyon sa'yo. Okay?"

"Ang sakit mo magsalita, ah? Wala pa nga, ayaw agad?" He kidded. A smirk is already plastered on his face.

"Gusto mo ba 'to?" Tanong ko at hindi na pinansin ang biro niya. Sa tanong kong iyon ay sumeryeso kaagad siya kaya nagkatitigan kami. Something in his stare tells me that he's in deep thought. Tila ba nakatingin siya sa akin pero hindi naman talaga ako ang nakikita niya.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now