Chapter 10

15K 348 50
                                    

Tired


Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I look like a mess and people would notice. Humihikbi pa rin ako habang naglalakad at hindi ko alam kung saang bahagi na ako ng hotel nakarating. Mabuti na lang at abala ang lahat ng tao sa hall kaya walang nakaka isip na lumabas.

Napahinto ako ng may maramdamang humawak sa aking braso. I almost flinched because at first, I thought it was Abe. I couldn't handle another confrontation.

"Let's get you home." Luthor coldly said when our gaze met.

"Ang sabi mo hinahanap na ako. Si papa ba?" I asked. Tumikhim ako. My naturally husky voice is now strained. Umiling siya.

"I just said that to pull you out there. People might notice. Randolf and Anthony was just too alert and they made that part restricted while you're there."

Umiwas ako ng tingin. Laking pasalamat ko na rin na dumating siya kasi pakiramdam ko, kung nahuli pa siya ng ilang minuto ay nasabi ko na ang nararamdaman ko.

"Okay." I just said to him.

"Iuuwi na kita. Nagpaalam na ako sa magulang mo at sa mga kapatid mo. You don't look okay to me." Tumango ako kaagad at hindi na umalma pa. Gusto ko na rin umuwi. Wala na akong mukhang maihaharap kay Abraham....pati kay Clarice.

By now, she already knows what happened. Hindi niya lang basta kapatid si Abraham. They're twins. They said that there's this unexplainable connection between twins. Kitang-kita at ramdam na ramdam ko ang sakit na naidulot ko kay Abe. Maiintindihan ko kung magagalit si Clarice, kahit pa na matalik kaming magkaibigan.

Hindi na ako nagtanong kung bakit hindi kami sa limousine sumakay at kung paanong nandirito na ang madalas na SUV niyang ginagamit. Agad akong pumwesto sa passenger seat, nagkabit ng seatbelt. Isinandal ko ang aking ulo sa headrest at pumikit.

Pakiramdam ko, pagod na pagod ako.

I'm too tired for everything. Kapag tungkol kay Abraham, lahat ng nararamdaman ko ay bago sa akin. Hindi ko pa kailanman naranasan magkagusto o makipagrelasyon sa mga nagdaang taon. Kaya palaging pag-aaral, mga kapatid ko at pagsunod kay papa lang ang tangi kong alam.

Pero ngayon, lahat ng ito bago sa akin. I never felt how it is to be in love or to be loved romantically. Kung ganito pala kasakit ang magmahal, bakit nagagawa ng iba kahit paulit-ulit pa?

Manipis na linya na lang ang nagsisilbing pagitan sa pagsasabi ko ng totoo.

Ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. It was the same pain when Kuya Pancho died. Kung noong una pakiramdam ko mawawala si Abe, ngayon, sigurado na ako, na wala na siya sa akin.

Panibagong maiinit na luha ang sumisibol kaya pinanatili ko ang pagpikit ng mas mariin. Kailanman hindi ko naisip piliin ang sarili ko, pero kanina....noong tinatanong niya ako kung anong gusto ko...

Will I be selfish if I will choose myself this time?

"We're here."

Agad akong napamulat ng marinig iyon. Hindi ko na namalayan na nakahinto na kami dahil sa lalim ng iniisip ko. Huminga ako ng malalim at umayos ng pagkakaupo. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makakilos. I feel so tired and drained emotionally.

For the past months, I feel like nothing good happened. Puro masasamang balita, kapahamakan at ngayon naman labis na kalungkutan ang dinaranas ko. Naramdaman kong bumaling sa akin si Luthor kaya nilingon ko siya ng marahan.

I hate how he looked so cold and stiff all the time. Tila ba wala siyang pakialam sa lahat ng bagay na tinitignan niya.

"Salamat." Namamaos kong usal. Hindi siya tumango o sumagot man lang. He looked at me like he wants to say something.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now