Chapter 31

10.6K 262 99
                                    

My plot is done long before I even started writing this story. But right now, it's a bit hard to draft every remaining chapters as it will come to an end. The main leads of this story are strong on their own different ways. This chapter I want to dedicate this to @_furfuraway. The owner of "Lian". She left too soon but I consider her as the main lead of this first installment. Despite her bad experiences, she lived with a purpose. Thank you for letting me use your name and sorry that I had to "kill" Lian because she needed to die but I promise you, Paul will "live" again and he learned a lot from his wife. You'll know more soon about Lian and Paul. This is not Paul's ending yet, he's just starting his life.


Hurt

"Ano ka ba naman, Selah Juliana! Hindi ka ba nag-iisip?! Paano kung saktan ka pa noon! Ano ba naman, dios ko!" Inis na inis na sinabi ni Clarice habang nasa back seat kami ng ng aking SUV. Sinamahan niya na ako rito sa loob at inutusan ko na lamang ang isa sa mga guards na manehohin ang sasakyan niya.

Tinutulungan niya pa rin akong punasan ang damit kong mantsado na dahil sa natuyong tsokolate. Inusisa niya rin ang leeg at ibabaw ng dibdib kong namumula na ngayon. Hinidi ako nagsalita at bahagyan ring nanginig ang aking mga daliri habang sinisikop ang buhok ko.

It's like the adrenalin in my body already subsided. Parang ngayon ko pa lang naramdaman ang kaba. Bumukas ang pinto ng backseat at sumungaw si Randolf ay inabot ang isang leather hand bag. Nandito nakalagay ang mga spare clothes ko kung sakaling kulangin ako ng damit sa shift. Nang maisara ulit ni Randolf ang backseat ay mabilis kong binuksan ang bag.

Huminga ako ng malalim nang makitang puro jeans, shirt o tank top ang mga nandoon. Kinuha ko ang isang maong at kulay puti na v-neck shirt. I immediately stripped off my clothes. May hinalughog si Clarice sa kanyang bag at nakita kong wet wipes iyon.

"Here." Inabot niya sa akin. Dinampian ko ang aking leeg at naramdaman ang hapdi ng pagkapaso doon. Huminga ako ng malalim.

"Kakasuhan ko 'yang Savannah na yan!" Galit na galit na sabi ng kaibigan ko. Nagkatinginan kaming dalawa tapos ay natulala siya sa mukha ko.

"Don't tell me..." Bulong niya sa akin. Sinuot ko ang v-neck at pagkatapos ay hinubad ang slacks ko bago isinuot ang maong. Nasa trunk pa siguro ang sneakers ko kaya tinanggal ko na lang ang stilettos ko at hinayaang lumapat ang paa sa carpeted floor ng SUV.

"You're one of my personal lawyers and I know you can and will help me, pero ayokong madamay ka rito. I don't want people to harass you every time. Who can you recommend? A good civil lawyer in your firm?" Tanong ko sa kanya matapos kuhanin ang cellphone sa aking clutch bag. I will call my OB friend and tell her to refer me to another trusted OB. I can't risk seeing Savannah every time I have my scheduled check-up.

Huminga siya ng malalim bago nag-isip. Paul can represent me, too, but he's too down right now because of Lian's death. I don't want to add another burden. Besides, he's still Luthor's friend. Ayoko rin naman na darating ang panahon na may kailangan siyang panigan sa nangyayaring ito. Our friends...they should not be included in this mess.

"Aguirre is so good both in civil and criminal. Just so you know...criminal case ang isasampa mo sa kanila. Kung pareho tayo ng iniisip."

Tumango ako tapos ay biglang tinapat ang cellphone sa tainga.

"Annie, sorry. Hindi kami tumuloy. Change of plans. Uh...can you refer me to another OB? Iyong may sariling clinic sana." Saglit siyang natigilan pero agad ring nakuha ang gusto kong mangyari.

"I have someone in mind.  She can be trusted.  Diyan rin nagpunta si Samuelle Hidalgo noong tinatago niya pa iyong pagbubuntis niya. I don't understand you, my friend, kasal ka naman bakit ayaw mo ipublicize?" Natatawang sabi niya.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now