Chapter 38

11.8K 223 110
                                    

Closure

"Bakit ka naman aalis, doc?!" Iyak ng iyak si Janin habang niyayakap ako dito sa cafeteria. May gasa pa sa kanyang noo at ganoon rin kay Frances. Kalat na sa buong Laurant ang pag-alis ko dahil ipinasa ko na sa Admin at Chief Resident ang kopya ng received resignation letter ko.

Tumawa ako at marahang tinatapik ang kanyang likuran habang iyak siya ng iyak. Isang linggo na lang ako rito at aalis ako tatlong araw pagkatapos ang last day ko. Hindi ko na hinintay na maaprubahan ang application ko sa Georgia. Pwede naman akong mamasyal roon habang naghihintay. Inasikaso na ni Sarah ang apartment na tutuluyan ko.

Ayaw ko sa dati kong apartment. I want a new one. Itong kabibili ko lang na condo rito sa Pilipinas ay pansamantalang titirahan ni Aja para may magamit siya kapag nagsimula na siyang pumasok sa medical school kahit na isang taon pa yata iyon?

"Pwede naman tayong magvideo call palagi." Maikling sagot ko sa kanya. Mas lalo siyang umiyak kaya naman mas lalo akong tumawa. Everyone expressed their sadness because of my sudden leaving. Inilibot ko ang tingin sa cafeteria at napangiti sa aking sarili dahil alam kong mami-miss ko talaga ito.

"Happy New Year, Doc!" Bati sa akin ng mga makakasalubong ko.

"Happy New Year." Marahang bati ko sa kanila. Last day ko sa biyernes at sa Linggo ay may despidida ako sa aking condo. It will be an intimate despidida. Kung sino ang mga kasama sa kasal nina Clarice ay iyon lang rin naman, dumagdag lang si Aja na humingi ulit ng break para makaluwas.

Papunta ako sa ICU Wing ng makasalubong si Isaiah na parang malalim ang iniisip. Medyo lumiwanag ang kanyang mukha ng makita ako.

"Happy New Year." Unang bati ko sa kanya. Huminto siya sa harapan ko tapos ay ngumiti at bumati rin. Natawa ako sa lalim ng paghinga niya.

"Any progress?" I asked him.

"None." Mabilis niyang sagot. Nadurog ang puso ko. She's been unconscious for 48 hours now. We still cannot call the operation a success.

"'Isaiah, what's your plan?" I asked him suspiciously. I know how powerful Isaiah can be.

"Wala. Just wait for her to wake up. Nakiusap rin si Clarice." Sagot niya sa akin. Tumango ako pero nanatili akong nakamasid sa kanya.

"Let's just hope she'll wake up." He breathed.

Malubha ang naging pinsala sa kanya ng aksidenteng iyon at totoo ngang maswerte pang nabuhay siya. She got a lot of broken bones and wounds and she coded twice in the OR kaya naiintindihan ko ang stress ni Isaiah.  It was an overnight surgery.

Halos kakauwi ko nga lang kanina pero hindi na ako nag adjust ng schedule. Gusto ko ng sulitin ang isang linggo ko rito sa Pilipinas. Palabas na si Luthor sa makalawa. Gustong siguraduhin ng kanyang doktor at ni Tito Augustus na talagang clear na siya for discharge.

Maayos ang CT, MRI at EEG niya. His muscle reflex are good, too.

Sa hindi maipaliwanag na paraan, I know that miracle is what happened to him. Milagrong nagising siya ng walang brain damage. Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya noon para matulungan si Isaiah ay nagkasundo kaming magkikita sa mansion paglabas niya.

We want to formally say good bye to that house. Nagkasundo kaming ibenta kaya may mga dokumentong kailangang pirmahan. I did not dare ask him about his plans. Wala na siyang lisensya, nagresign na rin siya sa pwesto. Hindi ko alam ang gagawin niya at ayaw ko ng manghimasok doon.

Hindi dahil wala akong pakialam.

Kung hindi, para pareho kaming magkaroon ng katahimikan.

Hindi masyadong abala sa ospital ngayon maliban kahapon. Usap-usapan sa ER na abala daw talaga sila dahil sa mga aksidente sa daan, tinamaan ng paputok, inatake, tinamaan ng ligaw na bala at kung ano-ano pa.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now