Chapter 12

12K 316 21
                                    

This chapter contains sensitive topic. Any resemblance from the real life situation is purely coincidental. Please read at your own risk.


Pulse

"You have something to do with this, huh, Paul?" Ulit ko ng saglitan siyang natulala. He looked like he's drawn from his thoughts.

"Layuan mo si Lian." Mariing sabi niya bago ako mabilisang tinalikuran. I called him.

"If you really care about her, you gotta have this stopped. It will kill her." Mahina kong sabi pero sapat para marinig niya. He turned around to face me, his face is devoid of any emotion.

"Don't talk as if you care for her more than I do. Hindi mo alam ang pinagdaanan niya." Sabi niya bago ako tuluyang nilayuan. Kung hindi pa ako hinila ng dalawa kong bodyguard ay hindi pa ako kikilos. Akala ko sa pagpunta ko rito ay matatahimik ako, pero mas lalo pa yata akong naguluhan.

Mas lalo kong gustong malaman kung anong nangyayari. Llian is a bit aggressive, maybe because of the drug she's been using. Paul looked okay to me. Mukhang hindi siya gumagamit. Natigil ako sa pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ko at nagflash ang mukha at pangalan ni Luthor.

"Hello?"

"Why the fuck is Garcia calling me and telling me that you went to his house? Selah! Ano na naman, 'to?" Agad kong nailayo ang cellphone sa aking tainga nang marinig ko ang bulyaw ni Luthor sa akin.

"W-wala. Girlfriend niya ang ka schoolmate ko. May kailangan lang ako kaya..." Mahinang sagot ko kaso naunahan na niya ako.

"Lie more, Selah and you'll see. Mishael already told me everything. I instructed Randolf to take you home. I'll be there in five." Binaba niya ang tawag at napapikit ako. Fucking Mishael.

Ako:

Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan!

Nagvibrate ang cellphone ko at akala ko ay nagreply siya pero nang makitang tumatawag si Mishael ay sinagot ko kaagad ito.

"Damn you! Bakit mo sinabi?!" Mariin kong bungad sa kanya.

"Sel, magkaharap kami nang tumawag si Paul kay kuya, sa tingin mo matatawagan kita kaagad? At isa pa, hindi ba sinabi ko na sa'yo? Tigilan mo na iyang kalokan na iyan!"

Hinilot ko ang sentido ko. Parang biglang sumakit ang ulo ko sa dalawang magkapatid na 'to.

"Bilisan mong makauwi, sasama ako kay kuya." Sabi niya bago ibinaba ang tawag. Bumuntong hininga ako at napapikit ng mariin sabay nananalangin na sana hindi iparating ni Luthor kay papa ito. Baka hindi lang car privilege ang mawala sa akin.

Kakahinto pa lang ng SUV sa harap ng main door ay nagmamadali na si Luthor palabas ng aming bahay. He's wearing a dark jeans, white shirt, and white chucks. Nakasunod si Mishael at CJ sa kanya pero huminto lang rin sa may bukana. Kinatok ni Luthor ang bintana ng backseat kaya agad ko itong binuksan para bumaba.

"Oh.." ngisi ko sa kanya pagbaba. Umiling siya at halata ang pagkapikon dahil inaasar ko pa siya.

"Whatever their problem is, just stay out of it, Selah. It's not good especially Paul is friends with Michael and Rufus." Pagpapaliwanag niya habang naglalakad kami papasok sa loob. Sinalubong ako ni CJ para halikan sa pisngi.

"Aja?" I asked so we can all have our breakfast.

"Jogging" Maikling sagot niya na tinanguan ko. NIlingon ko si Luthor nang makapasok kaming lahat sa receiving area. His eyes are full of worry and anger.

"Look, I'm safe. Nandoon ang guards. Hindi niya ako magagalaw, okay? Si Lian ang sadya ko hindi si Paul Garcia." Umupo ako sa pang-isahang couch. Umupo rin si Misha at CJ. Si Luthor ay nanatiling nakatayo at nakapameywangan habang nakatingin sa akin.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now