Chapter 3

23.5K 658 259
                                    

Husband



Narinig kong tumawa si Abe matapos ng huling tira ko ay tumama lang ang shuttle cock sa net. Damn it! I'm so tired. Today's a Sunday at pareho kaming bakante kaya naman nang yayain niya akong maglaro ng badminton ay pumayag na ako.

"Let's take a break, come on." He said breathily at basta-basta na lang sumapalampak sa sahig ng court. Bumuga ako ng hangin at tumawid sa courtside niya habang hawak pa rin ang raketa ko. Sumalampak ako sa harap niya.

May sinenyas siya sa isang staff at maya-maya pa ay lumapit na ito sa amin na may bitbit na dalawang bottled water. He opened the cap for me first before handling it to me. Muntik pa akong mabilaukan nang mapasulyap ako sa kanya at kita kong nakamasid siya sa akin habang umiinom rin sa sariling tubig.

"Galit na galit ka maglaro ah? What's up?" Nilapag niya sa gilid niya ang bottled water matapos uminom. Pinunasan ko naman ang pawis sa aking pisngi gamit ang sleeves ng dri fit shirt ko.

It's been a rough week. Mamaya ko pa sana iku-kwento kapag kasama na namin si Clarice kaso hindi siya nagising ngayon dahil siguro sa puyat kakareview. Anyway, she could easily catch up.

"Nothing. It's just been a hell week for me." At inalala ko ang mga nangyari magmula noong dinner at sa residenteng nakaaway ko. Kaya ikinuwento ko sa kanya iyong mga nangyari. Sa buong oras na nagsasalita ako ay nakatingin lang siya at nakatuon ang atensyon sa akin. Nagkaroon lang siya ng reaskyon ng ikinuwento ko na ang nangyari sa dinner.

"Wait, you mean to say, ipinagkasundo ka sa iba? At doon sa anak noong senador?"

Tumango ako sa kanya. Saglit siyang natigilan kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. His hair is a bit damp because of sweat. His thick eyebrows are perfect with his dark and sharp eyes. Maputing maputi ako at medyo mapusyaw naman ang balat ni Abraham, hindi katulad kay Clarice na medyo morena. His chiseled jaw made him look scary and intimidating at the same time. Pero palakaibigan kasi 'to, kaya kahit intimidating ng aura hindi ka mahihiyang kausapin siya.

I'm 5'7, the most, and he is about 6'1 tall. He loves to jog, play soccer and badminton, and go to the gym kaya naman fit ang pangagatawan. Medyo napaderetso ako ng upo nang bumaling na siya sa akin.

"You're getting married?" Naibulalas niya ulit at tila hindi makapaniwala. Natawa ako sa kanya.

"After pa ng med school." Nagkibit ako ng balikat tapos kumunot ang noo niya sa akin.

"And you agreed?"

"Eh gwapo naman siya eh."

He looked like he's being offended with what I said kaya naman humagalpak ako ng tawa.

"Joke lang. But yeah, I'm serious. Sabi ni papa after ng medschool magpapakasal na kami."

Ngumuso ako ng nakitang bumusangot siya. Abe is so good looking and really intelligent, no wonder why girls are always around him. Hindi nga lang pa nagkakagirlfriend simula ng pumasok sa med school.

"How did Tita react?" Tanong niya na halos hindi pa rin makapaniwala. Malapit si Abraham at Clarice kay mama, kasi si Tito Augutus candidate na maging Chief of Surgery sa hospital na pag-aari ng family nila Mama. Si Lolo pa rin ang CEO pero, soon, baka malipat na rin kay mama kasi sina auntie at uncle sa ibang bansa nagpapractice ng medicine.

I just shrugged. Of course mama would never disagree. She's so submissive to my father.

"Do you...want to get married?" Marahan niyang tanong tila ba nananantya kung anong maggiging sagot ko.

"Oo." Mabilis kong sagot at napatingin siya sa akin.

"Pero sa taong mahal ko." Mabilis ko ring dugtong ng hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata. His pitch eyes black looked darker. I didn't know that such sharp eyes can be sharper and intense.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now