Chapter 36

11.3K 285 121
                                    

Goodbyes

Lumapit ako at nagsalita na kahit hindi pa ako nakikita ni Clarice mula sa screen ng cellphone ni Abraham.

"Merry Christmas, Clang." Marahan pero sinigurado kong masaya ang tono ng boses ko. Ramdam ko na nakalingon pa rin sa akin si Abraham kaya ako na mismo ang nagtaas ng braso niya para tuluyan kong maharap ang kanyang kambal.

"There you are! Merry Christmas, Selah Juliana!" Kaway niya sa akin. Biglang nagpakita sa likuran niya si Lindsay at tumili sa akin at kumaway rin. Kumaway ako sa kanilang dalawa at ngumiti.

"Merry Christmas daw sabi ni Kent. Nandoon sila ni daddy at mommy, eh." Salita niya pa tapos ay  itinapat ang cellphone kung nasaan nga ang mga tinutukoy niya. Kumaway ako ulit tapos ay tumayo si Tita Joanna para bumati.

"'Selah, Merry Christmas, anak!" Bati niya sa akin. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko.

"Merry Christmas po, Tita Joanna. I hope you're enjoying right now." Bati ko sa kanya. Saglit siyang nakipagkwentuhan bago ibinalik kay Clarice ang cellphone.

"Anong oras matatapos ang shift mo? Luluwas kami ng madaling araw ni Kent sa Batangas, nandoon na nga sila Gian, eh. Gusto mo isabay ka na namin?" Tanong niya. I smiled at her before I shook my head.

"Magdadala ako ng sasakyan. Pinagbakasyon ko ang mga guards ko. Bukas ng umaga ako babiyahe, pagkatapos ng shift ko. And Clang, congratulations, soon to be momma." Ngiti ko sa kanya. She bit her lip then smiled. Mukha talagang masayang masaya siya.

"Thank you! Anong oras ba ang tapos ng shift mo? Mag undertime ka na kaya! AJ, 'di ba maya-maya kamo babiyahe ka na? Magsabay na kayo! Mamaya antukin pa 'yang si Selah habang nagmamaneho, eh." Sabi ni Clarice tapos ay tumingin sa kanan. May sinenyasan siya at napagtanto kong si Kent iyon nang magpakita ito sa camera. Kumaway siya saglit sa amin pagkatapos niyang halikan ang sentido ni Clarice.

Pilit ng pilit si Clarice na ipag-undertime ako kaso hindi talaga pwede. Tsaka, aabsent na nga ako ng ilang araw. Mabilis lang rin naman ang biyahe siguro kasi umaga naman. Natapos ang usapan ng magsabi si Abraham na kailangan na niyang bumalik sa shift.  Huminga ako ng malalim pagkatapos kumaway kay Clarice nang mag-flying kiss siya sa aming dalawa ni Abraham.

"Ikaw lang talaga magmamaneho mamaya?" Tanong niya matapos ilagay sa bulsa ng kanyang scrubsuit ang cellphone.

Tumango ako sa kanya tapos ay humarap ako sa may barandilya at itinukod ang dalawa kong braso doon. Ang gandang tignan ng city lights mula rito sa kinatatayuan namin. Parang pinapakita na kahit nasa kadiliman ka, mayroon at mayroon pa ring sisibol na liwanag para gabayan ka.

"I can give you a ride if you want." Maikling sabi niya. Ngumiti lang ako at hindi bumaling sa kanya. I can drive. Naiisip ko na ring isabay sila Frances at Janin pero isasabay pala silang dalawa ni Isaiah mamaya-maya dahil halos magkakasabay matatapos ang shift nila. Baka nga pati itong si Abraham ay kasabay nila ng shift.

Nang hindi ako sumagot ay itinukod rin niya ang dalawang braso sa barandilya at tinignan rin ang tanawin.

"Merry Christmas." Bati niya sa akin. I chuckled. Ngayon lang talaga niya sinagot 'yung greeting ko kanina.

"Anong oras ang out mo? Ingat sa pagda-drive." Sabi ko sa kanya.

"Alas dos." Maikling sagot niya. Napasulyap ako sa aking wrist watch at nakitang halos ilang oras na lang pala. Alas sais pa matatapos ang sa akin. Kung aalis ako kaagad, baka kaya naman ng dalawang oras ang biyahe. Pero kung medyo dulo pa iyong ng Batangas, baka matagal na ang magtatatlo?

Nagpaalam siya sa akin ng tumunog ang kanyang pager. I appreciate the quiet fifteen minutes. Hindi niya ako ginambala o kinausap man lang. Nakatayo lang rin siya at katulad ng ginagawa ko, nakamasid lang rin siya sa mga ilaw sa tanawin.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat