Chapter 4

20.1K 525 130
                                    

Pressure





Iniyak ko ang sakit na naramdaman buong gabi. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pag-amin ni Abraham ay sobra sobra ang reaksyon ko. Nagising akong mahapdi at namumugto ang mga mata. I lazily got up in bed then I sighed.

"Alam ko."

Those two words hit like a bullet in my chest. Inatake ng iba't ibang klase ng damdamin ang puso ko.

"I'm sorry, Abe." Usal ko pagkatapos dumaan ang ilang minutong katahimikan.

"Sorry para saan? Sorry dahil gusto mo rin ako o sorry dahil ikakasal ka na sa iba?" He tried to make it seem like a joke but I can see that pain crossed his eyes in a fleeting moment.

Hindi. I refuse to acknowledge what and how I feel. Naipagkasundo na ako sa iba. Baka nga bago matapos pa matapos ang buwan na ito ay maanunsyo na ang engagement ko kay Luthor.

So, no. I will not give him any false hopes. He's too precious for me and I don't want him to get hurt. Kaya kung ano man 'tong nararamdaman ko, hinding-hindi ko kikilalanin.

"I just want to say sorry." That's all.

"Hindi naman kailangan. This is my feelings, I own it, and I'm responsible for it. Hindi mo kailangang mabagabag nang sabihin ko sa'yo ang nararamdaman ko."

Tumango ako sa kanya.

"Pero, Abe, sana huwag mo na akong gustuhin."

That line made him chuckled and he was so amused with what I have said. Hinagilap niya ang mga tingin ko.

"Selah, it's not as if it was programmed. I can't just shut it down whenever I want to." How can he afford to smile when we're talking something this intense?

"I will do it in my own pace. You're not obligated to reciprocate what I feel but at the same time, I want to try my luck, too. I want to pursue you so I can deserve you."

After that talk, my heart felt so heavy that even Luthor noticed it. Panay ang sulyap niya sa akin at panay naman ang iwas ko ng tingin. When the night ended, I immediately straight up into my room and cried.

Siguro kaya ang sakit ng pakiramdam ko kasi hindi ako katulad niya. Hindi ko nagawang sabihin kung ano talaga ang nararamdaman ko. But it's my choice. I refuse to acknowledge this. I refuse to tell him and I will never tell him.

Dahil alam ko na sa oras na malaman niya ang nararamdaman ko, puputulin niya ang linya ng pagpipigil na mayroon siya ngayon.

I glanced at the clock and I saw that I still have time to do my morning jog. Kaya matapos maghilamos at magsipilyo ay nagpalit ako ng damit panakbo.

Ipinapasok ko ang aking cellphone sa arm band nang makasalubong ko si Aja. Hinihingal pa siya at nang makita ako ay tinanggal ang airpods sa magkabilang tainga.

"Nahuli ka yata?" Puna niya. I looked at my sister and suddenly remembered CJ, too.

Hindi ko yata kakayanin kapag naranasan nila ang nararanasan ko. Sobra-sobrang mang-pressure si papa. Kaya determinado akong sundin lahat ng utos niya dahil ayaw kong pagbuntungan 'tong dalawa.

"Napuyat lang." I answered her. Her stare lingered before she sighed and nodded.

Kaya ng makapasok siya ay nagsimula na akong tumakbo sa nakasanayang ruta ko sa loob ng subdivision. I can feel my guards following me, kaya pati sila sinasamantala na rin ang pagkakataon para makatakbo. When I jog, they jog, too. Pinapanatili nga lang nila ang tamang distansya.

Kumpleto kaming mag-anak habang tinitignan ang balita sa telebisyon. It was the president's birthday at the Malacañang Palace last night. It was a media full coverage. Isa-isang pinapakita ang mga short interview sa mga VIP Guests.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now