Chapter 2

24.5K 635 148
                                    

Pride

"Good evening, Luthor."

Humalukipkip ako at paismid siyang tinignan ng lumaki ang ngisi niya. Fake it until you make it. He is breathtakingly handsome pero kahit lumindol at matabunan ako ng bato, hinding hindi ako aamin na gwapo siya.

Man like him...gorgeous, intelligent and rich. They already know how to make women fall on their knees. Too bad my self-control is on the roof. Mas mataas pa ang pride ko sa bahay na 'to.

Hindi na kami nakapag-usap masyado dahil nakita kong napatingin si papa rito mula sa pakikipag-usap kay Senator Cornelius. I glanced at Luthor and excused myself para magbigay galang.

"Ma..Pa.." I said after kissing them both on their cheeks.

"Oh, just in time. Senator, si Selah. Remember?" My mother introduced me. Nararamdaman kong nasa likod ko na si Luthor dahil mula sa akin ay lumagpas ang tingin ni Papa sa likuran ko.

Nakaramdam ako ng kaunting kaba bagaman ngumit ako kay Senator Cornelius at inilahad ang aking kamay upang paggalang. He smiled genuinely then I greeted Attorney Priscilla, his wife.

"You've grown. Kahit na noong nakaraang taon lang naman ang huli nating pagkikita. Are you in med school now?" Atty. Priscilla gently pulled me out of the small circle my parents and Senator is forming. Nakita kong sumali na rin si Luthor sa usapan nila. Ibinalik ko ang tingin kay Atty.

Her aura screams gentleness but full of class. She smiled at me.

"Hindi pa po, Attorney. Nasa huling taon pa po ako sa Nursing." Agad siyang tumango sa sagot ko. She look pleased. Tinanong niya ako sa mga plano ko pagkatapos ng kolehiyo at med school na agad ko rin namang sinasagot dahil sigurado na ako sa plano ko.

After graduation, I will take the NMAT then go straight to med school. After getting an MD, I will apply for a residency immediately. Ayokong ubusin ang oras ko sa walang kwentang bagay lalo na dahil limang taon ang itatagal ng napili kong field.

Naputol saglit ang pag-uusap namin ng magyaya na si mama sa function room. Kapag ganitong may bisita, dito talaga kami nagsasalu-salo. Our dining area is reserved for family use only.

Tahimik ang mga kapatid ko, lalo na si Aja. Kung kanina masama ang timpla niya, mas lalong mukhang papatay ng tao ang itsura niya. Pina-upo muna ni papa at mama sina Senator Cornelius at Attorney Prisicilla.

Obviously, papa will be at the kabisera. Senator was seated on his right and his wife was seated next to him. Si mama naman nasa kaliwa ni papa, CJ immediately sat next to her. In a regular family dinner, ako ang nasa kanan ni papa dahil panganay peo ngayon dito muna ako sa tabi ni CJ.

"Selah, hija, why don't you seat beside Luthor?" Papa asked. Natigilan ako, naramdaman kong napatingala si CJ sa akin sa gulat. I glanced at Luthor and I saw him watching me like a hawk. Nasa tabi siya ng kanyang ina.

Tumikhim ako at unti-unting naglakad papunta sa kinauupuan niya. Si Aja ang umupo sa tabi ni CJ at pagkatapos ay tinabihan naman ng kapatid ni Luthor.

Ngumisi si papa kaya napangiti rin ako. He seemed pleased with my obedience kaya ayos na rin ito. Luthor stood up gracefully, hinala niya ang upuang para sa akin. I mumbled a thank you. Napatingin kami ng makarinig ng halakhak kay papa.

"Cornelius, pinalaki mo ng maayos ang anak mo. Such a gentleman." Papa said while all smiles.

Dumeretso ang tingin ko at nagkatinginan kami ni CJ. She looked bothered. Maybe mama told her some bad news? I will ask her later.

"I want both of them to be fine men, Vice. Lalo ngayong itong si Luthor ay nag-aabogado na." Senator Cornelius' voice is laced with pride. Kahit sino naman. His first born, now a lawyer and his other son I think, is the same year as I' am.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now