Chapter 9

15K 376 152
                                    

Dream


Hindi na nagsalita si Aja hanggang sa makarating kami sa hotel na pagdadausan. Sa buong biyahe ay tahimik lang din ako. Si Luthor at CJ ang madalas na nag-uusap.

Sa buong biyahe ay hindi rin binibitawan ni Luthor ang kamay ko. His thumb is slightly caressing the back of my palm unconsciously while conversing with CJ. Saka lang siya bumitaw sa pagkakahawak ng pababa na kami sa limousine.

Sa hallway ng hotel ay napakaraming photographers. Walang mga reporters pero sa palagay ko ang mga media personnel na nandirito ay mga writer sa mga diyaryo o magazine and they are all dressed formally for this occasion.

I felt Luthor's hand at the small of my back while walking towards the entrance of the main hall. Nauuna kami at nasa likod ang dalawa kong kapatid. Our guards are silently walking around us. Nang makita kami ng media personnel ay agad silang naglapitan sa amin.

"Good evening, Atty de Alvarez and good evening to the ever gorgeous Cortez sisters!" pangunguna ng isang taga media. I smiled awkwardly as flash of cameras seems to be everywhere. Nilingon ko ang mga kapatid ko. I saw CJ timidly smiling at the media personnel and Aja's face remained expressionless.

Bumitiw si Luthor sa pagkakahawak sa akin ng naglakad ako pabalik sa aking mga kapatid. Hinawakan ko ang kamay ni Aja at hinawakan naman niya ang kamay ni CJ. We're holding hands as we resume our walk.

Nakarinig ako ng mga bulungan ng nilahad ni Luthor ang kamay niya sa akin at mas lalong lumakas at bumilis ang pagkuha nila ng litrato nang makitang tinanggap koi yon.

Hindi kami kaagad pinakawalan ng media para magtanong, karaniwan naman ang mga tanong nila ay tungkol sa kung sino ang designer ng damit namin. May kaunting tanong rin sa amin ni Luthor tungkol sa politika.

"Atty., is it true that you will not file for candidacy for next year's senate election?" Tanong ng isang reporter na may hawak na recorder. Walang video coverage pero halata naman na kumukuha ng scoop itong mga 'to.

"That's true." Maikling sagot ni Luthor.

"May we know why?" The reporter asked again.

"Baguhan pa ako pagdating sa politika and I just started practicing law so I want to be more ready for the position. Running in the senate is a serious matter." He answered as if he already anticipated the question. I appreciate Luthor that he omitted me as one of the reasons why he will not pursue the candidacy for next year.

"Ms. Selah, ano po ang masasabi ninyo sa bali-balitang tatakbo raw si VP Pablo bilang pangulo?" Ako naman ngayon ang pinagdiskitahan ng mga reporters. Ang mga kapatid ko sa aking tabi ay tahimik lang at sasagutin ko lahat ng katanungan nila para hindi na sila tanungin.

I don't want them to be harassed by these reporters. Kapag isang beses nagpaunlak sa isang interview, kahit pa na ambush, matatandaan ka na nila at tuwing makikita ka nila gagawa sila ng paraan para makuhanan ka ng scoop kahit sa mabilis na paraan.

I don't want that for my sisters.

"I'm okay with it. I trust my father and if he wants to run, he will get our full support. All of us." Maikling sagot ko.

"Are you now okay after what Rufus Salvador did to you?"

Hindi ko inasahang itatanong ito sa akin ngayong gabi kaya hindi kaagad ako nakabawi. I felt Luthor's firm grip on my hand. Huminga ako ng malalim bago sumagot sa reporter na nagtanong.

"I'm now okay. I don't want to dwell on that too much and I know that it is well taken care of."

Marami pa sana silang itatanong kung hindi lang nagsimulang maglakad palayo si Luthor at sinasabing mahuhuli na kami sa party. I sighed after leaving their crowd. Now, I' am thinking, how celebrities deal with this paparazzi's? Ilang minuto lang iyon pero pakiramdam ko ay sumikip agad ang mundo ko.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now