Chapter 37

11.4K 265 70
                                    

Awake

"We promise we will not talk about this anymore." Mahina kong sabi sa kanya nang unti-unti niya akong binitawan mula sa kanyang pagkakayakap. Humarap ako sa kanya at tinignan ang namumula niyang mata.

Ilang minuto na siyang tumigil sa pag-iyak. Noong una, akala ko, hindi niya ako maiintindihan. Paulit-ulit niyang binubulong sa akin ang mga nararamdaman niya.

"How can you make me promise something that I don't like?" Masungit niyang sabi tapos ay tumingin sa gilid na para bang ayaw niyang makita ang unit-unti kong pagngisi sa kanya. It was already dark and I'm pretty sure they're looking for us now.

"Alam kong maiintindihan mo ako." Sagot ko sa kanya. Palagi naman. Palagi naman niya akong naiintindihan. Hindi na siya sumagot, hindi na rin ako nagsalita. Pareho kaming humarap sa dagat. I can almost hear the silent agreement between us. Pagkatapos ng gabing ito at sa mga susunod na araw, alam kong tapos na ang lahat.

Pabalik kami sa labas ng villa nina Kent nang makita naming nagkukumpulan sila. Nagkatinginan kami ni Abraham bago nagmadaling lumapit doon.

"Anong nangyayari?" Pagkatanong ko niyon ay sabay-sabay silang bumaling sa amin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Frances na may hawak-hawak na tissue at pinupunasan ang kanyang ilong. Isaiah is squatting in front of her, checking her bleeding nose.

"Bigla siyang nahilo tapos ayan." Kinakabahang sabi ni Janin.

"I'm fine. I just need to change my clothes. Ayos lang talaga ako." Sabi ni Frances. I squatted in front of her, too. Tinanggal ni Isaiah ang kamay ni Frances sa kanyang ilong tapos ay tinignan kung tumigil na ba ang pagdurugo.

"Ilang beses na itong nangyari?" Tanong ni Isaiah.

"Ngayon lang." Mabilis na sagot ni Frances. Huminga ako ng malalim. Kakaiba talaga ang mga kinikilos ni Frances at may pakiramdam akong hindi siya nagsasabi ng totoo. Pero hindi ko naman siya pwedeng pangunahan.

Sinamahan ni Janin si Frances papasok sa loob para makapagbihis dahil namantsahan ang kanyang damit. Tumulong na ako sa paghahanda sa lamesa at ramdam ko ang pasulyap-sulyap ni Mishael sa akin. Alam ko naman na alam nilang nag-usap kami ni Abraham. Pareho kaming wala kanina at sabay rin kaming bumalik.

Kahit na emosyonal ang pagpasok ng gabi sa aming dalawa ni Abraham at kahit na kinabahan kaming lahat kay Frances, walang nakapagpigil sa amin na magsaya pa rin sa gabing iyon. We said our congratulations and wishes to the couples.

Hindi ko pa sinabi na nagresign na ako. I don't want to ruin the mood. Sasabihin ko rin naman sa kanila at gusto kong magkaroon ng simpleng dinner sa condo ko bago man lang ako umalis. The people I am with right now, are the same people who taught me differently in life.

Kahit na bago ko pa lang nakilala sina Maxene, Frances at Janin, marami akong natutunan sa kanila. Nakita ko kung gaano rin nila kayang isakripisyo ang kanilang mga sarili para sa uri ng trabaho na mayroon kami.

Dumating kinabukasan ang pamilya ng mga ikakasal, pati na rin ang mga tagadisenyo at catering. Ako ang maid of honor ni Clarice, ang kapatid naman ni Maxene ang sa kanya. Then, Kent's best man is Isaiah and Gian's is Abraham.

Napangiti ako sa aking sarili nang mapagtantong hindi lang kami basta basta magkakaibigan. We are family. And I will treasure this for the rest of my life.

Inililipad ng hangin ang laylayan ng aking rosal na damit. Pinagdiskitahan ni Janin ang mga sobrang bulaklak at ginawang korona iyon. Sunset wedding ang napili ng ikakasal at talaga namang romantic iyon. All of us are barefooted, too.

Nagkaroon ng saglitang photoshoot at mayroon pa ngang dalawa kami ni Isaiah.

"Nako. Baka may magselos." Natatawang sabi niya. I made a face to him and he smiled wider.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang