Chapter 25

10.6K 238 100
                                    

This chapter remembers all the moms, to those couple who is expecting a baby on the way, to couples who haven't received the gift of marriage yet. Your season will come.

Baby

Kung hindi sana ako kakapusin ng oras ay uuwi pa muna ako at sa bahay maliligo bago magderetso sa bar na napili ni Clarice. Nag-extend pa ako ng isang oras dahil natagalan ang pagrounds namin ni TRex kanina.

"Here." Abot sa akin Maxene ng susi ng shower room ng mga employees. Nagtataka nga sila kung bakit hindi na lang ako sa opisina ni mama magtungo eh may sariling bathroom doon pero ayoko talaga ng nakakarinig ng may special treatment sa akin kaya hindi bale na 'to.

The employees shower room is on the second to the last floor of this building. Ang pinaka taas ay helipad. Binilisan ko na lang makapunta roon at habang naglalakad ako ay muntik pa akong madapa dahil naapakan ko ang sintas ng aking puting chuck taylor.

I kneeled so I can fix it. Napatingin ako nang may naramdamang papalapit. Una kong nakita ang kanyang stan smith kaya agad akong napatingala. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin pero agad ring naliwanagan ng makita kung bakit ako nakaluhod rito.

Mabilis akong tumayo nang marealize kong hindi siya nag-iisa. Agad akong bumati.

"Good evening, Sir." Bati ko kay Tito Augustus. Ngayon na lang ulit kami nagkita. The last time I saw Abraham's parents was....

"Good evening to you, too, Selah. Kamusta ang unang taon?" Ngumiti sa akin si Tito Augustus. Mukhang pauwi na sila. He's on his suit and he's holding his briefcase then he's holding his lab coat on the other hand.

"Maayos naman po. I like it here." Magalang kong sumagot. Mas lalo siyang ngumiti. Saglit niya lang kinamusta si mama at pagkatapos ay nagpaalam na sila ni Abraham. Mabilis akong nagtungo sa locker room para kuhanin ang damit ko bago ako nagderetso sa elevator.

I wore a black spaghetti strap satin dress and a pair of lace up stiletto. Mabuti na lang at hindi ko binasa ang buhok ko dahil walang blower dito. Tinanggal ko ito sa pagkakatali at medyo nasiyahan naman ako na bahagyang kumulot ito. I combed my hair using my fingers to make it look like it's been purposely curled.

"Hello, love." Sagot ko ng tumawag si Luthor. Naglalakad na ako ngayon sa may hallway sa first floor. Kailangan ko pang dumaan sa ER para ibalik kay Max itong susi sa shower room.

"Nasaan ka na?" He asked. Mukhang nasa firm pa rin siya hanggang ngayon. Sobrang abala ni Luthor sa firm at sa pag-apply ng candidacy.

"Paalis pa lang sa hospital. Late na nga ako, eh. Anong oras ka uuwi?"

I already told him days before that we're having this ladies night for Clarice. Kasama nga si Lian pero hindi naman siya iinom doon.

"Hindi ako makakauwi ngayong gabi." Sabi niya. Natigilan ako. Huminto muna ako at hindi na muna pumasok sa ER.

"Really? Too busy?" I asked. Parang ito yata 'yung unang pagkakataon na hindi siya makakauwi. Madalas siyang ginagabi pero bago mag alas dose naman ay nakakauwi na siya. Maybe the firm's really busy right now.

"May bagong kaso medyo high profile." Tanging sagot niya sa akin. Hindi ako nagtanong kung tungkol saan o kanino. We respect each other's nature of work and our job requires utmost confidentiality. So, we don't talk about his cases and we don't talk about my patients.

"It's okay. Mag-iingat ka and eat." I reminded him. Humalakhak siya kapag palagi ko siyang pinapaalalahanan kumain. I just don't want him to get sick. Mas madalas siyang gising kaysa natutulog at palagi pa siyang pagod.

"Yes, boss. Sorry, I can't drop you off to the place. Si Paul pabalik na rito kasi hinatid si Lian."

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Maybe I can just drop off Lian to their house later. Ang layo kaya ng firm nila sa napiling bar ni Clarice, kawawa rin naman si Paul kung babalik pa siya.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon