E1: Commander-in-Chief

18.4K 251 83
                                    

Epilogue 1

"Pancho, are you enrolled?"

"Tapos na po, pa."

I nodded then looked at my son for a few seconds. He really looked like me. Nag-iisang lalaki sa apat naming anak ni Esmeralda. It really made me happy that despite his young age, I can already see that he's interested in Politics.

Bata pa ang mga anak ko. Itong si Pancho ay papasok pa lang sa unang taon sa kolehiyo sa kursong Accountancy. Ang sumunod kong anak na si Selah ay mas bata sa kanya ng tatlong taon ngunit natural na matalino. Kaya imbes na dapat ay nasa ikalawang taon pa lang siya sa high school, ay nasa panghuling taon na.

Si Celestine naman ay manang-mana sa kanyang ina na masiyahin. Ang bunso ko ay pinagsamang ugali ng panganay ko at pangalawa. Matapang...parang itong si Pancho at independent na para namang si Selah.

Ang tatlong babae ay agad kong nakitaan ng hilig sa pagmemedisina katulad ng kanilang ina. Talagang maswerte akong si Pancho ay nakuha ang hilig ko at talagang inihanda ko siya sa mga dapat niyang malaman para sa oras na pumasok siya sa politika ay alam na alam na niya ang gagawin.

Kaya nang malaman namin na may problema ang puso niya at kinakailangan sumailalim sa operasyon ay labis na nadurog ang puso ko.

He's our son. Our first born. He's my gem. My wife and kids are so devastated. I am so devastated. Pancho is really a good son. Wala akong naaalalang sumakit ang ulo ng asawa ko sa batang 'yon. Wala rin akong maalalang pinagtalunan naming dalawa.

He is an ideal son.

"Kuya, I'll be a doctor someday. Hold on, okay? I'll fix your heart."

Napahinto ako sa tuluyang pagbukas ng pinto nang marinig ko si Selah na kinakausap ang kanyang kuya. My son just woke up from a bypass surgery. The doctors found out that there's a blockage on his arteries. Hindi na raw ito kayang kuhanin sa gamot.

Pancho chuckled upon hearing that. Sa lahat ng anak ko, itong si Selah ang unang-una kong nakitaan ng interes sa pagmemedisina at lalo pang umigting ang interes nang malaman na may sakit ang kuya niya.

I want her to take Accountancy, too, but I found out that she wants to take the bachelor of Nursing. Pancho is getting worst, too. Sa loob lang ng isang taon ay sumailalim siya sa dalawang operasyon.

"How's your son?"

Napalingon ako nang marinig iyon. Sa sobrang abala ko sa pag-iisip sa kalagayan ng anak ko ay hindi ko na namalayang pumasok sa opisina ko ang presidente.

"Sir." Bati ko ng malingunan siya. President Alfred Dominguez Espejo is few years older than me. I really look up to this man. Nang magsimula sa politika, kahit kailan ay hindi nagkaroon ng record sa kurapsyon o hindi tamang paggamit ng pera ng taumbayan. Kaya noong masinsinan niya akong kinausap tungkol sa pagtakbo niya bilang presidente at sinabi niya ring ako ang gusto nyang maging bise-presidente niya ay tunay na pinaghusayan ko.

I followed almost all of his footsteps. Lahat ng mga itinuro niya sa akin ay buong puso kong inalala. He's grooming me to be the next president of the country.

"He's weak. Pinapatigil ko nga muna sana sa pag-aaral nitong ikalawang semestre, kaso ay ayaw naman." Habang nagsasalita ako ay iginigiya ko siya papaupo sa couch ng aking opisina. The president smiled upon hearing that. He and his wife are so close to my family and I noticed that their favorite is my eldest girl.

"Hayaan mo at baka mas manghina sa bahay. If you need anything and I'm sure you don't – " then he chuckled. Ngumisi ako bago sumandal at hinilot ang sentido nang medyo kumirot ito.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now