Chapter 24

10.3K 248 141
                                    

Keep



Naramdaman kong may inilagay sa kamay ko si Abraham habang mukha akong tanga na iyak ng iyak. Huminga ulit siya ng malalim at naramdaman kong tumayo na siya.

"It happens on the first day and I know you got distracted. Take your time and breath then go back. The TRex is looking for you."

Pagkasabi niya noon ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng fire exit at muli ring paglapat nito. Humikbi ako at sinubukang huminga ng normal. Tinignan ko ang panyong ibinigay niya sa akin at pagak na tumawa.

Funny how he still managed to be naturally caring. Mas lalo akong umiya. Dapat ay galit siya sa akin. Mas kaya ko siyang harapin at pakitunguhan kung galit siya sa akin. Umalis ako ng walang pasabi. Iniwan ko siya bigla. Hindi ko alam kung alin ang mas gusto ko, itong normal siyang makitungo sa akin o pakitaan niya ako ng nagbabagang galit?

Ilang minuto pa ako kumalma. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo na pinahiram ni Abraham. I made a mental note to myself. Lalabhan ko na ito pag-uwi para maibalik ko kaagad sa kanya bukas. Isinuot kong muli ang aking coat bago mabilis na binuksan ang mabigat na pinto ng fire exit.

Nagulat pa ako nang makitang nakasandal ang senior ko sa pader habang nakahalukipkip. Nagkatinginan agad kami bago siya ngumisi.

"Akala ko hindi ka na lalabas diyan, eh." It felt weird hearing him speak tagalog. Para kasing tunog nakakaloko iyon, eh. Humingi ako ng pasensya sa kanya. Tumango lang siya sa akin at tahimik na kaming naglalakad pabalik sa ER.

Mamayang hapon ay sasama naman ako sa kanya kapag oras na ng rounds niya sa mga pasiyente niya.

"Potassium." Biglang sabi niya.  Lumingon ako sa kanya pero deretso lang ang tingin niya sa daan at nakapamulsa.

"My first patient died because of too much potassium."

Huminto siya kaya napahinto rin ako tapos ay tuluyan siyang humarap sa akin at humalukipkip.

"His name is Luisito and he got cancer. Lukemia. Unang pasiyente ko noong nagsisimula ako rito. He did not die because of cancer, he died because of me. Because I gave him too much potassium."

Kumirot ang puso ko at bumaba ang tingin. I don't know why he's saying that too me but I felt that he's trying to make me feel fine. Tahimik pa rin ako at hindi makapagsalita.

"I couldn't sleep for weeks and sometimes, it still haunts me. Why am I saying this? You see, Cortez or de Alvarez?---" Natatawa niyang sabi at napanguso tuloy ako at mabilis na inangat ang mga mata sa kanya.

"I'm saying this because we all commit mistakes. Hindi ko sinasabing mabuhay tayo doon pero may mga bagay na hindi natin inaasahang pwedeng mangyari. O labas sa kontrol natin. We're doctors, we save life. But we're not God."

Tumango ako sa kanyang sinabi bago huminga ng malalim. Kinabahan tuloy ako kung nagkamali ba ako ng instinct sa aking unang pasiyente kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"My...patient." Tanging nasabi ko. He smirked at me bago ako sinenyasang sumunod sa kanya. Noong una hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nang pumasok kami sa isang parang silid ay agad akong lumapit sa salaaming pumapagitan rito sa kinatatayuan ko at sa operating room.

Tinignan ko ang monitor at nakita kong stable ang kanyang stats. Nagtagal ang tingin ko sa isang surgeon na nandoon, unti-unti kong namukhaan na si Abraham iyon. Napalunok ako nang maalalang naisip niyang puntahan muna ako bago siya dumeretso rito. He really is naturally kind. His fiancée must be so lucky.

"You made the right call, Doc." The TRex whispered beside me while watching what's happening inside, too.

Halos maubos ang lakas ko nang papasakay na ako sa aking kotse para makauwi. Basta ko na lang inilagay ang aking mantsadong coat sa passenger seat. Nasulyapan kong alas otso na ng gabi. Dapat ay hanggang alas kwatro lang ako ngayon pero hindi ko na namalayang sumobra ako sa oras.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Where stories live. Discover now