Chapter 20

12.3K 242 107
                                    

Sorry

"Are you sure?"

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Kapag naririnig ko ang pag-aalala sa kanyang boses ay lalo lamang akong mas naiiyak. CJ must've texted him about me going into the study with my dad alone. Alam kong kayang kaya niyang magpunta rito pero alam ko ring hindi siya magpupumilit kapag sinabi kong hindi na kailangan.

Abraham always respects my decision.

"Oo. Ayos lang ako rito. Papasok ka na?" Malambing kong tanong sa kanya. Paulit-ulit akong marahang humihinga ng malalim para tuluyang kumalma at matigil sa paghikbi.

"Hindi pa. My shift starts at four." Buntong hininga niya sa kabilang linya. Napangiti ako ng bakas sa boses at mga sagot niya ang pagkabagabag.

"Okay. Ingat ka. I need to hang up now. Tinatawag na ako for lunch." Pagsisinungaling ko. Halos marinig ko pa ang panginginig ng sarili kong boses kahit na tapos naman na akong umiyak. Matagal bago niya ako sinagot.

"Hey..baby, are you sure you're okay? I don't like the sound of your voice right now." Malambing niyang pangungulit sa kabilang linya. I chuckled and nodded as if he can literally see me. I was so hurt with what's happening between me and papa but hearing Abraham's voice right now somehow calmed me.

"I'm okay, baby." Nakangiti kong tugon sa kanya. I'm now okay.

"Hindi ako mapanatag." I heard him chuckled after he said that. Tuluyan na akong napangiti. After how many minutes of convincing him that I'm okay we decided to end the call because I need to get out now.

"I love you so much, Selah." Nahimigan ako ang kaseryosohan sa kanyang boses ng sabihin iyon. Sumakit ng husto ang puso ko nang marinig iyon.

"I love you so much, too, Abe." Halos hangin na lang ang lumabas sa aking bibig ng sabihin iyon sa takot na mahimigan niya ang lungkot sa boses ko. Nang matapos ang tawag ay huminga ako ng malalim. Naglakad ako patungo sa lamesa para ipatong doon ang panyong inabot ni papa sa akin.

I will never remove this ring. I am too in love with Abraham that I am willing to let my father understand that I will not leave him. I will not end this with him.

Wala namang masama sa pagpili sa sarili kung minsan, hindi ba? Kahit itong pagkakataon lang na 'to. Kaya kong isakripisyo lahat huwag lang siya. And if he's on my situation, I know...he won't leave me either.

Hindi maalis ang tingin ni CJ sa akin. She must've noticed my swelling eyes and I bet she's the one who called Abraham earlier. Tahimik ang buong hapag at kahit si mama ay hindi makuhang magsalita. Si papa pa rin ang bumasag ng katahimikan at kinamusta ang pag-aaral ni CJ.

I badly want to leave. Halos maramdaman ko ang init sa nag-aapoy na galit ni papa sa akin. Tanging respeto sa pagkain at sa magulang ko ang nagpipigil sa akin para tumayo at umalis sa lugar na 'to. Pagkatapos ng pananghalian ay nanatili pa kami ng mga dalawang oras para samahan si mama magpahangin sa garden.

Si papa bumalik kaagad sa study at hindi na kailanman lumabas pa. Wala ako sa sarili buong oras na kasama ko si mama at CJ sa labas kaya naman silang dalawa na lang ang nag-uusap pero nang magpaalam na kami ay isang matagal na yakap ang binigay ni mama sa akin.

"Everything will be okay. Don't worry." She whispered. Tumango ako bago ibinaon ang aking mukha sa kanyang balikat at mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. She's so fragile that it scared me to hug her tight, too.

"I love you, ma." I whispered.

"I love you, too, Selah. Thank you for always taking care of your sisters."

Nagtext lang ako kay Abraham na naka uwi na kami at magsisimula na akong mag-aral kaya naman imbes na tumawag kapag may libre siyang oras ay text lang ang tangi niyang nagagawa. He knows that I don't want to be disturbed once I started studying.

Yesterday's Fragment (Medico Jurist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon