Bente - cinco

1.3K 30 1
                                    


YOON'S LAKE


Sheena Pov


    Mwehehehe.

Kakaiba ang sayang nararamdaman ko habang naglalakad kami ni Mali papuntang lawa.


"Napakaganda pala rito! ", namamanghang komento ni Mama na nasa likod ko hawak-hawak ang tali nang dala-dala niyang dalawang aso at ang tatlong iba pa ay karga ng mga kaibigan ni Titus. Ayaw kasing iwanan ni Mama ang mga hayop niya kaya heto't isinama rin namin.



Masaya ako nang sunduin namin sina Mama, Mali at ilang kaibigan ni Titus gamit ang Van papunta rito. Ang iba sa kanila ay may sariling kotse dahil hindi na kami nagkasya sa sasakyan, idagdag mo pa ang ilang pagkaing naroon.


Ang mga puno ay tila sinadyang patubuin na animoy sundalong nakahilera upang padaanin kami ng matiwasay. Manghang mangha akong nakatingala at nililingonan ang ilang huni ng ibon na tila nagdiriwang sa pagdating namin.


Puro kulay berde ang nakikita ko, ang sarap sa mata. "Selfie!", inakbayan ako bigla ni Mali at tahasang cli-in-ck ang camera, hinila ko ang buhok niya pagkatapos niyon dahil paniguradong napakapanget ng itsura ko.



"I-delete mo 'yon!", atungal ko, nilabas niya ang dila at tsaka tumatakbong tinignan ang kuha. Nabigla ako nang asar siyang lumingon sa'kin. "Ang daya bakit ang ganda mo parin!", nagkibit balikat lang ako.


"Tanungin mo si Mama", nguso ko, tumaas ang sulok ng labi niya at pumormang kukuhanan ako ulit. Ginaya ko naman iyong nakita ko sa magazine, kunwari ay nakatawa ako nang malaki.


"Ah! Ang ganda talaga!", ungot niya na tinawanan ko naman, napalingon ako sa mga kalalakihang may sariling mundo, kanina pa sila nagtatawanan, sandali akong natigilan matapos makita si Caleb na hawak ang dslr na camera habang si Titus naman ay tila ba tinuturuan siya kung paano iyon gamitin , hindi nila hinihinto ang paglakad.



Umangat ang mukha ni Juan, nagtama ang paningin naming dalawa, ngumuso ako at tumalikod dahil sa pag-init nang aking magkabilang pisngi.


"Sige tita awra pa! Oha!", natawa ako kay Mama na kasalukuyang nasa pinakaunahan na habang karga karga ang dalawang aso niya, nakangiti ng malaki at kinukuhanan ng litrato ni Mali.



Kumaripas ako ng takbo papunta sa kanila atsaka yumakap kay Mama mula sa likod na ikinabigla nito. "Hay nakung bata ka, aatakihin ako sayo!", bulalas nito na ikinangise ko naman.


"Awitism , mother and daughter be like", natutuwang wika ni Mali bago ulit kami kuhanan. "Caleb halika dito picture tayo!", aya ni Mama sa kapatid ko.
Nagkangiwe-an pa kami nang magkatinginan sa isa't isa ni Caleb. Asar ko siyang inirapan, umawang ang bibig matapos niyang sumiksik sa gitna namin!



"Ano ba! Andaming space dito ka pa pumunta", reklamo ko. Bumelat lang siya sa'kin at yumakap sa beywang ni Mama. "Ma!", sumbong ko rito ngunit humagikhik lang ito at mas ngumiti pa sa harapan. Nakasimangot akong tumingin sa harap para lang makita kung gaano kapula ang mukha ni Mali sa kakapigil ng tawa niya.



Peke nalang akong ngumiti sa huli. "HAHAHA ayusin mo naman She! Ikaw lang 'tong parang tanga sa picture!", saka nanaman siya humagalpak ng tawa na ginaya rin nang dalawang taong katabi ko na kaagad din na huminto matapos ko silang balingan.


"Ulit, ulit!" anunsyo ni Mali, ngumiti naman ako ng matamis para naman hindi na ako magmukhang tanga raw sa litrato. "Perfect!", utas ni Mali.



RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now