Desi-otso

1.3K 38 1
                                    

Whisper

Kabado akong tumatakbo papunta sa guidance office. Sinumsumpa ko talaga ang kuwartong 'yon pero hindi ko akalaing papasok na ako ngayon sa di malamang dahilan.



Sa sobrang pda ata namin ni Juan ito! O kaya naman dahil sa nangyari sa cafeteria na sobrang tagal na, o baka naman dahil pipilitin nanaman nila akong sumali sa pageant na lagi kong hinihindian, ayokong ma-pressure ang utak ko noh!



Nakatayo lang ako doon nang bumukas ang pintuan at lumabas ang isang teacher. "Sheena anong ginagawa mo diyan?",mukhang good mood siya kaya nakangiti. Ngumiti rin ako.


"Nakatayo po Ma'am", saad ko na ikinabago nang mood niya, inis na inismaran niya ako sabay lakad palayo.


"Mrs. Yoon follow me", napatingin ako kay Mrs. Guidance Counselor na maawtoridad ang mukha, kababakasan din nang pagiging istrikto ang kanyang boses , nasa may pintuan rin siya, hinatid ata ang naunang bisita. Lumunok muna ako bago sumunod sa kaniya papasok.



Bahagya akong napangiti dahil sa itinawag niya sa'kin. Hihihi.



"LAHAT nang guro mo ay nagrereklamo sa'kin, kung hindi ka raw tulala sa armchair mo ay natutulog kanaman sa klase nila. Nahihirapan silang turuan ka nang maayos. Ang lakas mong gawin iyon lahat, hindi naman mataas ang grado mo. 75 ang pinakamababa mong marka, at iyon rin ang pinakamataas", agad niyang sabi matapos nang ilang sandali kong pagkakaupo. Malakas ang boses niya kaya nayayanig ang sistema ko. Napahinga ako nang malalim tungkol sa winika niya.


Kahit sino, hindi  kayang i-maintain ang straight 75 sa lahat nang subjects, dapat nga proud kayo sa'kin Huhuhu.

Pasado naman lahat yon ah? Nakakapagod kayang makuha yong 75 noh. Dapat nga Magka-Guinness World of Record ako e.


"At ngayon naman ay desidido na si Mrs. Agpangan na ibagsak ka sa subject niya, ganoon rin ang desisyon nang iba pang teacher na naghahandle sainyo", nangilid ang luha sa gilid nang mata ko, sa sinabi ni Mrs. GC, kinalikot korin ang kamay na namumutla na sabay basa nang labi kong kanina pa natutuyo.




"A-ano po bang, k-kailangan ko gawin Ma'am?", inosente kong tanong habang pinupunasan ang luha ko habang nakayuko. Narinig ko ang pagsara nang pinto pero wala akong lakas na tignan kung sino ang dumating. Sobra-sobrang ang kaba ko matapos iyong i-anunsyo ni Ma'am. Paniguradong sandamakmak nanamang sermon ang aabutin ko kapag nalaman ito ni Mama.




"Napagdesisyonan kong i-pa-tutore ka sa isa sa matatalinong istudyante nang paaralan. Paniguradong magiging madali sayo ang bagay na'to, lalo na't malalim ang koneksyon ninyong dalawa", suminghot-singhot ako at hindi inalisa ang sinabi niya.



"K-kahit sino po Ma'am b-basta matutulungan niya po ako." ani ko. Sinuklay ko ang buhok dahil napupunta ito lahat sa mukha ko.



"Buong bakasyon ang ibibigay namin sayong oras bago kumuha nang exam at maipasa ang lahat nang subjects. Goodluck Mrs. Yoon", nang tumayo siya ay napatayo narin ako. Tumango lang ako at aakmang maglalakad na palabas ngunit agad nahinto dahil sa pigurang nakikita ko ngayon, nakatayo siya sa harap ko.



Blankado ang ekspresyon nang mata niya. "A-anong ginagawa mo dito?", utal kong tanong, naniningkit pa ang mata dahil sa pag-iyak kanina.




"Ang asawa mong si Mr. Yoon ang nagboluntaryong turuan ka. Tiyak ko may matutunan ka sa kaniya Mrs. Yoon", nanunukso sakin ang mga mata ni Mrs. GC.
Pati tono nang boses niya ay tila kinikilig pa. Mariin akong napalunok bago ibaling ang mata sa asawa ko.



RAPE  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon