Trenta 'y Singko

989 32 0
                                    

Twist

Sheena Pov

Kulang ang salitang sakit, kirot, hapdi at pait kapag paguusapan natin ang nararamdaman ko ngayon.

"Hanggang ngayon wala parin kaming suspect sa pagkamatay ng biktima. May mga finger prints kaming nakita at hanggang ngayon----",


  Napakaraming tao sa labas ng bahay namin, akala ko sa palabas ko lang makikita ang mga yellow na nakapalibot sa isang tahanan, na ngayon ay hantarang humahampas sa reyalidad ko. Hindi ko akalaing mararanasan kong makakita ng pulis at ang masaklap ang pinakamamahal ko ang dahilan.


Ilang beses akong lumunok at itinikom ang bibig, naghahanap ang mata, hindi alam kung saan pupunta. Bakit ngayon pa.

Hindi, hindi 'to totoo. Panaginip lang 'to. Isang bangungot.


"Sheena calm down". May humawak sa kamay ko at pumisil ngunit halos hindi ko na iyon maramdaman pa. Nagpulas ang luha sa'king mata matapos matanawan si Caleb na karga-karga ng isang pulis. Tumatangis ito na parang isang batang binugbog at nagsusumbong.



Wala na'kong makita, tanging si Totoy nalang. Tumakbo ako at inalis ang kaninong kamay na nakahawak sa'kin, hinawi ang mga taong nakatabon at agad na sinalubong ang lalaking matangkad na hawak-hawak ang kapatid ko.

"ATE!". Napansin niya ako bago paman ako makalapit ng tuluyan. Parang isang bombang sumabog sa kaibuturan ko ang salitang sinigaw niya sa'kin. Binukas niya ang dalawang braso at nanginginig pa ang kamay habang walang kurap ang basang mga matang nakatitig sa'kin.


"Kayo ba ang--". Hindi na natuloy ng lalaki ang sasabihin dahil agad kong niyakap si Caleb at agawin sa kaniyang braso. Damang-dama ko ang tibok ng puso ng kapatid ko, ang takot,  ang lungkot at kaba.



"Ate..., ate.... ". Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin, nagsusumbong ang tinig, maraming gustong ipahiwatig. Ngunit umuurong ang dila, tila nawalan ng lakas para ituwid ang kahit na anong pangungusap. Naninikip ang dibdib ko at mas lalong lumaki ang nakabarang bagay sa'king lalamunan.


"She's the daughter of the victim." Tinig mula sa likod ko, marahil may kinakausap. Hindi kona alam.


"Si mama?". Nanghina ang tuhod ko matapos marinig ang paglakas ng hikbi niya at paghigpit nang yakap dahil sa tanong ko. Kumunot ang noo ko para pigilin ang sariling hikbi. Kinagat ang sariling labi dahil pilit na tumatakas ang sariling hagulhol.


Mula sa entrada ng pintuan namin , kung saan bawat parte nito ay punong-puno ng ala-ala ay mapapalitan ng ganitong senaryo. Iba't ibang flash ang nagaagawan sa loob, tila nag-aagawan sa iba't ibang anggulo. Huminga ako nang napakalalim.


"K-kuya". Ibinigay ko si Caleb kay Juan matapos niyang umusal, Para akong lutang at hindi ko na magawang umimik, magsalita, parang pinapalo nang husto ang dibdib ko at isang tao lang ang makakapagpahupa.


Pinikit ko ang mata at huminga nang napakalalim. Unang hakbang palamang ay gusto nang matupok ng tuhod ko. Humawak ako sa hamba ng pintuan, hindi ko pinansin ang mga tinig mula sa likod ko. Alam kong pamilya iyon ni Titus.


Kinuyom ko ang dalawang kamay, pinapalakas ang loob, umaasa ako na prank lang ang lahat ng ito. Diniretso ko ang paglakad, takot man sa malalaman alam kong magigising din ako sa bangungot na ito.


Dahil sa naisip ay nagawa kong lakarin nang matulin ang lahat papunta sa kinaroroonan ni Mama. Nakakasilaw ang lahat ng flash pero hindi ko iyon inalintana. Pakulo nanaman ito ni Lolo nalang.

RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now