Syete

1.6K 47 3
                                    

Excited

"OH MAY GOD Girls! Papunta dito si JORDAN!", natigil ako sa pagchismis kay Mali tungkol sa pusang nakipagtitigan sakin nong isang araw bago mangyari ang lahat.



Naexcite ako bigla kasi matagal narin nong huli ko siyang nakita! Halos mangawit na ang leeg ko sa pagtanaw sa kaniya, ang ibang girls naman ay nagpowder at lipstick na.


Sobra sobra ang kilig ko nang sumilip ang ulo niya sa gilid nang pintuan namin. Pigil na pigil ang tili namin. Pati si Mali ay nagaabang din kung ano ba ang pakay nito.


Nagulat ako nang magtama ang paningin namin. Ngumiti siya sakin, gusto kong tumalon-talon sa tuwa!



"Sheena, sumama ka sa'kin ", ani niya na ikinatulala ko, todo naman ang pagyogyog sa'kin ni Mali. Totoo ba to? Pero napawi ang lahat nang rumehistro sa utak ko ang mukha ni Juan, galit at nagbabanta.

Napalunok ako at umiling-iling.


How dare you Sheena to Reject him!

Ang kapal talaga!

She's so MEAN!


"She? ", gulat na tingin sakin ni Mali. Ayoko pang mamatay Huhuhu. Alanganin namang ngumiti si Jordan tapos may isa pang ulo ang lumitaw.


"Si John Titus ang nagpapatawag sayo", umatungal naman bigla ang mga kaklase kong babae, agad naman akong napatayo. Ayokong paghintayin siya kasi baka magalit nanaman.


"Alis muna ko She", paalam ko nang hindi lumilingon, iniwan ko rin ang bag ko at sumama na sa mga lalaking nagaabang sakin.

Napalunok ako matapos makita na higit sa lima ang nandirito, pawang nakangiti sila sa'kin. Alanganin naman akong ngumiti.


"Oh may gad! Hindi bako nananaginip? "


"Gosh! Bakit nila kasama si Sheena Bugan! ",

"I wanna die na! "


"Magpapakabobo narin ako para mapansin nila",


Bigla namang nagtawanan ang mga lalaking kasama ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapuna na napakaseseryoso nila. Wala namang nagsasalita . Ang tahimik. Napapagitnaan nila akong lahat.


"How's your day Sheena? ", biglang tanong ni Jordan, napatingin ako sa kinaroroonan niya, hindi ko akalaing magkatabi kaming naglalakad ngayon sa campus, dati ratiy tinatanaw ko lang siya sa malayo.


"A-ayos naman", maikli kong sagot. Masaya! kasi nandito ka. Mas lumapad ang ngiti niya matapos makita ang pamumula nang pisngi ko.


"Malapit na tayo, konting distansiya naman", sabi nang isang lalaki. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya, walang kumilos saming lahat.


"Jordan", tawag nito sa katabi ko na parang nagbabanta. Ngumise lang si Jordan at parang natutuwa pa sa nakikitang reaksyon nang kasama "Wala akong ginagawang masama Ed", sabi niya. Napailing naman yung Ed.


Huminto kami sa isang itim na pintuan, ito ang classroom nang section ni Jordan. Kung saan nangyari ang unsuccessful kong plano. Medyo kinabahan ako nang bumukas ang pintuan matapos kumatok nong Ed.


"Pasok ka Sheena", bulong ni Jordan na talagang kumiliti sa tainga ko, hindi ko maiwasang mapalayo sa kaniya. Taka niya kong tinignan "M-may kiliti ako sa tainga",paliwanag ko na ikinatawa niya nang marahan.


RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now