Bente-nuebe

1K 31 0
                                    

How's



Juan Titus Pov

Salubong ang kilay ko habang nilalakad ang daan papuntang play ground. Hinamon ako nang away nina Wally, paniguradong may mga back up ang kupal. Napailing-iling ako habang ngumingise, nakakatamad na silang bugbugin, wala namang nagbabago, ako parin ang panalo.




"Miming, batet ka iwan mama mo?".



"Batet ka iisa?"




Napahinto ako matapos marinig ang sunod sunod na hagikhik na galing sa hindi kilalang nilalang. Nakakairita!




Inis kong hinanap ang pinanggalingan nang nakakabwiset na tinig na'yon. Nagpameywang ako matapos makita ang batang babae na nakaupo sa carabao grass at hinihimas ang ulo nang nakakasuyang kuting.




"Punta ka lagi dito wah. 'Kalaro na kita wah." tumaas ang kilay ko, ang laki niya na hindi parin siya marunong magsalita nang diretso?



"HOY!", sigaw ko sa kaniya. Niyakap kaagad niya ang kuting at gulat akong tinignan.





"Luh, inaano ka?", marahan niyang tugon sa'kin, hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakilos nang maayos ng magtama ang paningin naming dalawa. Parang nagdilim ang paligid ko at siya lang ang nakikita ko.




Potcha.




"''Tira uwu, alika miming o-on tayo loob bahay",(Sira ulo, halika miming doon tayo sa loob nang bahay.)




Napakurap-kurap ako nang ilang beses , nakaramdam ako nang irita ng mawala na ang babaeng bata na nasaharap ko kanina. Kumibot-kibot ang labi ko para pigilan siyang isarado ang pintuan nang bahay nila. Pero hindi kona nagawa, tila nawalan ako nang boses para magsalita.




Mula noon lagi na akong tumatambay sa labas nang bahay na'yon, iniintay siyang lumabas. Nakakasuya, nakakapanibago na nagmumukha akong kwago sa ginagawa kong pagakyat sa puno at doon hahaba ang leeg tuwing bubukas na ang pintuan nila.



Kahit nakakagago tignan, masaya parin sa pakiramdam tuwing nadadapuan na nang mata ko ang batang babae na 'yon.





"Sinong supot ngayon?!" habol kong sigaw sa mga batang nagsisitakbuhan palayo sa'kin. Inis na pinahiran ko gamit ang kamay ang dugong galing sa pumutok kong labi.





"Tingin-tingin niyo?", singhal ko sa mga batang nasa harap ko at nakipagbasagan din nang ulo. Nagsiiwas sila nang tingin nang mas idiin ko pa ang titig sa kanila.




Asar akong naglakad palayo sa kanila matapos na hindi makakuha ng sagot. Napakamalas nga siguro nang oras ngayon dahil sa nakakademonyong palabas nanakikita ko.




"Hihihi bawik kayo wah, laro uwit tayo, bahay bahay naman wah". humagikhik ulit siya. Bahay-bahayan? Pwede ba'kong sumali? Tapos ako lang ang baby at asawa mo? Para masaya. Potcha.




Nilagay ko sa bulsa ko ang kamay na namamaga pa dala nang pagbigwas ko sa kalaban kanina. Taas noo akong naglakad papunta sa kanila.




"Babalik kami Ena, ang cute mo talaga!" saka naman tumango-tango ang kasama nitong lalaki. Asa pakayong makakabalik pa sa teritoryo ko.



"Hoy", maangas kong tawag sa dalawa, naramdaman kong tinignan niyan rin ako, palihim akong napapikit sa biglaang pagbilis nang tibok ng puso ko.




RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now