Kinse

1.3K 35 1
                                    

Misunderstanding


Sheena Pov

Malaki siguro ang problema ni Jordan kaya kung ano-ano nalang ang pinagsasasabi niya kanina. Iba talaga kapag depressed sa basketball, Hala! Baka naman natamaan siya nang bola kaya nagkaganun bigla.

Nakatingin lang ako sa humahakbang kong mga paa. Nakakatakot pala magbasketball, buti nalang hindi ako marunong n'on.

"Mas bagay sila kesa kay Sheena"

"Ang ganda niya, transferee daw yan nang grade 11 starsection"

"Wow so magkaklase pala ni Papa Titus?"

Kaagad nag-angat ang mukha ko at hinanap kung anong tinutukoy nang tatlong babae na nasa unahan ko, nang lumiko sila at nawalan nang harang sa harap ko ay parang alam ko na.

Itinago ko ang isang kamay sa loob nang bulsa. Hindi ko inaasahang gusto kong manuntok nang tao ngayon kahit wala naman silang ginagawa sakin.

Pero kay Juan, meron.

Nasa tapat nang classroom si John Titus, may daang nakapagitan sa kaniya at nang pinto ng room. May babaeng nasa harapan niya at nakangiti. Hindi niya naman pinapansin ang babae pero nakakaramdam talaga ako nang matinding inis.

Tumingin sa direksyon ko si Juan, napatuwid siya nang tayo kaya agad namang sinundan iyon nang babaeng hindi pamilyar ang mukha. Ngumiti ako kay Titus pero wala nasakin ang mga mata niya, nakatuon iyon sa likod ko. Napalingon din tuloy ako.

Si Jordan ang nakita ko. Ilang lakad lang ang distansiya niya sa'kin. Nagtititigan silang dalawa tapos tinignan ako ni Jordan. Inosente kong binalik ulit ang tingin kay Juan, naglalakad na siya ngayon palapit.

Kaya naman naglakad din ako. Nakasunod ang babae sa likod niya, mas binilisan ko ang paglapit ngunit agad ding napahinto matapos akong lagpasan nang asawa ko.

Blankado ang mata niya nang mga panahong iyon, parang nablanko rin ang lahat sakin. Paulit ulit nagflashback sa utak ko sa nangyari kani-kanina lang.

Nanlalabo ang mata ko habang pumapasok sa classroom.

Kapag si Mama, dinaanan lang ako, hindi naman ako nasaktan.

Kapag si Mali galit ang mata sakin, hindi naman ako nanliit.

Pero bakit ngayong ginawa lahat yon sakin ni Juan, kulang pa ang salitang sakit ang bagay na naibigay niya sa'kin?

"She?", may humawak sa magkabila kong braso, alam kong si Mali iyon. "Okay kalang?",

Tuluyan na'kong napatingin sa kaniya at kahit nanginginig ang parehas na labi ay sinagot ko siya, "H-hindi ko alam", tuluyan na ngang bumuhos ang luha sa'king mga mata.

Mahigpit akong niyakap ni Mali, pero hindi sapat para maibsan ang pagkalito dulot nang asawa ko.

----------------------------------++

Nang hapon na iyon, si Mang Kanor ang sumundo sa'kin.

"Si Juan po?", tanong ko sa kaniya.

"Sino pong Juan Ma'am?", taka niyang tanong, napamaang ako bigla. "Ah! Si Sir Titus po ba?", tumango ako. "Nauna na po", ani niya.

Galit nanaman ba siya sa'kin? Dapat nga ako yung magtampo sa ginawa niya kanina?

Tinutupak nanaman siguro siya! Huhuhuhu.

Pumasok ako sa loob nang kotse habang nakanguso, nagbabadya nanaman ang luha sa gilid nang mata ko. Naalala ko parin yong naging eksena namin kanina.

RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now