Bente-Dos

1.2K 35 5
                                    

Caleb



"Ako to si Sheena ate, sabi ko na nga ba e. Sige-sige dadalian ko na hihihihi. Promise hindi tayo mahuhuli , babye na ate." kaagad ko siyang binabaan pagkatapos kong magpaalam. Nakangiti akong umangat ng tingin sa babaeng nayayamot ang mukha at kababakasan nang iritasyon .




Hinablot niya sa'kin ang cellphone niyang hiniram ko bago umirap at umalis hila-hila ang boyfriend niya na kanina pa titig na titig sa'kin. Grabe naman si ate makahila muntik pang madapa yong jowa niya. Naalala ko tuloy yong nangyari kanina.




Naghahanap ako nang cellphone kasi kailangan kong tawagan si Manang, hawak hawak ko ang maliit na papel na may numero niya. Napangiti ako ng makita ang magjowang nagse-selfie na nasa gitna ng mall. Hinablot ko ang cellphone niya habang nakangiti.



"Pahiram po p'wede? ", paalam ko sa babaeng nanlalaki ang mata ,bahagyang nakahugis oblong ang bibig nito habang bakas naman ang gulat sa mukha ng boyfriend niya . Tumawa ako sa kanila at tumalikod upang makakuha rin kami nang picture.



"Tara selfie tayo pang remembrance niyo sa'kin. Minsan lang to guys say happy", tsaka ko ito i-cl-ini-ck, nagthumbs up ako sa kanila at d-in-ial ang number ni Manang.


"What the fuck",

"Hayaan mo na bal."



Sa wakas nakatakas na'ko kay Titus! Ayaw niya akong palabasin , muntik ko nang makalimutan ang itsura ng mall dahil simula nang nangyari sa club ,hindi na ulit ako nakaapak sa kalsada. Kaya naman kinulit ko si Manang na makipagtulungan sa'kin hihihi.


Pormadong-pormado ako at hawak ko na ang bag ko para makatakas. Gulat akong tinignan ni Manang. Ngumiti ako nang matamis.



"Magma-mall ako ate" paalam ko pero parang naalarma siya bigla, inunahan ko siyang magsalita kagaya nang ginagawa ni Juan sakin.



"Sesesantehin kita kapag hindi mo'ko pinayagan", tsaka ko ginaya ang malamig na ekspresyon ni Juan, napakurap-kurap ang kaharap ko at nagpatiuna na sa gate upang siguraduhing ligtas akong makakaalis. Mukhang epekteyb ang #Titus_kabastusan_challenge. HAHAHAHA.





Lagi siyang busy, inaasa niya nalang sa'kin ang pagtutor sa sarili, pagdating nang gabi magpapa-quiz ang loko huhuhu ang saya naman ng buhay niya bilang professor. Sa una lang siya masipag.




Tatalon-talon ako habang bumibili nang ticket, manonood kasi ako nang new romantic movie. I-de-date ko sarili ko hihihi. Di sinasadyang napatingin ako sa sapatos, ngumuso ako matapos makita na hindi nanaman maayos ang pagkakabuhol ko nang sintas.



"Aaaah!", napatayo kaagad ako dahil sa tili nang isang boses babae, napatingkayad ako para tignan ang loob at makita ang kinalalagyan nang sumigaw.




"Tulong! Tulongan niyo kami!", histerikal pa nito , may mga dumalo kaagad na lalaki na nasa loob ngayon ng cubicle ng babae. Sumilip pa ako at nakita ang duguang dibdib ng isa pang babae -siya yong nasa harap ko kanina na isang cashier-, umuubo ito nang dugo habang yakap yakap siya nang kasama na siyang tumili kanina. Umismid ako matapos makita ang sari-saring ilaw ng cellphone na nakapaligid at vine-vedeohan ang insidente.




Sus, pa-famous lang yan, o kaya Papublic prank nang may-ari ng mall. Jusko, kung ano-ano nalang talaga ang ginagawa ng tao ngayon para magpapansin.




Kumuha ako ng isang ticket at tsaka pumasok sa loob nang sinehan. Hindi na'ko bumili pa nang popcorn kasi may dala-dala na akong malaking chitchiriyang nova, mapeyborit Hihihi.





RAPE  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon