Bente-quatro

1.1K 32 0
                                    

Kissmark

Sheena Pov

"Blinock niya na'ko sa facebook tapos inunfollow niya 'ko sa instagram. Hindi na talaga ata kami magkakabalikan pa She."

Kasalukuyang nagaalburoto ngayon sa video call si Mali tungkol kay Logan. Kumakain naman ako nang nova habang siya ay nagbabasa nang libro at hawak ng isa niyang kamay ang panyo.

"Hala, malay mo ginawa niya lang 'yon kasi break na kayo", inosente kong komento. Lalo pang lumakas ang hagulhol niya. Napahawak pa ako sa dibdib ng malakas niyang sinarado ang libro at basta nalamang iyong hinagis sa likuran niya.

"Ang sakit talaga Sheena! Parang kailan lang ang sweet sweet pa naming dalawa, tapos ngayon biglang wala na siya sa tabi ko, wala nang kami.", tinakipan niya ang mukha gamit ang kamay. Puno ng sakit at pagsisisi ang iyak niya. Kami nga ni Titus kapag nagkakatampuhan ay ang bigat na sa pakiramdam iyon pa kayang maghiwalay kami. Kinilabutan ako bigla at sinakop ng takot ang dibdib ko.

"Kung hindi lang talaga ako naging selosa at laging mapanghinala sana ay okay pa kami hanggang ngayon. K-kung hindi siguro naging kami, mas masaya pa sana ako ngayon. Hindi sana siya nawala sa paningin ko, hindi sana siya lumayo, hindi sana ako nawalan nang boy bestfriend, sana talaga nakuntento nalang ako sa meron kamj", muli nanaman siyang humagulhol, sana ay naroon ako para punasan ang tumutulo niyang luha. Pinunasan ko gamit ang laylayan ng kumot ang sariling likido sa pisngi.

"Mali", tawag ko. "Woi Maliana!", tawag ko pa ulit sa kaniya, umangat ang tingin niya at pagod na pinunasan ang luha gamit ang panyo.

"Gutom lang 'yan, kainin mo nalang 'yong chocolate d'on." saad ko kasi kanina pa nagiinit ang paningin ko sa chocolate bar nanasa gilid ng lamesa niya, malayo iyon pero tanaw na tanaw ko talaga. Huhuhuhuhu magpapabili talaga ako kay Juan niyan.

Mapait na natawa si Mali at mapaklang natapos. Sumubo ulit ako nang nova at maingat na ngumuya matapos na makitang hindi na kumikilos ang Bestfriend ko, hindi kumukurap ang matang nakatitig sakin.
Tinagilid ko ang ulo sa kaliwa at kanan.


'Yong chocolate parin talaga ang nakikita ko Huhuhu.

Napatili ako nang malakas na tumawa si Mali, sobra sobra ang tawa nito na pinalo-palo pa unang nasa hita niya. Namumula-mula ang pisngi niya at ilong sa labis na kaligayahan.

"Akala mo siguro naghang na 'no?", humihingal-hingal niyang ani habang tumatawa. Pahina nang pahinang natigil ang tawa niya matapos makita na wala akong reaksyon at sumusubo lamang ng nova.

"Ewan ko sayo Sheena!", singhal niya na ikinamaang ko. "Ano bang ginawa ko?", inosente kong tanong. "Kung na'ndito kalang ay talagang nahampas na kita nang unang 'to", saka niya tinuro ang nasa hita niya, kapagkuwan ay tumawa.

Sira-ulo amp.

"Iyan siguro ang epekto nang walang jowa", wala sa sariling bulong ko na hindi ko naman inasahang maririnig niya pala dahil sa biglaang pag-asim ng mukha niya.

"Bruha ka! Sige pamukha mo pa!", doon lang ako natawa sa sobrang pagkapikon niya. "Kamusta kayo nang asawa mo?", panunukso niya sa'kin. Ngumiti ako na ikinatili niya naman.

"Maayos naman kami, lagi siyang wala, laging may kausap sa cellphone, lagi siyang may katext, okay pa naman kami kahit minsan nalang nagkikita", nguso ko, hindi naitago ang lungkot at pagtatampo sa boses. "Hah?", hindi makapaniwalang si Mali.

"Haleluyah", sagot ko.

"Totoo? Kailan nagsimula?", agad niyang tanong. Napaisip ako at nilunok ang nginuyang nova sa bibig bago sumagot. "Simula n'ong pumunta si Jordan at secretary niya", totoo ko namang sagot.

RAPE  (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora