Quarenta'y Tres

1.2K 37 0
                                    

Solved and Better



Sheena Pov

Hinayaan ko na lamang magingay ang dalawang bata sa loob ng kotse, matapos ko silang pandiliman ng tingin ay natahimik narin ang mga ito.

Tinuro nang batang si Tonio ang daan kaya mabilis ko itong natunton. Pinarada ko ang sasakyan sa safe na lugar, ang inaalala ko ngayon ay ang isa kong anak na si Eros. Mabuti na lamang at sumunod sa'kin ang anak kong babae kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.



"Huwag kayong aalis rito kahit anong mangyare." Paalala ko sa kanila habang nilalagyan ng bala ang baril ko. Hindi ko na inabalang alisin pa ang stiletto na suot ko at dress na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.



"Pre ano yan baril?", sabay kalabit sa'kin ni Tonio. "You're so tanga! Alangan namang hotdog 'yan", asik ni Eana .

"Ay hotdog pala 'yan pre?".

"You're so annoying!".



"ssssssshhhh!", inis kong saway bago bumaba at sinarado ang pintuan ng kotse . Tinext kona si Juan kanina kaya malamang ay sumunod narin iyon sa'kin.



Minanmanan ko ang paligid bago pinasok ang gusali , isa iyong lumang bahay na napabayaan, marami ng sira at sa unang tingin ay masasabi kong pasok itong maging haunted house sa isang pelikula.



Tulad ng inaasahan, alam na nila na darating ako. Ang bahay na akala ko ay tahimik ay napaliligiran pala ng nakatagong mga anino. Sunod-sunod ang mga atake nito at ganon rin naman ang ginagawa ko rito.




May lalaking sumuntok ng hita ko, nagback lift ako at ginamit ang isang paa para patamaan nang heels ko ang ilalim ng baba niya. Mula sa sampu ay nabawasan ito ng lima.




Ginalaw-galaw ko ang ulo matapos makitang nadadagdagan ang mga ito. Sampu nanaman sila ngayon!



"Mahusay ka nga pero marami kami", ngise nong isa. Nagsimula ulit silang sumugod ngunit natigil matapos kong punitin ang laylayan ng dress ko. Ngumise ako matapos makita ang takam at kislap sa mga mata nito.




"Bring it on boys", usal ko, naging madali ang laban ko dahil gamit ang telang iyon ay nagagawa kong patamaan ang mga mata nila habang inaatake ito. Pinupuntirya ko ang mga batok, kili-kili at hita kung saan masisigurado kong mahihimatay o kaya'y mahihirapan silang kumilos.




Pinulupot ko ang tela sa leeg ng lalaki at marahas iyong hinigpitan at saka padarag na hinampas sa pader. Pinunasan ko ang dugong umagos sa'king labi matapos na makitang nakahilata na silang lahat .



Gan'on kalakas ang mura ko matapos na may magpaputok ng baril, mabuti nalamang at agad akong nagpagulong-gulong sa sahig. Napilitan akong gumamit ng baril at magtago para maiwasan ang lumilipad na mga bala.




Laking pasalamat ko nang makita ang isa 'kong tauhan, tumango siya sa'kin at sumaludo. Nakarinig ako nang tatlong paghulog matapos na makipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Hindi ako naging magnacumlaude para sa wala.



Tinalunton ko ang daan at nag-aabang ng kalaban, ngumise ako matapos na maramdaman ang nguso ng baril na tumutok sa'king ulo mula sa likuran.



"Lakad!", utos nito sa'kin, nakarating kami sa ilalim na palapag. Hindi ko akalaing may basement pala itong malaking bahay at kung aayusin ay malaking pakinabang.




"Akalain mo nga naman, kung anong kinatalino mo ay siya namang kinabobo ng iyong anak. Inaya ko lamang na sumama sa'kin ay sumunod naman agad!", halakhak ni General Rivero. Hindi ako umimik at nakahinga ng maluwag matapos na makitang maayos ang kalagayan ng anak ko.




RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now