Nuebe

1.5K 40 1
                                    

WIPE

"ANAK! ", tili ni Mama nang makapasok ako sa bahay. Kakatapos ko palang magjogging at pawisan pa ako,  nag-aalalang sinugod ko ang kusina.

Baka napano na si Mama!

"Ma?", gulat kong bungad nang makita siyang matamis na nakangiti sa'kin. Napatingin ako sa mga asong nasa gilid nang binti niya, pawang na mga nakaupo at lawit ang dila. Lima silang lahat at mga bata pa.

"Sila ang kapalit mo! ", masaya niyang anunsyo na ikinanguso ko, nakaramdam ako nang inis sa nakikita ",Bakit naman hayop ang ipapalit mo sa'kin Mama? 'Di hamak na mas malakas pa'ko d'yan eh", sabay pakita nang braso ko na wala man lang lumabas na muscle.


Ngumiti lamang si Mama at pinakatitigan ang mga iyon",Anak laging mong tatandaan na walang hayop ang makakadaig sa mga tao kung pag-uusapan ang kakayahan at isipan. Aso ang napili ko dahil tumatahol sila", paliwanag ni Mama at humalakhak pa nang dilaan siya nang isa.

"Kaya ko ring tumahol Mama."

"Pero hindi ka aso anak",

"Kaya ko ring tumilaok Mama",

"Hindi ka hayop anak",

"Kaya kong magpakahayop para sainyo",

"Sheena!", awat ni Mama, hindi ata nagustuhan ang pakikipagtalo ko sa kaniya. Pinagmasdan niya akong mabuti ",Anak, kailangan mong masanay na hindi ako kasama, mag-aasawa kana." kaagad akong napayuko at napahawak sa tiyan ko.

"Kahit naman ipilit mo'kong isama sa bahay mo ay hindi rin ako papayag ", umangat ang tingin ko sa kaniya, gumagala ang mata ni Mama sa buong bahay ",Hindi ko kayang umalis sa bahay na ipunandar ko, " nagtama ang paningin namin. "Hindi ko kaya anak, hayaan mo na ang Mama",nakikiusap niyang sabi.

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang mata ko upang pigilin ang pag-iyak, wala paman ay namimiss kona siya. "Sasabihin ko kay Juan na dito nalang kami titira", patuloy ko. Napasapo kaagad nang noo ang Mama ko. "Kailangan mong bumukod sa'kin Sheena. Kailangan mong matutong mag-isa, dadalawin naman kita sa bahay niyo tuwing---",

"Bakit niyo ba'ko tinataboy Mama! ", putol ko sa kaniya, lumuluha ang mata. Nagulat man si Mama ay gumuhit ang ngiti sa labi at lungkot sa mata niya.

"Halika nga dito", kaagad niya kong niyakap, hindi alintana ang malagkit kong pawis, hinahaplos niya ang buhok habang ako naman ay hindi mapigilang maglabas nang hinanakit.

"Ikakasal lang naman ako. Pero bakit pakiramdam ko inilalayo niyo na'ko sainyo.
T-tinutulak niyo ko paalis. Ikakasal lang ako pero umaakto kayong ganiyan! Nasasaktan ako Mama! ", pinadyak-padyak ko pa ang mga binti.

"Hindi ko gustong iparamdam 'yan sayo Sheena", natahimik ako sa garalgal niyang boses, umiiyak na rin siya. Nawalan ako nang boses para magsalita, isang marahan na halik sa'king noo ang ginawad nang pinakamamahal kO.

"Inihahanda lamang kita sa lahat nang bagay nang sa gano'n ay hindi kana mahirapan pa".ani niya habang humihikbi bago ako tinalikuran.

-----------------

"Anong gusto mong theme nang kasal niyo iha?", tanong ni Mommy Danna habang binubuklat ang ilang pahina nang magazines.

Nangingiti naman akong sumagot.
",Gusto ko po iyong beach wedding ! Iyon pong sumisiwang palang ang araw, napapaligiran ako nang mga bulaklak na kulay pink--"

"And floating bubbles", sabat ni Juan, yumuko kaagad ako matapos maramdaman ang pag init nang pisngi ko. Narinig ko lang naman ang boses niya ngunit ganoon nalang ang epekto sa'kin.

"That's really romantic", komento ni Mommy Danna na ikinaangat nang tingin ko sa kaniya, nagulat ako nang makitang nakatingin pala siya sa'kin, nagbaba ulit ako nang tingin matapos matawa ni Mommy Danna. Tawa nanantutudyo. Nakita niya siguro ang pamumula kO.

"What's funny Mom", takang tanong ni Juan, nakaupo siya sa may harapan ko. Maliit na lamesa lamang ang nakapagitan sa'min.

"It's just that You're fiancee is so cute ", nangigigil at nanunukso ang boses ni Mommy Danna. Lalo akong pinamulahan nang mukha. Napalunok ako at basta na lamang kumuha nang magazine upang doon matuon ang atensyon ko. Ramdam na ramdam ko ang titig niya, huhuhu.

"Bakit naman sunrise ang pinili mo? Most of the wedding usually held around 8 to 10 o'clock." agad akong napatingin sa kaniya.



"Tinanong kasi ako ni Tita kaya sumagot ako. Wag kang mag-alala opinyon ko lang naman yon, ikaw parin ang masusunod", dire-diretso kong paliwanag, baka awayin niya nanaman ako kapag mali ang sinagot kO.



Binaba ni Juan ang salamin niya, umabot iyon sa kalagitnaan nang kaniyang matangos na ilong, at  saka tiniklop ang librong binabasa. Nagtama ang paningin naming dalawa.
Nahigit ko ang sariling hininga, nakapakagandang lalaki.



"What I mean is", sinundan ko ang galaw nang labi niya na manipis at natural na namumula-mula.

Kay sasarap nilang hagkan.



"I want to know your reason behind of it. Would you mind telling me, woman? ", natauhan ako matapos niyang ngumise, pinilig ko nang simple ang ulo ko para maibalik sa katinuan.


Umayos ka Sheena!


"Sabi kasi nong teacher namin sa ESP, ang sunrise ay sumisimbolo nang panibagong simula at pag-asa. ", lumunok ako , hindi inaalis ang titig sa kaniya ,

", Sa tingin ko ang kasal natin ang simula nang pagbabago sa buhay ko," napangiti ako.


"At masaya akong harapin ang panibagong bukas na kasama ka at nang anak nating dalawa, kayo ang magsisilbi kong pag-asa. " nabaling ang tingin ko kay Mommy Danna matapos niyang pumalakpak.


"That's really wonderful! ", puri niya. Pinawi ko ang pagkakunot sa'king noo, wala namang maganda sa sinabi ko. Natural lang naman yon at totoo.


Hanggang ngayon talaga hindi parin ako makapaniwalang ikakasal na'ko bukas. Kung paano nila iyon gagawin ay hindi ko alam.


Naalala ko ang nangyari kaninang umaga.



"Sheena? ", pukaw sa'kin ni Mommy Danna nang makapasok ako sa loob nang bahay nila. Sinundo ako nang driver nila at sinabing pinapapunta raw ako rito. Hindi ko namalayang nakarating napala kami dahil hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Mama.



"Stop worrying about your marriage, alam kong iniisip mo na baka illegal ang pagpapakasal ninyo. It's legal iha, tho sa papel lang kayo sa kasal at hindi pa registered as husband and wife, lahat nang ito ay alam at may basbas nang gobyerno . Those powerful and wealthy humans can afford this kind of ceremony, that's why you're marrying tomorrow ", kahit wala akong maintindihan ay tumango nalamang ako. Mula sa malayo ay natatanaw kona ang isang bulto nang taong laman nang isip ko Kagabi.


John Titus.



Napakurap-kurap ako nang makita ang sarili na hila-hila ni Juan matapos makabalik sa kasalukuyan.



Nakaupo lang ako kanina ah!



Pumasok kami sa isang silid, laking gulat ko nang isandig niya ko sa likod nang pintuan kasabay nang tunog nang paglock niyon.



Bago pa ako makaangal ay sinalubong nako nang mapupusok niyang halik na paulit -ulit na nagre-replay sa utak ko kagabi. Hindi ako makapaniwalang hinahalikan niya nanaman ako ngayon na kaagad ko namang tinutugon.






Totoong nag-aalala ako kay Mama nang bitawan niya ang mga salitang iyon, ngunit unti-unti iyong nabubura at napapawi dahil sa taong nagdadala nang kakaibang pakiramdam sa'kin ngayon.













































































RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now