Quarenta'y Dos

1K 31 0
                                    

Frustration

MATAPOS kong malaman ang totoo, hindi ko maiwasang magalit at mangilabot. Paano niya nagawa kay Mama ang lahat ng ito? Anong kasalanan ng Mama ko? Bakit Mama ko pa?



Mahinahon akong nagmamaneho, hindi alam kung saan papatungo. Mayroon ng pinaghihinalaang tao sina Juan at isang ebidensya na lamang ay makakamit na ni Mama ang hustisyang halos walong taon naming hinahangad na makuha.




"Theresita", usal ko. Saan ko ba iyon narinig. Dali-dali kong tinawagan si Caleb na ngayon ay nag-aaral parin ng medisina upang maging ganap na doctor. Marami ang naging isyu matapos niyang makapasa at makaapak sa unang spot sa unang semester ng exam. Binatikos nila ang edad ng kapatid ko without knowing na mas matatas ang utak nito kumpara sa kanila.




"[Oh Ate!]", masigla nitong bati mula sa telepono. "Sino si Ninang Theresita?", agad kong tanong.



"[Wala man lang Goodmorning ate? Kahit minsan maging plastik ka naman, batiin mo ako ng magalang]".



"Caleb!", singhal ko rito, narinig ko ang pagdaing nito sa kabilang linya dahil sa ginawa ko. Tumawa siya ng mahina.



"[ Susumbong kita kay Honey]", ungot nito sa kabilang linya. Napairap nalamang ako ng wala sa oras. Ginawa niya nga ang pangako niya sa sarili, naging buntot ko ito at hindi na ako tinantanan.



"[ Si Ninang Theresita, siya 'yong kaklase ni Honey na nasa bahay ampunan. Ninang ang tawag sa kaniya dahil Ninang siya ng lahat. Bakit mo nga pala natanong?", umaliwalas ang mukha ko, naalala ko na!


Totoong tao pala si Ninang Theresita? Akala ko noon ay gumagawa lamang ng kwento si Mama at isang imaginary friend lamang iyong sinasabi niyang Ninang.


Sorry Ma napagkamalan kitang baliw noon, huwag niyo 'kong bangungutin please huhuhu.



"[ Ate, aba't bastos 'tong batang 'to. Tinatanong hindi sumasagot? Ganiyan ka ba pinalaki ng magulang mo?]", ngumiwe ako sa narinig, kung ano-ano nanaman ang sinasabi niya. Pinatay ko nalamang iyon ng walang paalam.



Nakonsensya ako bigla kaya tumawag ulit ako. "Salamat, ingat ka diyan. Babye", hindi ko na siya pinasagot at binaba ko rin ang tawag. Dali-dali kong binuhay ang engine at tinungo ang bahay ampunan.



Lumabas kaagad ako ng kotse at humilig sa gilid nito, pinagmasdan ang paligid. Mahal ni Mama ang lugar na ito. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa'king pisngi. Malapit na Ma, makakamit narin natin ang hustisya.


Bakas ang gulat sa mukha ni Ninang Theresita matapos akong makita, kasalukuyan niyang pinapapasok ang mga bata sa loob ng gusali. Natigalgal ito ng makita ako. Napaayos ako ng tayo nang makitang papalapit ito sa direksyon ko.




Tumingin-tingin muna ito sa paligid at mabilis na naglalakad, nang magkatapat kami ay naroon nanaman ang istrikto nitong titig na wala pa mang salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay siguradong galit ito ngayon at nais akong sabunutan.



"Sinabi ko na saiyong--", nahinto ito matapos ko siyang yakapin ng mahigpit. Matagal iyon at madiin, tumaas ang parehas naming balikat sa ginawa kong ito. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya at pagod sa katawan nito. Napapikit ako ng haplusin niya ang buhok ko.




Dumaosdos ang luha sa magkabila kong pisngi. Para akong niyayakap ni Mama. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng panibagong bersiyon ni Ina. Ang kaniyang matalik na kaibigan.



RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now