Uno

4.9K 76 6
                                    


Plan

Sheena Pov

Kinakabahan ako! Ilang beses kong chineck ang mukha ko, maayos naman ang buhok ko, lips na may liptint at pisnging namumulamula dahil sa blush on. Grabe maiihe na talaga ako!

Jordan may labs bakit ang tagal mong bumalik dito sa room ? Mag-a-ala sais na!

Matagal ko na siyang gusto from the day I saw him! Naks nakaenglish rin! Napapikit ako habang inaalala ang napakagwapo niyang mukha. Muntik pa'kong makipagbasag ulo nong grade 9 ng may kaklase akong nagkagusto sa kaniya.

Buti nalang nakapagtimpi ako!

Kahit ngayong grade 11 na'ko, hindi parin nawawala ang pagkadarang ko kay Jordan, ang mapupula niyang labi na sobrang sarap kagatin at ang singkit niyang mata na hindi na makita kapag siya'y tumatawa, oh chinito!

Dumadami na ang nagkakagusto sa kaniya! At ayokong magpahuli! Maraming nagsasabi sa'kin na hindi daw kami bagay, alam ko hindi ako ganun katalino. Kagandahan lang ang meron ako at hindi rin kayamanan.

Kaya nakapagdesisyon na'ko! Ngayon ay nakabuo ako ng malupet na plano!

Si Jordan ang na-assign na magsasarado ng classroom nila, araw-araw na duty yan hanggang sa last day of school . Ngayon plano kong intayin siya rito, napangiti ako ng makita ang bag niyang kulay blue, at magtatago muna ako, kapag pumasok na siya saka ako tatakbo palapit sa kaniya sabay halik!

"Mwa! ", usal ko sabay bungisngis. "At pagkatapos n'on ay aaminin ko sa kaniya ang nararamdaman ko at tinitibok ng aking puso", ani ko sa sarili.

Dali-dali akong tumakbo sa likod ng upuan matapos marinig ang yabag, napapikit ako , this is your time to shine! Naks english ulit!

Walang ilaw ang classroom nila, hindi ko rin binuksan kasi baka sumabog tong room, malay ko ba. Nangingiti akong makita ang likuran ni Jordan, tumangkad at lumaki ata siya ngayon. Napakasexy ng likod niya!

Huminga ako ng malalim at nag-sign of the cross. Mahabaging engkanto gabayan niyo po ako. Marahas akong suminghap ng hangin at matapang na tumakbo papunta sa direksyon niya. Nang nakita ko siyang humarap ay kaagad koring ipinikit ang sariling mata.

Bago pa siya makapagsalita ay hinila ko ang batok niya at tulad ng plano hihihi hinalikan ko siya. Madiin iyon at alam kung magugustuhan niya, first kiss ko kaya! Ang plano ko lang dapat ay dampi ang gagawin pero gumalaw din ang labi niya at niyakap ng kamay niya ang beywang ko. Owemji!

Kusang nagmulat ang mga mata ko, teka lumaki ata ang mata ni Jordan, at nagkaroon iyon ng kilay. May high cheekbones nadin siya pero dati wala naman.


Bigla akong natigil ngunit si Jordan ay patuloy parin sa pag-angkin ng labi ko. Napakaharot niya pala.

Narinig ko ang paparating na mga yabag na nakapagpanginig ng tuhod ko. Makikita kami! Makikita nila ako, at kapag tinanong nila si Jordan ay sasabihin niyang pinikot ko lamang siya! Hala tapos biglang malalaman ni Mama at palalayasin niya ko sa bahay! Isa kang taksil na anak Sheena! Mag isip ka!

Kahihiyan ng buong angkan ko at magiging apo ko kapag nalaman nila ang totoo! Isa lang ang alam kong paraan! Sorry Jordan!

Malakas ko siyang tinulak at pinagpupunit ang sariling damit.

"What are you doing?! ", tanong ni Jordan pero hindi ko siya pinansin.

"Help ! Help! Tulungan niya ko!!! ", sigaw ko, kita na ang bra ko pero wala akong paki, pinagsasasabunot ko ang buhok ko habang sumisigaw. "TULONG NIRE-RAPE NIYA KOOOO! ",

"Are you crazy?! ",

"TULOOOOONG!!!!!! ",

"Shut up! ",

Nang makita ko ang papalapit na anino ay buong lakas kong niyakap si Jordan na kanina pa nagmumura at patalikod kong binagsak ang sarili.

Napatili ako sa sobrang sakit ng likod ko. Sunod-sunod ang pag-aray ko sa hapdi ng pwet ko! Eto na ata ang ikamamatay ng lahi ko.

"Anong nangyayari dito? ", agad akong napamulat ng mata matapos marinig ang boses. Napatingin ako sa lalaking dumating na tila slow motion na napahinto ng makita ang kalagayan ko,

"J-jordan? ", usal ko. B-bakit siya nandiyan? A-akala ko.........natigil ang paghinga ko.

S-sino tong kahalikan ko?!

S-sino tong nasa ibabaw ko?!

S-sino?

Dahan-dahan akong napatingin sa mukhang katapat lamang ng mukha ko. Ang mabibigat niyang hininga, takot man ay lakas loob ko itong tinignan.

"Oh shit", bulong ko matapos matamaan ng ilaw ng buwan ang kabuuang mukha nito.

JOHN TITUS FERRER YOON, ang kilalang living GREEK DEMON nang SCHOOL. Ang tarantadong antipatikong beatfriend ni Jordan na MAY-ARI NG UNIVERSITY!!!

Napalunok ako.

Ang mata niyang may kakaibang kulay ay unti-unting bumaba sa dibdib ko at bumalik sa labi ko. Nagtitindigan ang balahibo ko sa katawan.

Bakit siya pa?!!

"Sa susunod na sisigaw ka ", tumingin siya ng diretso sa mata ko at matiim na tumitig ", Sisiguraduhin kong pangalan ko naman. Ang isisigaw mo. "

Sunod-sunod ang naging pag-lunok ko sa pagnanasang nakikita sa mata niya. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila ni Jordan na nakakunot ang noo.

At ang isang ito na Nakakakilabot!

Ano nang gagawin ko! Sa mga sandaling iyon tuluyan na 'kong nilamon nang kabubuhan at iniwanan ng utak.

I'M DEAD huhuhu!



RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now