Trente 'y uno

1.1K 30 0
                                    

Fault

Sheena Pov




"HAHAHAHA!" napakalakas nang tawa ni Lolo nalang na halos maglabasan na ang ugat sa kaniyang leeg at mamula-mula na ang mukha sa tindi nang kaniyang kaligayahan.





Hindi na maipinta ang mukha ni Zera na ngayon ay nakaupo sa sahig hawak-hawak ang nabaril niyang binti samantalang si Jordan ay nangingiwi kapag kuwan ay matatawa, iniinda rin ang sugat sa kaniyang balikat.




Tumulis nang tumulis ang nguso ko bago tinignan ang katabi kong lalaki na kung saan-saan tumitingin, at nagpapatay malisya sa mga matang nansisisi sa ginawa niya.






"HAHAHAHAHAHA", napayuko na ang Lolo habang sapo-sapo ang naghuhumiyaw niyang tiyan. Siya pala ang salarin huhuhuhu. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito sa tanang buhay ko.





- flashback -


Pagkatapos nang dalawang putok na iyon ay isang nakakasilaw na liwanag ang kumalat sa buong paligid. Tila kidlat itong sumulpot. dahilan para maimulat ko ang aking mata at maihiwalay ang labi kay Juan.






Sa una ay nakakasilaw, nang lumaon ay luminaw narin ang lahat sa paningin ko. Nagtama ang paningin namin nang asawa ko na ngayon ay nakadungaw lamang sa'kin at masuyong pinagmamasdan ang mukha ko.





Kaluluwa na ba kami? Jusko wag naman sana huhuhu.





Sunod-sunod ang tili ko at lundag matapos na may marinig nang ilan pang pagsabog. Nanginig ang buong katawan ko, hindi pa ata tapos! Kumapit nanaman ako sa matigas na katawan ni Juan. Isang nakakahindik na tawa ang nakapagmulat ulit nang mata ko.





"Sabi ko na." matigas na usal ni Juan na tila ba nahulaan niya na ang mangyayare. Nalilito kong tinignan ang mga taong nakangiti habang may hawak hawak nang mga camera , malalaki iyon na karaniwang nakikita kapag nagsho-shooting. Napalunok ako hindi pinapansin ang mga lumilipad na confetti.





Nabulabog ang kalooban ko matapos matanawan na bumangon iyong babaeng kamukha ko at walang pasintabing binaklas ang mukha niya!





Wala sa sariling tinuro ko iyon at tinampal ang dibdib ni Juan nang hindi siya tinitignan. "It was just a mask babe. Don't think anything." tamad niyang paliwanag na hindi ko naman naintindihan.






Para akong maiiyak nang makita ang matandang naglalakad papunta sa'min at ang babaeng binaklas ang sariling mukha ay si white lady pala! Nayanig ang paligid ko nang masilayan ang kalagayan nina Zera at Jordan. Kapwa sila may tama nang baril at parehas na masama ang tingin kay Juan.






"All of this is a fuckin show." usal nang katabi ko na hindi ko na nalingonan sapagkat malutong na pumalakpak at sumigaw ang kaniyang magaling na Lolo.





"It's a prank!"



Bumagsak bigla ang dalawa kong balikat pagkatapos iyong marinig. Habang sunod-sunod naman ang mura nang asawa ko.





"HAHAHAHAHAHA!"

                                        - end -






"I hate you John Titus! Nasuntok mo na nga ako, nambaril ka pa! You shit I really hate you!", humihikbi at paos na wika ni Zera na kasalukuyang inaalalayan nang mga alagad ni White lady na ilagay sa isang stretcher. Para siyang bata na kinuhanan nang candy. Malayong malayo sa kaninang babae na parang tigre sa tapang.





RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now