Bente-tres

1.1K 35 2
                                    

Juatus


Sheena Pov


   Nakaupo ako ngayon nang maayos habang kumakain kami sa harap nang hapag-kainan. Si Mama naman ay tila natutuwa sa nakikita niya. Natutuwa siyang makita kaming nagiirapan at nagiismiran nitong bata.


Nakakainis na ang mga pakikipag-away niya gamit ang mata. Sumasakit na ang mata ko kakatitig sa kaniya. Huhuhu.

"Nag-aaral ba 'tong si Caleb Ma?", bigla kong tanong na ikinatuwid nang upo nitong kapatid ko raw. Humagikhik nanaman si Mama bago ako binalingan sabay ani, "Oo, grade 5, sa school nang dati mong pinagaralan siya papasok. Excited na nga ako dahil bukas na iyon." pumalakpak pa ito na animoy tuwang tuwa talaga.

Umismid na lang ako, mukhang aliw na aliw talaga si Mama sa isang ito. "Alam mo anak, imbes na magsimula siyang grade 1 dahil hindi naman talaga nag-aaral itong kapatid mo, " nagkairapan kami ni Caleb sa narinig , parehong nangiwe sa huli niyang sinabi, " ay hindi nangyari sapagkat pagkatapos na ma-i-check ang t-in-ake niyang exam, nagulat nalang ako nang sabihin nang registrar na qualified siyang maging grade 5!", bulalas ni Mama sabay tili. Umangat ang gilid nang labi ko matapos na taasan ako nang kilay nitong si Caleb na nagmamayabang sa harap ko.

Bumuga ako nang hangin at hindi nalamang nagsalita. Kayang kaya ko rin iyan noh, nagkataon lang talaga na pressured ang utak ko. Tsk.

"Nakakamangha 'di ba Sheena?", baling sa'kin ni Mama. Hindi nalang ako sumagot kasi wala namang nakakamangha roon dahil madalas naman talagang nauuso ang transfer - transfer nayan. Mas nakakamangha parin 'yong marka ko, walang tatalo roon. Bigla akong napangise. Hihihi.

"Salamat honey sa regalo mo, nagustuhan ko talaga", bakas ang saya sa boses ni Caleb sa sinabi. Nakaramdaman naman ako nang selos dahil dapat ako ay may regalo din dapat. Huhuhu.

Saglit na nag-isip si Mama kapagkuwan ay ngumiti. " Walang anuman Caleb. Dapat matuto ka nang tawagin akong Mama dahil anak narin kita", suhestyon pa nito. Inis kong binalingan si Caleb nang matunog siyang humalakhak.

"Oo naman", tapos tumingin siya sa'kin. "Mama", nabitiwan ko bigla ang kubyertos ko at mariing tinutop ang bibig ko. B-bakit niya ako tinawag na Mama.




"A-anong Mama? Wala akong natatandaang nabuntis ako o narape sa kanto." saad ko bigla -na ikinaawang nang bibig ni Caleb .

"Sheena---", pinutol ko ang sasabihin ni Mama matapos na may maalala.
"Oh my god", ani ko, hindi kaya siya 'yong batang nalaglag sa sinapupunan ko na hindi ko namamalayan. Gumapang ata siya tapos may nakakita sa kaniyang manong na may mabuting kalooban kaya napunta siya sa bahay ampunan at doon kinupkop ni Ninang Mathilda at narito siya ngayon upang konsensiyahin ako!


Huhuhu

"A-anak? ", saad ko kay Caleb na napanganga bigla kaya bahagya pang nakalabas ang dila. Jusko ang anak ko napakarungis huhuhu.

"Susmaryosep ka Sheena." utas ni Mama sabay sapo sa kaniyang noo na nagsisimula nang mangunot . "Nagda-drugs ba 'tong anak mo Honey?", bumaling ulit ako kay Caleb na natatawa pa."Lakas nang tama, sabog na sabog hahahaha", halakhak niya na ikinalumo ko.

Eto na nga ata ang kabayaran sa ginawa kong panlalaglag sa kaniya. Ang utak niya ata ay naapektuhan talaga.


"Hay naku kumain nalang tayo", gusto kong maiyak sa tinuring ni Mama, hindi niya alam na anak ko itong inampon niya. Natigil ang pagiisip ko dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas nang pinto.


RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now