Trenta 'y Kwatro

942 31 0
                                    

News


"HALA TITUS." Mahina kong usal, bakit sa lahat nang tao pa na nakalimutan ko ay siya pang asawa ko. Nasapo ko ang noo.



"Thank you Sheena for this. Ang ganda sobra!", pasasalamat ni Zera na ikinangiti ko, ngunit hindi 'yon umabot sa mata dahil sa katotohanang wala akong regalo kay Juan.


"Are you okay She? Oh my god hanggang ngayon ba galit ka parin sa'kin?" gulat naman akong umiling-iling kay Zera. Mukhang hindi siya naniwala dahil bakas ang lungkot at dismaya sa mukha niya. Huminga ako nang malalim at saglit na lumapit sa kaniya.



"A-ano kasi, n-nakalimutan k--" nakita ko si Juan na papalapit sa'min. May hawak siyang regalo, nakakunot ang noo. "Juan! Hehe",bati ko.



"Hindi ako galit sayo, friends na tayo e, tsaka kinalimutan ko na'yon." Mabilis kong sabi kay Zera na ikinangiti niya. "Is everything okay?". Tumango naman ako kaya Juan, nag-excuse naman si Zera pagkatapos niya akong yakapin at sabihing "thank you". Nag-flying kiss pa ito na ikinangiwe ko.



"Happy new year. Here's my gift for you". Na-guilty agad ako kasi wala akong regalo. Inabot niya sa'kin ang isang may kalakihang kahon. "Open it." Mas lalo tuloy akong na-guilty Huhuhu.



Sinunod ko siya, pagbukas ko ay isang damit at pares ng stilleto ang tumambad sa'kin. Bahagya akong napanganga, hindi ako nakapagsalita pero napapadyak-padyak na'ko sa tuwa na ikinatawa ni Titus.



"Thank you baby!", bukal sa puso kong tili at mabilis siyang hinalikan sa labi. Mas lalong lumapad ang ngiti niya habang ako naman ay hindi na talaga makapagsalita pa dahil sa saya.


"I will remind myself to buy gift for you everyday." Narinig kong usal niya.



"Honey you broke my heart, you said dito ka hanggang umaga". Napaangat ako nang tingin at hinagilap ang boses na'yon. Napangiti ako matapos magtama ang mata namin ni Mama, nakaangkla sa kaniya si Mommy Danna habang nakabusangot ito.



"Pasensya na Danna pero gawain ko talagang magpaulan ng barya sa bahay namin. Babalik din naman kami ni Caleb." Kaagad kong binalik ang takip ng regalo ni Juan, kinuha niya naman ito bago pa ako makalapit kina Mama.




"Ma? Bakit ? Sa'n ka pupunta?",agad-agad kong tanong. Mukhang hindi na napigilan pa ni Mommy Danna ang pagtatampo kaya siya na ang sumagot.



"Baby Sheena pigilan mo Mama mo. She want to go back in your house para paliguan ng barya ang bahay niyo."




"Babalik naman ako anak, isasama ko si Caleb para sigurado." Marahan niyang pagkausap sa'kin, nakangiti pa. Sabay pa ata kaming napabuntong hininga ni Mommy Danna.



"Madilim na Mama p'wede namang--"



"Sheena" , tawag sa'kin ni Mama. "Sige sasama ako." pagpigil ko dito. Napaiwas ako nang tingin nang matiim niya akong titigan.




Astang magsasalita sana si Titus pero hindi na natuloy dahil umiling na agad si Mama. Ganito ba talaga kapag um-e-edad? Mas nagiging makulit ?




"Balik ka kaagad Mama hah. Baka pumunta ka pa nang simbahan, magtatampo na talaga ako." Mabilis naman siyang umiling at kaagad akong yumakap sa kaniya.




"We'll I have nothing to do with it. Ihahatid na lang kita sa gate", saad ni Mommy Danna tsaka sila umalis sa harap ko. Natutop ko ang bibig matapos na may maalala. Wala akong regalo.



RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now