Singko

2K 47 3
                                    

    
Dugo

Maaga akong gumising kinabukasan, tuyong-tuyo ang utak ko at literal na walang laman. Bagot akong naupo sa katabing upuan ni Maliana na bestfriend ko, matapos  kong makapasok sa classroom.

     Paulit-ulit ko siyang sinusulyapan, matalino si Mali, lagi siyang nangunguna sa klase namin. No boyfriend since birth, para siyang kabaliktaran ko kung paguusapan natin ang pagiging matalino.

     "Ano bayon She?", napaamaang ako sa bigla niyang pagtanong, "Ano bang gusto mong sabihin, kanina pa'ko naiirita sa patingin-tingin mo." naiinis niyang wika matapos humikab. Ang dami niya nanamang libro sa harap.

      Napanguso ako ",Mali, ang kaluluwa ba.... ",lalo akong ngumuso ", nagsese-sex din? ", mahina kong sabi. "Gaga anong klaseng tanong yan!",bulalas niya, nanlalaki ang mata. Napakagat ako nang labi. Sasabihin ko ba sa kaniya?

"A-ano.... p-posible bayon? Kasi may kakilala akong babaeng bigla nalang nabuntis tapos hindi niya alam kung paano", nanunuri ang mga mata niya habang nagsasalita ako. Agad akong napaiwas nang tingin.

"Hindi ibig sabihin na hindi niya alam kung paano siya nabuntis ay nakipagsex na ang kaluluwa niya ", paliwanag niyang habang inaayos ang salamin, kaya napatingin ulit ako. "Kapag ang tao nakipag-sex ,tao rin ang kalalabasan, kapag ang kaluluwa nakipagsex," ngumiwe siya ",kaluluwa din ang kalalabasan," napatango -tango naman ako.

Paano pala ako nagkababy?!

"Baka naman pinainom nang drugs yung friend mo n'ong nakipagsex siya, kaya hindi niya maalala ang nangyari ", unti-unting nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Posible kayang drinugs ako ni Juan tapos nagtatalik kami habang nagmamaneho siya?

Pumasok sa isipan ko ang itsura kong nakaupo sa harap niya at si Titus naman ay nagmamaneho. Natutop ko ang aking bibig, ang hirap naman nang posisyon namin.

"Sino ba 'yang tinutukoy mo?" usisa niya pa at nanliliit ang boses. "Baka ikaw na'yan hah", dagdag niya pa na ikinahalakhak ko, napalunok ako matapos makita ang seryoso niyang mukha, naghihintay nang sagot. Umayos ka Sheena!

"Hindi ko sinasabing ako 'yon", panimula ko na ikinahinga niya nang maluwag at kinuha ang bottled juice niya sabay inom. "Pero hindi ko rin sinasabing hindi ako", sabi ko. Napatili ako nang tumalsik ang juice niya sa balikat ko. Hulu nasamid si Mali.

Matalim niya kong tinignan. "Hindi nga ako yon! ", giit ko pa. "Pero pwede ring maging ako", sabi ko. Takang-taka kong tinignan si Mali habang kinakamot nang mabilis ang ulo niya .

"Ang gulo mo! ", saad niya. Magsasalita pa sana ako nang biglang sumigaw ang kaklase kong lalaki na si Jeffrey na malapit na daw si Ma'am. Tahimik nalang akong nag-iisip ,kahit wala naman talaga akong maisip.

Sumunod lang ako nang sumunod kay Mali maghapon, nagbasa rin ako nang libro para hindi ako magmukhang tambay sa library pero ang totoo ay nanonood ako nang prank videos, kung iprank ko kaya si Juan tapos sabihin kong, nalaglag ko yung baby.

Tsk. Gawin mo yon Sheena at nang makatikim kanang kamaong lumilipad galing sa kaniya.

     "Sheena! ", hinahanap ko kaagad ang boses na'yon at natagpuan nang mata ko si Marcus na tumatakbo palapit sa'kin. "Ikaw pala eX! ", bati ko sa kaniya. Hinawakan niya naman ang puso na parang nasasaktan. Nang makita niya ang pagkakunot ang noo ko ay tumigil din sa ginagawa.

"P'wede ba'kong sumabay sayo?", tanong niya habang naglalakad kami papunta nang gate, may gagawin padaw kasi si Mali kaya nauna na'ko.

"Oo naman! ", nakangiti kong sagot ko. "Sure ka? Magje-jeep pa naman ako ", imporma ko sakaniya. "Baka mapagod ka", dagdag ko.

RAPE  (Completed) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora