Bente-syete

1K 30 3
                                    

Tahan na.


Mag-isa ako sa kuwarto, huni ng ibon ang tanging nag-iingay sa labas, malamig ang simoy ng hangin na nililipad ang ilang hibla ng aking buhok, pasko na ngayon, at hindi ako masaya.

Nasa Europe ngayon si Mali, ng tumawag siya ay hindi ko na inabala pang sabihin ang alitan namin ni Juan. Sinisisi ko ang pelikulang pinanood ko, dahil d'on ay nagkanda sira-sira ang mood naming dalawa.

     Hinilig ko ang ulo sa gilid ng bintana, ilang untog ang ginawa, umaasang may maisip akong paraan para magkaayos kami, pero walang lumitaw. Nan'doon lang ako, ayokong bumaba, may pagkain narin sa lamesa pero wala akong ganang lumapang.

Nakita ko ang pagdilim ng kalangitan, inabutan ako ng gabi kakatitig sa kalangitan. Nangalay ng husto ang leeg ko.
Asar na pinunasan ang sariling luha na maghapon na atang dumadaloy.

May kumatok sa labas ng pinto, hindi ko napigilang umasa kaya nagmamadali akong naglakad papunta roon. Pagbukas ko, "Ma'am pinabababa po kayo ni Sir, dumating hoh kasi sina Ma'am Danna kasama ang asawa nito at Lolo ng asawa niyo", saad ng katulong. Tumango ako.

"Sige po", saad nito tsaka tumalikod, sinara ko kaagad ang pintuan, walang buhay na tinungo ang closet upang magpalit ng damit. Kaya niya akong tiisin.

"Ayaw kasi ni Titus na pumunta sa bahay kaya kami nalang ang pumunta rito", masayang wika ni Mommy Danna pagkatapos naming maupo, may dala-dala silang mga pagkain na katakam-takam. Punong-puno ang mesa. Ngunit wala talaga akong gana.

"Buti nakarating po kayo", mahina kong sagot sa ginang . Bahagyang kumunot ang noo nito marahil hindi sanay sa pakikitungo ko, tumingin ito sa'kin at sa taong katabi ko. Ngumiti na lamang ng may mapagtanto.

"Syempre naman iha, unang pasko mo ito bilang parte ng pamilya kaya hindi talaga namin ito palalagpasin ", halakhak ni Tito Craze. Tumango-tango ako, hindi magawang ngumiti.

" Mukhang may gusto kang makita a." saad ni Lolo nalang, ngumise ako at umiling-iling, tila nawalan nang boses. "Ay, late na ba kami?", kumalabog ang puso ko matapos marinig ang boses ni Ina. Kaagad akong napatayo upang mas makita siyang mabuti.

May dala itong regalo at hawak ni Caleb ang isa niyang kamay. Simple lang ang pananamit ngunit ang presensya niya ay sapat na para mapahikbi ako. Ngumiti siya sa'kin.

"Mama!", tinakbo ko ang distansiya naming dalawa at niyakap siya nang mahigpit. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi sa mapangalipustang sakit na nagpapamanhid sa puso ko.

Mahigpit na mahigpit ko siyang niyakap. "Anak, anong nangyari? Inaway ka ba nila? Sabihin mo at hahampasin ko 'yan ng regalong ito", bulong ni Mama, mas humigpit pa ang yakap ko at umiling-iling. Nakahinga ng maluwag si Mama at niyakap rin ako.


"So sweet of Sheena", naiinggit na komento ni Mommy Danna.

"Tsk." tanging sagot ng anak niya. Tumawa ang dalawang lalaki, pati si Caleb ay nakisabay rin. Pinunasan ni Mama ang luha ko. "Regalo namin sainyong dalawa." nakangiting wika nito. Napasinghot ako bago iyon kinuha.

"Pano yan wala akong regalo", ngungo kong tanong, nabarahan na kasi ang ilong ko nang sipon. Tumawa si Mama. "Hindi na, okay na ako sa natanggap ngayon", saka niya binalingan si Caleb na nakatingin na ngayon sa pagkaing nasa lamesa.

Masiba.

Naupo na si Mama, nasa tabi ko siya dahil lumipat si Mommy Danna sa tabi ni Tito Craze, mukha raw kasing miss na miss ko ang aking Ina. Sumang-ayon nalang ako para hindi na lumawig pa. Nang mahawakan ko ang tinidor ay parang gusto kong isaksak iyon sa lalaking katabi ko. Nakakainis siya.

RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now