I need Daniella right now.

Sana lang hindi ako nasundan ni Rhiana.

Pero..

"Lucas ko!"

Hayst! Bwisit na aso na 'to! Sunod ng sunod.

Hindi ko ito nilingon at sakyo sa harapan ko nakita kong papaakyat si Daniella sa hagdan. Mukhang sa classroom namin ang punta niya.

Nang makita niya ako agad akong ngumiti at hinila ang kamay niya.

Gusto kong mag paliwanag pero hindi muna ngayon.

Saktong pag hila ko sa kamay niya may humawak sa balikat ko ulit kaya hinawi ko 'yun at lumapit kay Daniella.

"Ahm,Babe! Saan ang punta mo?"  Malambing kong tanong sa kaniya.

"Lucas ko!" Lapit sa amin ni Rhiana.

Agad naman siyang napahinto sa harapan namin ng makita niyang magkahawak ang kamay namin ni Daniella.

"H-huh?" Naguguluhan niyang sambit.

"Sabi ko,saan punta mo babe?" Kasabay ng pag sambit ko ng mga salita na iyon ay siyang pag hawi ko ng nakaharang niyang buhok sa mukha niya.

Inayos ko ang buhok niya gamit ang isa kong kamay habang ang isa ko namang kamay ay nakahawak parin sa kaniya.

Sana umeffect 'tong pinag gagawa ko sa harapan niya para layuan na ako ni Rhiana.

Tinitigan ko siya ng mabuti na paramg sinasabi na makisabay ka nalang sa ginagawa ko.

Sa tingin ko naman ay agad niyang na gets 'yun kaya naman nag salita na siya.

"A-ah duon sa taas,babe. Ihahatid ko lang 'tong visual na pinapareport niya sa akin" nakangiti niyang sambit.

I like her dimples. Napangiti nalang din ako.

"Ah gano'n ba? Sige samahan na kita" sambit ko sabay hila ng kamay niya paakyat kaso may nakaharang sa daraanan namin.

At si Rhiana 'yun. Mukhang nag a-alburoto na siya sa galit kaya naman mas dinagdagan ko pa.

"Tabi,dadaan kami ng girlfriend ko" parang nag papaalis ng aso na sambit ko sa kaniya.

Hindi niya sinunid ang sinabi ko kaya nag dire-diretso nalang kami ni Daniella.

Nabangga sita ng balikat ni Daniella pero hindi naman ito pumalag at sinundan lang kami ng tingin.

Nang malagpasan na namin ito ay huminga ako ng maluwag.

Tristans POV

Kakatapos lang ng klase namin,kasalukuyan na akong nasa bahay ngayon nagpapahinga habang nanunuod ng t.v. Nasa baba naman si Hayden at Keith kumukuha ng pagkain. Tumambay sila dito ngayon kasi wala namang pasok bukas.

Habang nanunuod ng t.v bigla nalang ako napaisip.

Di ko lubusang maisip na sa tuwing dadaan siya sa classroom namin or minsan u-upo lang siya sa tabi ko kinakabahan na ako. Hindi naman ako kinakabahan dati pag nakikita ko siya pero ngayon..

Totoo na ba 'tong nararamdaman ko?

Hindi na ba ako lilinlangin nito?

Kasi kung totoo 'to,maghahanda na ako. Ayoko nang maghintay pa ulit ng 3 years bago maramdaman muli ito.

Gusto ko panghabang buhay na 'to,'yung wala ng kapalit na sakit para naman ma-enjoy ko.

Pero totoo na nga ba ito?

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Onde as histórias ganham vida. Descobre agora