Chapter 49 - Date

451 18 10
                                        

Trivia: Alam nyo bang september 13 ko sinimulan ang SMBB? Kaya ayun ang pinili ko para sa kapanganakan ni baby sophia.

Happy Reading! Mwah.


Araw-araw halos baby-hin nako ni rover, nakauwi na kami ng bahay at halos hindi nya nako pakilusin, daig ko pa ang lumpo dahil hindi nako pinapaalis sa kama namin.

Kapag kakain, dito pa rin. Kapag pag maliligo ay andon sya, hindi naman sa ayaw ko ang assistance nya pero kasi naiinis nako.

Matagal ng magaling ang sugat ko, at every month din ang check up naming dalawa ni baby sophia. My baby sophia just turned one month old, sobrang bilis lang. Nag celebrate kami sa sala dahil ayaw ni rover na lumabas muna kami, hindi ko alam kung anong payo sakanya ng mga doctor o ni Caleb, ang asawa ni shile at ganyan na sya ka-strikto sa kaligtasan namin.

Kapag magpapa-araw kaming dalawa ni baby, mga bandang ala sais y medya. Andoon pa rin sya hindi ko na ma-solo ang anak ko dahil sakanya.

Minsan nakakatuwa, minsan halos gusto ko nalang syang pagsusuntukin pero mas nanaig saakin ang pinapakita nyang sipag, bawat ginagawa nyang pag-aalaga saamin ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip.

Ang galing lang, dahil hindi ko akalain na magiging ganito sya ka-focus saamin. Sinong mag-aakala? Wala, dahil kahit ako o sila mommy nagugulat rin sila kay rover.

Kapag umaga ako na ang nag-aalaga kay baby sophia dahil sa gabi ay sya, kapag naiyak at gusto ng dede ni sophia, inaabot lang saakin ni rover dahil nagigising din ako sa pag alis nya. Minsan hindi na namin mahawakan ang anak namin dahil kila mommy, halos gusto na sa kanila. Sabik na sabik sila kaya dapat raw ay sundan na.

Pinandilatan ko sila ng mata dahil kakahilom pa nga lang ng sugat ko at gustong pangalawa na agad?

Ikatlo na ng buwan at December na, malapit na ang pasko at kanina nag punta kami sa doktor at tinanong ko kung pwede na kaming mag gala ni baby sophia. Unfortunately hindi pa pwedeng ilabas dahil syempre maselan ang pag bubuntis ko, pwede akong lumabas pero hindi pa ang anak namin.

Napanguso ako, nakikita na kami ni baby sophia at panay ang tawa kapag kinukulit ng ama nya. Hindi ko halos maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag nakikita ko ang anak kong nakangiti. Ang saya at sarap sa feeling.

Well, kaya ko tinanong ang doktor dahil gusto ko sanang igala ang anak namin, E hindi naman pala pwede. Kaya tutuloy pa rin kami ni rover at si baby kila mommy muna, bibili kami ng regalo at grocery narin.

Hands on ako sa pagkain namin ni rover, may mga pagkaing bawal kasi saakin nung nag papagaling ako at minsan sya ang nagluluto. Madalas ay vegetables lang ang kinakain ko at sinasamahan ng exercise, hindi ako nag wo-workout ng mabibigat at baka bumukas ang tahi ko at mas lalong hindi nako pagalawin ni rover.

Halos awayin ako ng makitang nag stretching ako ng konti, at syempre dahil inaway nya ko sa sala sya na tulog.

Pero kinaumagahan ay bati na rin kami, sya parin nag alaga kay baby sophia dahil task nya yun.

“Baby, sundin ba natin ang doktor? Gusto ko ng isama anak natin e. ” nakanguso kong sabi sakanya. Nasa bahay parin kami at nasa loob ng sasakyan, hindi parin kasi ako makapag-isip.

Syempre pipilitin ko muna si rover, malay naman natin kung papayag sya.

Hinawakan nya ang kamay ko, nasa passenger seat ako at sya ang mag mamaneho. Inabot nya ang labi ko at hinalikan ako ng mabilis.

Bumuntong hinga sya. “Baby, hindi pwedeng isama ang anak natin, kapag nag one year old na si sophia, kahit saan mo pa gusto. Ngayon tayo munang dalawa, please? ” he look at me in his pleading eyes.

Twisted Paths (SMBB)Where stories live. Discover now