Mas lalong guminhawa ang pakiramdam ko ng makaligo, syempre nag patulong ako kay Rover dahil kaylangan ko ng assistance. Wala naman syang reklamo, parang gustong gusto pa nga nya.
Ngayon ang labas at Ultrasound na gagawin, kaya sobrang excite ang nararamdaman ko.
“Baby, may gusto akong kainin pero hindi ko alam kung ano.”
Sila mommy at daddy ay napatigin sa gawi namin, halatang gagawin kung anong iuutos ko.
“What is it? Bread? Ulam? Dessert? Mangga?” nanghuhulang tanong nya.
Hmm, Mangga? Parang gusto ko pero gusto kong may ketchup at sili. Bigla naman akong natakam!
“Mangga nalang baby, with ketchup at sili.” nakangiti ko pang sabi sakanya.
Napangiwi naman sila saakin, alam kong hindi magandang combination iyon, pero iniisip ko palang nasasarapan nako.
“Pwedeng paki dalian din baby? Natatakam nako e.” Mabilis namang tumango tango si Rover.
“Mom, ako na ang lalabas. Paki bantayan nyo nalang ha.” ani nya pa ng palabas na ng pinto, nagtataka akong bumalik sya saakin.
“Muntik ko ng makalimutan.” napa ‘huh’ nlang ako pero na-gets ko rin dahil hinalikan nya ako sa noo.
“Take care baby!”
Umupo ako sa hospita bed dahil ayoko ng panay ang higa, feeling ko mag kakasakit ulit ako. Saka sabi ng doktor if may time ako lagi raw mag lakad para mas mapabilis ang panganganak.
Bukas na bukas din ay yayayain ko silang lahat na magpasama para bumili ng damit ng mga baby, iniisip ko palang ay sobra sobra ang pananabik ko.
“Mom, kapag nakalabas ako ng hospital. Gusto ko sanang magpasama sa inyo. Gusto ko kasing mamili ng damit ng bata.” nakatingin lang ako sakanila habang nakaupo sila sa sofa. Hindi ko alam kung pwede na akong mag-gala non.
“Anak, hindi ko alam kung pwede kanang lumabas non but we'll ask the doctor. You can shop online nalang para mas madali at makapagpahinga kapa ng mahaba.” malumay na sabi ni mommy na para bang inaalu ako.
Ngumuso ako. Ayokong mag online shopping! Gusto kong maglakad at makita ng personal ang mga gamit ng bata.
“Eh mommy! Ayoko ng online, gusto kong makalibot sa mall. Gusto ko nahahawakan ko yung mga gamit para ma-check kung matibay.”
Alam kong problemado na sila saakin, parehas nakatingin sila mom at dad sa isa't isa at alam ko na ang iniisip nila.
Nag sisimula na akong maglihi, siguro ay na postponed pero ngayon ay nagbabalik. Like ‘Hi, sis. You can't have your pregnancy without me’ I just hissed at what I thought.
“Okay anak, but first we'll ask your doctor, if he agreed then you're good to go, but if he tells that you need more time to rest then you rest. Kaylangan natin malaman kung okay lang ba o hindi para narin sa kaligtasan nyong mag-ina. Okay honey?” si dad iyon. Hindi na yata kinaya ni mom.
Nguso naman akong tumango-tango, ang tagal ko nang hindi nakakagala kaya ngayong may pagkakataon ay gusto kong mag lakad lakad. Pero dahil nga may isang buhay akong inaalagaan sa t'yan ko ay mag iingat ako para saamin.
Nakita ko pang parehas na nag sulyapan ang mag-asawa kaya napa-iling ako.
Kinuha ko sa drawer ang phone ko, yes. Napilitin ko din si rover na bigyan ako ng cellphone dahil hindi ko na alam kung nasaan na nag-gala ang cellphone ko.
To: baby
Ang tagal mo po.
Sabay send ko, gusto ko ng sabihin sakanya na gusto ko ng mag-gala pero alam komg hindi nya rin ako papayagan, syempre gagawa tayo ng paraan, iyak iyak kunwari. Hindi tayo matitiis nyan. Payag agad yan.
YOU ARE READING
Twisted Paths (SMBB)
General FictionNot related by blood but he's my Big Brother Not related by anything But He is my Big Brother. He is my Everything but he decline it. He is my Life but he Refuse it. He is my Big Brother and I inlove with him.
