Chapter 30 - Mind

4.2K 99 5
                                        

Napatingin ako sa kwarto ng may kumalabog doon, Mabilis akong nagtungo doon dahil nasa teresa ako at pinagmamasdan ang pag- usbong ng araw. Nakita ko si rover na mabilis na nagbibihis at mukhang nagmamadali, Asan naman ang punt ang isang to?

"Rover?" Alanganin kong tawag sakanya.

Napatigil ito sa kanyang pagbibihis at mabilis na pumunta sa gawi ko pero bago nya pa magawa iyon ay nadapa na sya at tumama ang mukha sa sahig. Narinig ko ang pagdaing nya at pagsunod-sunod na mura.

"Damn it." Galit nyang sabi.

Mabilis ko syang pinuntahan at tinulungan sa pagtayo. "Saan ka ba pupunta? Bakit nagmamadali ka ata? Saka ang aga mo naman yatang umalis. 5:32 palang ah?"

Mabilis nya kong niyakap, Ang yakap nayon ay nararamdaman ko ang init at kakomportablehan.

"I was looking for you! I thought you leave me. I was so scared and worried to you!"

"Hush love. I'm always here for you, I won't leave you hanggang sa huli kong paghinga."

Matapos yun ay bumalik na kami sa higaan at pinagpatuloy nya ang naudlot na tulog, paulit-ulit nyang sinabi sakin na wag akong aalis. At kung aalis man ay gisingin daw sya kung may gusto man daw akong puntahan, Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nasa tabi ko na sya.

Hindi nya nga ako pinabayaan ng nasa hospital pako habang iniintay ang resulta o kung may way paba upang maligtas ako, Hindi nya ini-open up na magpa-opera nako dahil kahit anong gawin nilang pilit ay ang parati kong sagot ay hindi.

Napasugod nga sila mom at dad ng malaman nilang nasa hospital ako, Sobrang sobra silang nag-aalala para sa akin at kalagayan ko ngayon.

Nalungkot ako syempre dahil nahimatay si mommy si dad naman ay muntik ng atakihin ngunit pinigilan nya dahil malakas sya ika nga nya, Gusto nya kapag daw nagising si mommy sa pagkakahimatay ay sya ang una nyang makikita.

My dad is so sweet, Caring, Lovable husband, Kind, Lahat yata ng aspects ng katangian ay nasa daddy ko na! sobrang mahal na mahal nya si mommy at ako at si rover.

Nag-usap usap kami apat ay kahit anong pilit ko na hindi at ayoko ng operasyon nila hindi sila sumang-ayon, Alam kong mahal nila ako at ayaw pa nila akong mawala sa tabi nila ngunit anong magagawa ko kung hanggang dito na lang ang lahat hindi ba?

Anong magagawa ko kung dito na matatapos ang buhay ko, pero ang inaalala ko ay ang maiiwanan ko. Lalo na si mommy at daddy at lalo na si rover at alam kong higit silang sobrang malulungkot.

Pero matapos ang usapan na yon ay kinausap ako ni mommy ng masinsinan, Itinanong nya kung mahal ko sya. Mabilis ko naman syang sinagot ng "Oo" at nginitian nya ako ng malungkot.

"Kung ganun anak, para saakin man lang saamin ng daddy mo at ni rover. Take the operation baby! Maawa ka naman sakin anak, Hindi ko kayang mawala ka saakin. Mahal kita prinsesa ko, Ikaw lang ang magandang nangyari sa buhay ko kayo, kayo ni daddy mo at ni Rover kayo ang nagbigay ng saya saakin, Nilagyan nyo ng kulay ang mundo ko. Kaya anak kahit na malayo kasakin ng ilang milya o kahit nasa ibang bansa kapa. Basta alam kong kasama ka namin dito sa mundo ay masaya nako. Kahit ito nalang yung gift mo sa birthday ko oh."

Nahahapo syang umiiyak habang patuloy na lumuluha, at ako nakatingin sakanyang lumuluha din. Hindi ko kayang makita ang mommy ko ng ganito, I used to see my mom laughing while dad throwing a corny jokes.

I held her hand ang kiss it, the immediately hug her.

"I will mom. I love you! Whatever it takes."

Twisted Paths (SMBB)Where stories live. Discover now