L.C | 59 |

1.9K 80 11
                                    

| Araina |

Bahagya akong napatalon sa pagkakaupo dahil sa gulat, kunot noo kong binalingan si Pierce na alanganin ang pagkakangiti "anong problema mo at kailangan mo pang ibagsak ang papeles na yan sa mesa? At sa harap ko pa talaga, naghahanap ka ba ng sakit sa katawan?"

"Sorry na Supremaa! Huhu, eh kasi naman kanina pa kita tinatawag pero tulala ka pa rin"

Oh. Hindi ko rin alam kung bakit kanina pa ko nakatingin sa kawalan, tulala, ligtas naman kaming pareho ni Brazzen. I underestimated him awhile ago, nakalimutan kong he was not the same Brazzen I used to know– in a positive way though. Ngayon, kaya niya na ipagtanggol ang sarili niya "ewan ko ba, lagi akong natutula nitong mga nakaraang araw. Hindi kaya nababaliw na ko?"

"Mag pacheck up ka na kaya Suprema"

"Di na kailangan niyan, dati na sira ang ulo niyan no. Baliw yan, baliw sa pag ibig" napanguso ako nang dumating si Katana. Inakbayan nito si Pierce na kasalukuyang tumatawa, bwest talaga "hoy, wala ka bang trabaho at palaboy laboy ka nanaman?"

"Hah! Syempre— meron, stopover lang saglit. Tyaka pumunta ka nga muna ng infirmary, ipagamot mo yang sugat mo sa pisngi"

"Oo nga Suprema, medyo may kalaliman pa naman. Manhid ka na ba Suprema?" Napangiwi ako sa sakit nang mahawakan ko ang kanan kong pisngi sabay tingin sa kamay ko na pinanghawak ko dito "akala ko pinagpapawisan lang ako kanina, dugo pala"

"Haynako, magpapa appointment na ba ko sa isang psychologist?"

"Mental na punta mo, matagal ka nang baliw" Saad ko kay Katana sabay tayo at bahagyang ininat ang katawan ko sa ere, umiling naman ang bruha "para sayo bebe Aina, lumalala ka na aking kaibigan. Tara na nga, ihahatid kita sa infirmary"

"I'll just go there myself, baka kailangan ka na sa pupuntahan mo. Tyaka may dadaanan pa ko sa supply office"

"Nandito na ang list of supplies Suprema, pinaabot ni Jaguar kanina"

"Let's go Pierce, see you later Kat"

Sumaludo ito sabay alis. Habang kami naman ni Pierce ay tinahak ang daan papuntang supply office, hindi naman ako natagalan dahil naayos na nila ang kakadating lang na supplies. Pagkatapos kong pumirma, agad akong dumiretso ng infirmary para magpagamot "hello po Suprema"

"Hi Lu, nandito ba si Doc Janet?"

"Titignan ko po muna sa opisina niya, pasok po muna kayo dito sa kwarto" matapos na makapasok sa sinabing kwarto ni Lu, agad akong umupo gaya ng sabi niya. Hindi ko naman maiwasang tumingin sa paligid ng kwarto habang naghihintay, pinatong ko rin sa mesa ang kanan kong kamay tyaka tinapik tapik ito gamit ang aking mga daliri. Mabilis kong binalingan ng tingin ang pintuan sa pag aakalang si Doc Janet na ito, ni hindi ko man lang naisip na posibleng magkita kami ni Brazzen dito "is doc Janet here?"

"Ah, wala pero hinahanap na siya ni Lu"

Awtomatik namang dumating si Lu matapos kong banggitin ang pangalan niya, binati niya naman si Brazzen tyaka ako binalingan "naku Suprema, may pinuntahan po pala si doc Janet. Gagabihin yata sila ng dating" Kung minamalas nga naman. Bakit ba may nakalusot na atake kanina? Ni hindi ko man lang napansing may sugat na pala ako, I must undergo to a mafia training when we get back to the Philippines. I'll ask Winter "I'll take care of it"

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now