L.C | 20 |

3K 92 12
                                    

| Araina |

"Here" inabutan ako ni Katana ng kape tyaka naupo sa harapan ko. Nakapaglinis na kami ng katawan at nakabihis na rin "I already called the corps command, we're on standby for the mean time"

Isang tango lang ang sinagot ko sa kanya at sinimulang inumin ang kapeng hawak hawak ko "maiintindihan ka rin nila" binaling ko ang tingin ko kay Katana tyaka tipid na napangiti "sana, naiintindihan ko din naman sila. I'm fine"

"That's why I love you, because you if you care sa isang tao. Binibigay mo lahat"

"Eweee, tomboy ka ba?"

Sinamaan niya ko ng tingin tyaka mahinang sinapak "I'm being serious here" marahan akong natawa, at least, nabasag ko ang matinding kaseryosohan saaming dalawa.

Hindi normal sa aming dalawa ni Katanang magseryoso, kalog kaming dalawa kaya bilang lang na magkaroon kami ng ganitong pag-uusap "Love you too, sis"

"Naks! Yan tayo, kaya ikaw, tama na ang pagsisimangot. Nakakapangit yan beh, nakooooo. Wala yan sa bokabularyo natin, baka itakwil kita niyan"

Binugahan ko siya ng konting kapeng iniinom ko tyaka mabilis na tumakbo palabas ng kusina habang tumatawa "oy! Ang obstacle routine natin bukas!"

"Aregladoooo!"

Pasigaw kong saad habang kumakaway pa sa ere. Marahan akong pumasok sa medicube upang tignan ang mga pasyente bago magpahinga "Supreme!"

Masayang bati ni Kitty saakin nang makita ako "Kitty, blooming na blooming ka pa rin ah" naging bungad ko sa kanya. Mas lumawak pa ang ngiti nito tyaka inilagay ang mga takas niyang buhok sa likod ng kanyang tenga.

"Naman Suprema, pinapalibutan ba naman ng mga Supreme"

Singit ni Rue habang nililibot ang mga mata "ehe, megende leng ang environment dito Suprema" napataas ang isang kilay ni Rue tyaka mahinang hinila ang buhok ni Kitty.

"Kakagyera lang pusa, baka nakalimutan mo? Maganda ka jan, gawin kaya kitang pasyente"

"Suprema, sino nga pala yung kasamahan niyong babae na dumating?" Usisa ni Kitty. Mukhang si Katana ang tinutukoy nito "you mean Katana?"

Namamanghang tumango ito "ang astig pala pati pangalan, bantot ng pangalan natin fren eh" tukoy nito kay Rue. Kununot naman ang noo ng huli "ang ganda ng pangalan ko, baka sayo lang ano?"

"Cute ang pangalan ko, gaya ng feslak na ituuuu"

Natawa nalang ako sa munti nilang pagtatalo "where's the ma'am Araina of yours Rue?" Nakangiting saad ni Cole, inirapan muna ni Rue si Kitty tyaka binalingan si Cole "mas bagay ang Suprema doc eh"

"I agree"

Binigyan ko siya ng ngiti tyaka kumaway sa ere "akala ko sa manila na tayo magkikita" he let out a small laugh then shrugged his shoulder " i thought so too"

"Thank y–"

"Doc Brazzen! Si Suprema ho, nanditoooo" pagtawag ni Rue sa huli. Napamura' naman ako ng bahagya tyaka mabilis na nagpaalam sa kanila

. . .Tama na muna ang sakit na dala dala ko, baka sakaling mabaliw na ako kung madadagdagan pa

***
| Third Person  |

Kinabukasan, pawang hindi napagod si Araina dahil pagpatak  palang ng alas kwatro ng umaga, agad silang nagising ni Katana. Mabilis siyang nagpalit ng itim na cycling shorts, army green na sports bra, at pinatungan ito ng isang maluwang na tank tops na kulay itim.

Pinusod nito ang mahaba niyang buhok at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto. Sabay silang lumabas ni Katana sa main cabin tyaka naglakad palabas ng campo upang gawin ang nakagawian nilang obstacle routine "salute"

Bati sa kanila ng mga Supreme na nakabantay sa gate, sinuklian nila ito ng saludo't ngiti bago tuluyang nagsimula "goodmorning sunshinneee!" Masiglang bati ni Kitty pagkalabas nito sa kanyang tent.

Iritadong sumunod ng paglabas si Rue "ang ingay mo, magtoothbrush ka nga muna" inirapan lamang siya ni Kitty. Pareho silang nagsimulang magsepilyo habang pinapalibot ang tingin sa paligid "shandali, bah pawang nagmamadshali ang mga shumpreme. May gyera nanaman bsha?"

Nagtatakang saad ni Kitty habang napapabilis ang pagsesepilyo, naunang natapos si Rue na sinusundan ng tingin ang mga Supreme na napapadaan "it's been a while since we last saw Suprema and Katana do their obstacle routine"

"Oo nga, bilisan natin, baka patapos na ang mga yun"

Napalaki ang mga mata ni Rue nang marining ang paguusap ng dalawang dumaang Supreme "oy, tapos ka na?"

"Hindi halata? Gusto mo bugahan kita ng hangin jan?"

Hindi nagpatinag si Rue sa sinaad ni Kitty at agad itong hinila papunta sa daang tinahak ng dalawang Supreme "good morning Kitty! Rue!"

Nagtatakang sinundan ni Cole ng tingin ang dalawa niya nars na nagmamadali sa paglalakad at pawang hindi narinig ang bati niya sa mga ito "what's happening?"

"How would I know? We were together the whole time Cole"

Iritadong saad ni Brazzen tyaka pinunasan ang basang mukha "let's follow them" hindi na nakakontra si Brazzen nang higitin siya nito sa pulsuhan.

They were shocked to see all the Supreme gathering around the field, chanting. Unti unti silang naglakad upang tignan ang pinagkakaguluhan ng mga Supreme. From their position, they saw Araina and Katana walking– literally upside down across a thin wood with a dagger on their teeth.

Nang makatawid sa kabilang dulo, mabilis silang tumambling at patakbong pumunta sa isang flag. Aakmang makukuha na ni Katana ang flag nang tapunan siya ni Araina ng kutsilyo.

Katana was able to dodge the sword but Araina kept on throwing attacks but this time she used stones as her shurikens. They exchanged some punches, kicks, and different attacks.

Everyone stayed silent as they watch the fight. Tulalang nanunuod sina Kitty sa laban ng dalawa. Napakagat labi naman si Araina ng bumagsak sa lupa ang katawan niya.

But Katana stayed alert, she didn't make any move. She just watched Araina lying on the cold soil "anong ginagawa ni ma'am Katana? She should run to get the flag!"

Kabadong saad ni Kitty. Minutes had passed but Araina's still on the ground, that's when Katana took a step backwards. Araina didn't moved. So she took another step, and another, until the flag's already on the back of her feet.

She was about to reach for the flag when a big stone flew in the air and a rope circled the flag "ehem, Katana baby, i won again" nakangiting saad ni Araina na kasalukuyang hawak hawak ang flag sa kanan niyang kamay.

***
Note:

So ahm, here's the update matapos ang paghihintay. Ehe ehe, em beri suriii. Bear with the errors as well. Please do leave a comment, and I honestly don't know what I'm writing in this chapter 😂 lovelots everyone 💓

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now