L.C | 18 |

3.1K 94 14
                                    

| Third Person |

"How about we enter their south border?"

"It's quite impossible, there's no clear path for us to enter"

"Then we'll make one"

Nanghihina pa si Brazzen habang unti unting lumabas ng medicube, agad na sumalubong sa kanya ang mga Supreme na nagtitipon sa labas, na pinamumunuan ni Araina.

Hindi niya maiwasang hindi mapatitig ng matagal sa dalaga, halatang naging maganda ang pananatili nito kahit sa maikling panahon ng kanyang pagbabakasyon "oh dok! Buti naman at nagising na kayo"

Bahagyang napapikit at napakagat labi si Brazzen ng bumaling ang direksyon ng mga Supreme na nagpupulong sa labas ng medicube "we'll talk about it further after an hour, for now, go back to your works. Make sure that our amos are well prepared"

"Areglado, Suprema"

"Affirmative!"

Unti unting umalis ang mga Supreme sa malaking lamesang pinagpupulungan nila, may mga ngiting nangaasar pa ang ilan sa mga ito habang nakatingin sa direksyon ni Brazzen "Brazzen"

"Araina"

Ngumiti si Araina ng bahagya tyaka tiningala si Brazzen ng tuluyang makalapit dito, mas mataas ito sa kanya kaya kailangan pa niyang tingalain ang lalaki kapag kinakausap niya ito "kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa katawan mo?"

Iling ang naging sagot ng lalaki sa kanya. Kumunot ang noo ni Brazzen nang makitang may mahabang hiwa sa pisngi si Araina "don't mind me, I'm just still a bit dizzy but I can manage. Does it hurt?"

Seryosong tanong ni Brazzen habang hinahawakan ang pisngi ni Araina sa bahaging malapit sa sugat nito "mmm mmm, I'm used to it" mukhang hindi napanatag si Brazzen sa naging sagot ni Araina.

Hinawakan niya ito sa pulsuhan at marahang hinila papasok ng medicube "h– hey, okay lang talaga ako" pinagtitinginan silang dalawa nang tuluyang makapasok ng medicube, lalong lalo na ang mga kasamahan ni Brazzen na tinatapunan sila ng mapanuksong mga ngini't tingin.

Napakagat labi na lamang si Araina dahil sa hiya "upo ka muna dito" saad ni Brazzen ng tuluyan na silang makapasok sa maliit na opisina nito. Mabilis na nakalapit muli si Brazzen na may mga dala ng mga kagamitan para sa sugat niya.

"Anong pinagpaplanuhan niyo?" Pagbasag ni Brazzen sa katahimikan ng kwarto, masyadong malapit ang mukha ni Brazzen kay Araina kaya bahagya siyang naiilang. Kailan nga ulit ang huli naming halikan? "Are you okay?"

Nagtatakang tanong ni Brazzen nang makitang namula ng bahagya ang mga pisngi ni Araina "ha? A– h oo!" She then realized, she was the one who first initiated the kiss. At lasing pa si Brazzen ng halikan niya ito, it was their first and last, actually.

"Just tell me if it hurts"

Masakit. Masakit na hindi mo ako mahal "okay" mapait na napangiti si Araina sa kanyang naging saad sa sarili niyang utak "nagtatagalog kana ulit! Should I congratulate you?"

Biro niya kay Brazzen na kasalukuyang seryoso habang ginagamot ang sugat niya "how are you?" Balik na naging saad ng lalaki sa kanya, tipid na napangiti si Araina. Natutuwa siya sa pagsisimula ni Brazzen ng paguusap nila "okay lang. Ikaw?"

"Hmmm"

***
| Araina |

Hindi ko mapigilang mapangiti at impit na mapasigaw sa kaloob looban ko nang maiksing nag 'hum' si Brazzen bilang sagot sa naging tanong ko. This conversation really means a lot to me, a lot. Pusangputi parang walang gyerang nangyari Araina eh no'? 

Napatawa ako dahil sa kakulitan ng isip ko, tingin ko nga't bipolar akong tao. Hayyy, at least my old and usual happy go lucky self is getting back "may nakakatawa?" Nagtatakang tanong ni Brazzen dahil sa naging pagtawa ko. Mabilis akong umiling syet, ang gwapo niya talaga ahuhu.

"Aatake na kami sa base ng kalaban, nagpadala kami ng class A Supreme that specializes camouflage para malaman ang base ng mga ito"

Natahimik si Brazzen matapos kong sabihin sa kanya ang naging meeting naming mga Supreme kanina, he was very serious in treating my wound. He's very focused kaya naman nanatili nalang akong tahimik, minutes had passed.

Sa sobrang tahimik ko ay hindi ko na namalayang, I spaced out, natauhan ako nang pisilin ni Brazzen ang kabila kong pisngi "tapos na"

"Ha? Aaah, salamat" mabilis akong tumalon pababa sa kamang inuupuan ko tyaka sinimulan ang paglalakad palabas ng opisina niya "Araina"

"Hmmm?"

Mabilis pa yata sa kidlat ang naging sagot ko kay Brazzen "take care" malawak ang ngiting sumalute ako sa kanya "this is lieutenant colonel Araina Keen Wakefield, promising that will come back after the mission! Salute!"

And for the first in forever ni Ana ng frozen, he actually smiled, genuinely.

***

"Like always Supreme, be alert!"

"Areglado Suprema!"

Seryoso akong nagmamasid sa buong lugar, minabuti naming sumugod ng gabi. Other people might think that it's hard to make an attack in the evening but actually, darkness is one of our advantages "Supreme, alert. There's a group of terrorist heading on your way"

"Right?"

"Yes Suprema"

Mabilis na napatumba nina Garfield ang mga terorista kaya naman umabante na agad kami ng lakad "malayo pa ba?"

"15 minutes of walking Suprema"

"Anooooo?~ ang layo pa! Grand entrance nalang kasi ang ginawa natin Supreme, diba? Alam mo yun? Para bongga with helicopter pa sa itaas"

"Gago ka ba Buttercup? May hostages silang hawak, balak mong patayin?"

"Sinong gagoooo?"

"Team Alpha" naiinip kong saway sa dalawa. I can't help but to sigh, Supreme and their craziness. Napailing nalang ako habang patuloy sa pagmamasid sa lugar at paglalakad "ang pangit mo, pasalamat ka at gwapo ako"

Napakunot ang noo ko nang makita ang isang pulang tuldok sa punong nasa harapan ko, blinking. Minabuti kong nilabas ang contact lens scanner na nakakabit sa loob ng relo ko "Supreme, we ha–"

*boooogggsshh*

Nagsimulang magpalitan ng putok ng baril ang Supreme at mga terorista matapos ang sandaling katahimikan pagsabog ng isang bomba sa paligid "take cover!" I decided to climb the tree that was just in front of me.

"Suprema?"

"What?"

Agad kong pinutukan ng baril ang unang teroristang nahagip ng mga mata ko "tree" i pulled the trigger. Again and again "ang dami nila, Suprema. Can we finish this?"

Inayos ko ng mabuti ang earpiece na nakasabit sa kaliwa kong tenga "plan b"

"Affirmative, we'll do the switching? Then, about the other team Suprema. They'll be under the orders of. .?"




"Katana is on the way, they'll be under her orders"

***
Note:

😌 pengeng boyfri– ay este, comments pala. Thank you in advance ☺️💓

Lieutenant Colonel ArainaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora