L.C | 53 |

2K 83 11
                                    

| Araina |

"you okay?" Tanong ko kay Margola na tulalang nakatingin sa tanawin. Pabalik na kami sa base ng Supreme, tulog rin ang battle commander nila na tinurukan niya ito ng pampatulog. Agad naman niya kong binalingan ng tingin "a-ah y- yes, of c-course" nginitian ko siya tyaka muling tinuon ang atensyon sa pagpapalipad ng chopper na sinasakyan namin.

"Alam niyong babalik at babalikan nila kayo para bawiin kami, it will give you a lot of headaches"

"Don't worry, we have a lot of medicines" mabilis kong sagot tyaka siya kinindatan. Napatawa naman siya sabay tango "it's good to hear you laughing for the first time" nakangiti kong saad, napahinto siya ng tawa pero nanatili pa rin ang ngiti sa kanyang labi "yeah, matagal tagal na rin ang huli kong tawa. Thank you Suprema"

"I'm glad I made you laugh but seriously Marg, you deserve to rest and relax after everything that happened to you. Kung pinoproblema mo ang mga darating na pag atake ng organisasyon para bawiin kayo, hindi mo na dapat iniintindi yun. That's our job, what we need now is for you to trust us"

"I do. Kung may mga tao man na labis kong pinagkakatiwalaan, kayo yun. And I will do everything I can to help you put an end to this chaos"

"Thank you Marg"

"No, thank you Araina" muli kaming binalot ng katahimikan. Nakatulog rin si Margola matapos ang ilang minuto, hindi nagtagal ay nakita ko na ang ilang tower ng base. Mukhang naramdaman rin ni Margola na malapit na kaming lumapag dahil nagising rin ito kaagad "this is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, flying civilian chopper in number 423 asking permission to land over"

"Permission has been delivered, waiting for Jaguar's approval. Please give us a moment"

"Affirmative"

Ramdam ko ang kaba ng kasama ko. Ilang taon rin siyang ikinulong sa loob ng headquarters ng Regnum dito sa Ukran, she'll really feel awkward interacting with new people "permission granted, you may now land. Welcome back Suprema"

"Thank you" kagat labi ako hanggang sa lumapag na ang chopper namin "I can see fire in their eyes, they might beat you. Ganyan ba sila kapag namimiss ka Suprema?" ang tinutukoy ni Margola ay walang iba kung hindi ang Team Alpha at ang iba ko pang mga kasamahan. Nakaabang rin ang mga kaibigan ko mula sa Wayland mafia "yeah, mukhang mapapasabak nanaman ako nito sa bugbugan ah" natatawa kong saad. Kakagising ko pa lang naman matapos macoma ng halos dalawang linggo, ohsht. Agad na lumapit saamin ang ilang mga Supreme para kunin ang natutulog pang battle commander ng Regnum.

Tinulungan naman nilang makalabas si Margola, samantalang ako ay parang gusto na lang manatili dito sa loob at huwag na lamang lumabas. Eh pano ba naman, ni hindi pa nga ako nakakaapak sa labas- pamatay na ang mga ibinibigay nilang tingin. Sa sobrang pag iisip, hindi ko namalayang nakalapit na pala sa chopper si Katana "ay potangna"

"hoy babae, wala ka bang balak na lumabas? At wag mo nga along mamura mura, marami ka pang dapat na ikwentong bruha ka"

"Hehe, nagulat lang eto naman. Bababa na nga, eto na oh"

Malambing kong inakbayan si Katana thanks siya binigyan ng mabilis na halik sa pisngi "iw, kadiri ka Aina. Kanina pa ko nagtitimpi sayo, baka masapak na kita"

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now