L.C | 43 |

2.2K 73 1
                                    

| Araina |

Lutang pa rin ako hanggang sa paglapag ng eroplano sa bansa. Brazzen just confirmed the rumors about us, he even gave my name to the media. Urgh, my life has been peaceful for the past years as the daughter of my parents. Successful businesses tend to attract the media kaya nga laking pasasalamat ko na hindi na ako napagtutuunan ng pansin ng mga ito simula ng pumasok ako sa Supreme, well that's because my life became private after entering the organization. My family respects the privacy of my work kaya naging malaking tulong rin sila para maging pribado ang buhay ko mula sa media.

Pero dahil marupok ako, hindi ko maiwasang kiligin sa ginawang anunsyo ni Brazzen. But it would've been more amazing if we stayed private and let them come up with different conclusions "huy, wag mo sabihing hindi ka pa rin nakakamove on sa ginawang anunsyo ni bebe boy mo? Kilig ka nanaman peanut mo no?" Pinandilatan ko siya ng mga mata at bahagyang hinila ang dulo ng kanyang buhok "bunganga mo walang tapal talaga kahit kailan"

"Pero alam mo bebe Ains, may advantage rin naman ang ginawa ni bebe boy mo. Mababawasan ang mga higad na maglalandi sa kanya"

Napakunot ang noo ko sa naging saad niya, bat parang may mali sa sinabi niya? "Hindi ba dapat wala na talagang maglalandi sa kanya?" Napa iling iling si Katana sabay kuha ng maleta niya "Aina, Aina, Aina. Sa panahon ngayon, may asawa nga nagagawa pa ring landian, what more kung girlfriend lang ang meron?"

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Katana, she's right. But I ain't no angel, kung may maglalandi man kay Brazzen, that girl better be ready to face the tip of my gun "Alam kong may tiwala ka kay Brazzen but that doesn't mean na dapat ka ring magtiwala sa mga babaeng nakapalibot sa kanya, be vigilant bebe Ains. Isipin mo nalang na nasa gyera ka"

"Naks! Love expert ka pala talaga Katana" pagsingit ni Pierce sa usapan, nagkibit balikat si Katana sabay sabing "observer lang"

"Sana all" binigyan namin ng tingin si Pierce na para bang may sinabi siyang lenggwaheng iba "you and your millennial words" bored na saad ni Adam. Hindi nagtagal ay tuluyan na rin kaming nakalabas sa airport, sa kabilang parte ng daan ay ang nakasandal na lalaki sa kanyang sasakyan "hi kuya Kaiiii!" Malawak na ngiting bati ni Katana kay kuya.

Agad kaming tumawid papunta sa kanyang pwesto, suplado niya akong sinalubong ng isang pitik sa noo "aray!" Tinignan ko siya ng masama tyaka mahinang sinuntok ang matigas niyang tyan, well, what can I say? Our family has been fit since then "you have a lot of explaining to do lady" sa halip na matinag, I stuck my tongue out instead "mind telling me about what's going on sa inyo ni Cath?"

"Just kidding, of course I know everything. He also asked for my permission, he's a man with principles" pag iwas nito sa sinabi ko, pinaliit ko ang magkabila kong mata tyaka siya tinaasan ng kilay "where's our ride? Hindi magkakasya ang gamit namin sa kotse mo"

Sinundan ko ng tingin kung saan nakaturo ang daliri niya. Agad ko namang nakita ang SUV namin "bakit ka nga pala nandito kuya Kai?" Nakangiti pa ring tanong ni Katana, nagpakawala ng ngisi si Kuya tyaka ako inakbayan na agad kong inalis "tinatamad akong umattend ng board meeting, so I used this as an excuse" napasinghap ako at agad siyang siniko.

"Isusumbong kita!" Sa halip na masindak, tumawa lang ito sabay gulo ng buhok ko "I'm also waiting for Catherine, binisita niya ang grandparents niya sa States at ngayon ang balik niya. You should go baby, alam kong pagod kayong lahat sa byahe"

Lieutenant Colonel ArainaOnde histórias criam vida. Descubra agora