L.C | 27 |

2.7K 77 1
                                    

| Araina |

Nakasimangot kong sinubo ang grapes habang nakatingin sa kawalan "bakeeet?" Mangiyak ngiyak na saad ni Katana. Binuka ko naman agad ang bunganga ko nang tinapat ni Pierce ang isa pang grapes sa labi ko "okay lang yan Supreme, baka hindi talaga para satin ang misyong to"

Jaguar didn't approve our permission to do the mission. Jaguar is also a codename for one of our superior, sinabi niyang hindi daw pwedeng sumabak kami agad sa isang misyon. We have done so much na daw and we deserve a full two weeks rest– we are restricted from doing missions hanggat hindi pa natatapos ang required vacation na ibinigay saamin.

I tried to convince by saying that it's fine and that we're willing to give up our vacation, temporarily. But he said a big no, huhu. Ang team Delta ang ipinadala niya para sumama kela Cole "well, maaasahan naman ang team Delta like haleer Supreme din naman sila pero I badly want this mission!" Reklamo ni Katana. Me too.

I want to scout the area and do some hiking, that would be fun "cheer up Suprema, may mas maganda akong plano't gawin para maging masaya naman ang dalawang linggo nating bakasyon" bored kong binalingan si Ralph. Naka aja position pa ang kamay nito at determinadong nakatingin saakin "and that is?"

"Syempre beach!"

"Urgh, no way" reklamo ko. Excited naman na pumalakpak si Katana "yan ang pinakamagandang ideya na sinabi mo sa buong buhay mo  Ralphalo, congrats!"

Naiinis na binalingan ni Ralph si Katana "Ralph lang pangalan ko, walang alo. Kainis na kutsilyo" inikutan lang ni Katana ng mga mata si Ralph "let's schedule it!"

Pagsasangayon ni Pierce. Tumahimik nalang ako, tutal gusto naman din nilang lahat sasangayunan ko na rin. Minsan lang din naman mangyari ang mga outing na to, might as well enjoy it "yung iba jan, tatahimik lang but eventually they have one of the biggest resort in Visayas" pagpaparinig ni Katana.

Tumikim naman si Adam tyaka nilabas ang cellphone nitong mamahalin "I'm gonna call Mom then" sumipol ako tyaka nakipagapir kay Katana "nice!"

"Hi kuya Dagger!" Bati ko sa kuya ni Katana ng tuluyan itong makapasok ng kwarto "Hi Aina" nakangiti nitong bati habang nakalabas ang malalalim nitong dimples sa pisngi, he's still in his business suit though.

"I already took care of everything Ana, pwede ka na lumabas" matunog namang hinalikan ni Katana ang kuya niya sa magkabilang pisngi "where's Gun?"

"House. He's studying" tinulungan kong magayos si Katana tyaka kami lahat lumabas ng kwarto. Napansin ko naman ang pagkatahimik ni Ralph "oh? Nung nangyari sayo?"

Humikab ito tyaka kinawit ang mga kamay niya sa braso ko "andaya niyo kagabi Suprema, natulog kayong lahat. Kinakawawa tuloy ako ni Katana, hindi ako pinatulog! Kainis" napatawa ako sa reklamo niya tyaka siya pinat sa ulo na mas ikinasimangot niya "good job"

Tuluyan na kaming nakalabas ng hospital "una na kami ni kuya ha Ainaa! Kayo ding tatlo! Ingaaaat!" Kumaway ako sa kanila ni kuya Dagger, ganun din sina Ralph "sama kami sa bahay mo Suprema"

Pagpapacute na saad ni Ralph "sa condo ako uuwi eh" nakasimangot kong sagot. Niyugyog ni Pierce ang isa ko pang braso habang nakanguso "sige na Suprema, miss na namin si ma'am Ara"

He's talking about my mom. Actually mom really loves these three, she and dad are very thankful because these three promised to protect me. They're doing good, protective ang tatlong mokong na to "psh fine"

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now