L.C | 52 |

2.8K 101 27
                                    

| Third Person |

Agad nilang pinaputukan ang mga kalaban nang tuluyan na silang makapasok sa loob "I have to go to their control room" sambit ni Baymax. Binigyan siya ng kanyang pinsan ng isang tipid na tango "take Samu with you, she's also good with technologies"

"Sama kami" magiliw na saad ni Alonzo ngunit bago pa siya makalapit sa dalawa ay nahila na ni Derrick at Sky ang makabila niyang buhok na naka pigtails "aray naman!"

"No, we can handle ourselves, thank you very much" pagtutol rin ni Samu sabay hila ng kanyang samurai mula sa kalaban. Napangiwi naman dahil dito si Garfield at Buttercup "sigurado ka bang ayaw mo ng baril?" Nandidiring tanong ni Buttercup habang nakatingin sa umaagos na dugo mula sa nakahandusay na katawan.

"Sasakit lang ang ulo mo kakakumbinsi jan" natatawang pagsingit ni Derrick. Umiling naman si Samu "too noisy, let's go?" Pag aya niya kay Baymax na siyang tinanguan naman ng huli "wait, do you even know where to find the room you're looking for?"

"We're BDO" huling saad ni Samu tyaka pumunta na sa kabilang parte ng gusali, agad naman siyang sinundan ni Baymax "ano daw sila? Diba bangko yun?" Naguguluhang sambit ni Alonzo. Mahinang batok naman ang ibinigay sa kanya ni Sky "they can find ways"

"That's enough chitchat, we're running out of time. Just activate your earpieces in case Baymax and Samu are in place" Saad ni Fierce tyaka tinahak ang daan na papuntang ikalawang palapag. Sumunod rin sa kanya si Trouble "sa underground ako" excited na sambit ni Derrick. Tinawag naman siya ni Sky upang makasama "Sky! Iiwanan mo ko?!"

Ngunit nagkunwari lang ang huli na hindi narinig ang sigaw ni Alonzo. Nakangusong binalingan ni Alonzo si Lexy at Arrow, agad na umiwas ang mga ito ng tingin "we'll secure the perimeter. We brought long range guns with us, see you later" hindi pa nakakaangal si Alonzo ngunit mabilis na nakaalis na ang dalawa "aist! Bat ba kasi mahilig mag snipe ang mga reapers! Kainis naman"

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Alonzo tyaka walang pag asang tinignan ang natitira niya pang mga kasama na sina Ralph at Pierce "you can go with us" kuminang naman ang mga mata ni Alonzo sa narinig na imbitasyon "nice!"

"Buttercup and Garfield, this is Baymax over. Can you hear me?"

"Loud and clear" mabilis na sagot ng dalawa nang marinig si Baymax mula sa kabilang linya ng kanilang earpiece "I need you to go to the top floor before the rooftop and secure the area. Bitch's team is already at the second to the last floor, help them"

"Affirmative" mabilis na gumalaw ang tatlo at naglakad paitaas "Samu! Wala bang elevator dito? Ang poor naman yata nila" hinihingal na pagmamaktol ni Alonzo. Ilang palapag na rin ang kanilang nadaanan ngunit hindi pa nila nakakasalubong si Fierce at Trouble "they shut down 85% of their facility so we can't have any access. We manage to make the cameras work again though but their trying to shut us down, we are having tech intelligence battle here so just continue walking Alonzo and avoid making too much noises. You're distracting me"

"Hmp! Namimiss ko na si Bored huhu, siya lang talaga ang nagmamalasakit saakin" pawis na pawis na rin sina Ralph at Pierce habang patuloy sa pag akyat "sorry, we're having difficulty here and we're also helping the others. One more floor to go"

"Thank you oppa Baymax!" Habol hiningang sagot ni Alonzo na siyang tinawanan lang ng dalawa niyang kasama. Pagkatapos ng ilang minutong pag akyat ay nakarating na rin sila sa palapag, sumalubong sa kanilang ang magulong lugar. May mga katawang nakahandusay na sa sahig at duguan "ah sh-t ang baho" mabilis na hinahabol ni Alonzo ang sariling hininga habang nakasalampak na sa sahig.

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon