L.C | 17 |

3K 96 11
                                    

| Third person |

"We'll now leave the base, medical team A. Are you ready?" Tipid na tango ang ginawa ni Brazzen kasama ang dalawang nurse, siya ang may hawak ng medical team A kasama ang mga Supreme na nakatoka pa rin sa east border. Hawak ito ni Baymax dahil ang east border ang isa sa apat na border na maraming teroristang paparating "please, walk quietly as possible. Follow the plan and don't leave your assigned spot and range"

Agad na nagsitanguhan ang lahat ng Supreme at medical team na nakatoka sa east border, sinimulan na nilang maglakad. Pagtapak ng mga paa ni Brazzen palabas ng Supreme's base, his heart started beating so fast. He can't contain his nervousness, and questions just kept on popping inside his mind.

Can we survive this war?

Mataas ang sikat ng araw ngunit natatakpan ito ng mga matataas na puno sa paligid. Maingat ang bawat isa sa kanila sa paglalakad, pawang kalkulado ba ang lahat ng kanilang mga galaw. Matapos ang limang minutong paglalakad, agad silang nahinto nang sumenyas si Baymax ng hold gesture.

Nakiramdam ang bawat isa, naghihintay ng susunod na gagawin. Tanging mga hampas ng puno, tunog ng mga ibon, at ihip ng hangin lamang ang mga ingay na maririnig sa buong paligid. Maging ang paghinga ni Brazzen ay naririnig niya na rin dahil sa matinding katahimikan ng paligid.

Nakahawak ang kaliwang kamay ni Brazzen sa punong nasa gilid niya, nang makaramdam ng kiliti dito, agad siyang lumingon at napaatras nang isang centipede ang bumungad sa kanya "fvck" gumawa ng ingay ang pagatras ni Brazzen dahilan para mapalingon ang buo niyang mga kasamahan.

"Sorry"

Tango lamang ang naging sagot ni Baymax dito. Ngunit bigla na lamang bumagsak sa lupa ang isa nilang kasamahang Supreme dahil sa naging putok ng baril, sinundan pa ito ng isa, hanggang sa naging sunod sunod na ang mga putok sa paligid "take cover!"

Mabilis na dumapa si Brazzen at ang mga kasamahan nito sa medical team. Everything started to become chaos, some Supreme are already on the cold soil. Brazzen and his team didn't waste any seconds at agad na nilapitan ang mga sugatang Supreme "clip and bandage, hurry" utos ni Brazzen sa kasama nitong nurse.

"Yes dok"

"Please stay still" saad ni Brazzen at agad na ginamot ang mga sugat nito. Matapos magamot ang sugatang Supreme, agad silang lumipat sa isa pang Supreme na natamaan rin ng bala. It was their routine for the whole one hour and thirty minutes. They would go back to the base to get some supplies and again treat the wounded Supremes "forward!"

Unti unting naglakad ang mga Supreme at ang medical team paabante upang mas mapalayo ang mga terorista sa east border mula sa kanilang base "Grande! It's been 2 hours already, where's the first back up?!"

Pasigaw na tanong ni Baymax habang patuloy pa rin sa pakikipagpalitan ng putok ng baril sa mga kalaban "sir! Nastuck ho ang first back up sa North and South borders!"

"What the hell?! Bakit?!"

"Mabilis na nakarating ang back up ng mga terorista sa North and South borders, wala tayong sapat na mga kasamahan sa nasabing borders kaya dun nahinto ang first back up"

Mas nabahala si Brazzen sa mga narinig, it means that there will be no back up to support the Supreme, to support them, the east border team. Karamihan sa nga Supreme na kasama nila ay halos sugatan na, another hour or so, will be their death already.

They are all exhausted, tired, and in pain. Nakadepende sila sa first back up na parte ng kanilang plano, paano pa kung dumating na ang back up ng mga terorista sa East and West borders? "What if our second back up won't make it in time?" Nagaalalang saad ni Brazzen habang hinihingal na nakasandal sa puno at iniinda ang mga putok sa paligid.

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon