L.C | 38 |

2.5K 72 1
                                    

| Araina |

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas simula nang magboluntaryo si Brazzen na tiglinis ng sugat at magmonitor ng kalagayan ko, wala pa siyang palya. And he was giving me different surprises everyday. Iba't ibang mga pakulo ang pang gulat niya sakin tuwing umaga. Niyayaya ako nitong lumabas, manunuod kami ng pelikula dito sa loob ng bahay, at ewan ko ba pero alam na alam niya ang mga cravings ko na pagkain.

May araw rin na akala ko ay hindi na siya makakadalaw pero nalate lang pala ito ng gising dahil may tinapos pa itong trabaho, unti unti ko nang naiisip na nanliligaw ito sakin pero ang kapal naman ng mukha ko para umasa ng ganun. Baka bumabawi lang ito sa mga maling nagawa niya sakin dati "ang aga mo atang nagising, waiting for your personal doctor?"

Kasalukuyan akong na sa living room at nanunuod ng pelikula nang dumaan si kuya para dumiretso sa kusina. 6:30 pa lang ng umaga, nakakatakot na kasi ang bigla biglaang dating ni Brazzen. Minsan ay natutulog pa ko o kaya naman ay bagong gising ako kapag dumadating ito, hindi pa preparado ang mukha ko tuwing nakikita niya. Though he said that he loves seeing my morning face, keleg. Tumayo ako tyaka lumapit kay kuya at inayos ang necktie nito.

"Wag kang mahiyang sabihin saakin ang balita kung buntis na si Cath kuya"

Kumunot ang noo nito tyaka ako pinitik sa ulo "aray! Para kang si Brazzen, aist!" Tinaasan lang ako nito ng kilay tyaka pinagkrus ang kamay sa harapan ng kanyang dibdib "at bakit naman siya mabubuntis?"

Nginisihan ko siya ng nakakaloko "baka kasi siguro ipapasok mo ang semilya mo sa kanya? Paano ba makabuntis kuya, bato bato pik?"

"Watch your mouth Aina!" Dinilaan ko siya tyaka muling umupo "do you want me to tape your mouth?"

"No thanks, just eat your breakfast and go to work big bro" bored kong pinindot pindot ang remote upang maghanap ng magandang palabas "how's your wound and sprain?"

"Okay na ang sprain ko kuya, kumikipot na din ang sugat ko. I'm perfectly fine, magaling kaya ang doctor ko"

Sumilip ako sa kanya tyaka kumindat ngunit inirapan lang ako nito tyaka dumiretso na ng kusina "bakla!"nakangiti akong tumayo tyaka inikot ikot ang bewang ko "it's been a while since I got to exercise"

Nakanguso kong bulong. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

Supremenatics-new generation heroes

Kutsilyo: @Supremacy hooooyyy!!! Ano yung kumakalat na nudes mo?!?

Supremacy: wtfudge? What nudes, I don't have such thing.

Poging Ralph: late sa balita kutsilyo, 4 days ago pa ang issue na yan ah.

Kutsilyo: ikaw kinakausap ko? Shut up.

Pierce-ing: ooooohhhh, LQ?

Kutsilyo: LQ mukha mo, @Supremacy ano na?

Supremacy: what issue?

Kutsilyo: 🤦 busy kakadate, hindi updated. Hmp

Just Adam: sent an attachment.

Agad kong binuksan ang sinend ni Adam na attachment, laking gulat ko nang makita ang title ng article.

One of the hottest and young successful businessman slash doctor Brazzen Klay Wade West is finally dating someone

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now