L.C | 54 |

1.9K 84 15
                                    

| Araina |

"That's all Primo"

"Then I'll take my leave sir"

"Okay, I'll be expecting your report tomorrow morning" sumaludo sila sa isa't isa tyaka nagmamadaling lumabas ng kwarto si Brazzen "Suprema" Wala sa sarili akong nakatingin sa pintuan, nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Bumalik lamang ako sa tamang wisyo nang maramdaman ko ang mga munting sundot ni Katana sa aking bewang "a–ah salute!"

"Salute. *chuckles* It seems that you are very tired from the mission Suprema, anyways, I just want to personally thank you for your great performance. As expected, another job well done"

"You're always welcome and thank you also for your trust sir. Besides, it's my duty"

"Ah, I forgot to introduce you to Captain Primo a while ago. He's new and he's been working for months now, I'll introduce you to each other some other time. I can see that you still have a lot of fresh wounds, approach him anytime since he's also the new head of our medical team"

"A–ah yes sir"

"We have a lot of vacant rooms here. Katana, why don't you bring Araina to one of those room and near yours so that she can now take a rest?"

"Affirmative, then we'll go ahead sir. Do you still have orders for me?"

"Check the supplies after you accompany Araina"

"Yes sir" mabilis kaming nagbigay saludo tyaka lumabas na rin "c'mon baby Aina, magpahinga ka muna. Saka mo na isipin kung paano mo kakausapin si bebe boy mo at ang Alpha gang hmm?" Saad niya habang nakaakbay. Nakangusong inalis ko ang kamay niya sa aking balikat at bahagya siyang kinurot "araaay!"

"Bat hindi mo sinabi ang tungkol kay Brazzen?!"

"Sus, as if naman hindi mo alam ang tungkol dun" psh alam ko nga na pumasok sa pagSusupreme si Brazzen pero, hindi ko lang inakalang magkikita kami agad agad. Di man lang ako prepared, kainis naman oh "hayan ang kwarto mo, sa kaliwa naman ang akin. Baka hindi pa tayo agad agad na makakabalik ng Pilipinas kaya mag isip isip ka na mamaya kung paano bingwitin pabalik si Brazzen na malamang ay galit sayo"

"Thank you ha, wat an adbays mah pren! Kainis ka, umalis ka na nga dito bago pa kita sipain sa pwet"

"Nyenye, rest well bebe. Sa supply office lang ako, see you later. Babush!" Ta mo to, di man lang ako hinintay na sumagot. Hmp!

Agad akong umupo sa tabi ng bintana matapos na makapasok at tulalang tumingin sa labas ng bintana ng kwarto. Haaaaaayyy agad na lumabas si Brazzen kanina sa opisina na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin, palagay ko ay may mga binilin lamang si Jaguar sa kanya bago pa kami makarating. Masakit, pero hindi ko naman siya masisisi kung sakaling galit siya saken. Kung hindi niya ako nahabol nung gabing yun ay baka hindi ko pa magawang makapagpaalam sa kanya ng maayos bago umalis.

Marami rin akong hindi naamin sa kanya ng personal na nalaman niya pa sa pamamagitan ng PEV o personal emergency video na kinukuha namin bago sumabak sa isang misyon. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa labas at tinitignan ang malawak na field ng Ukran base, abala pa rin sila sa paglilinis at pagrereload ng mga ginamit na battle aircrafts. Humikab ako at wala sa sariling napataas ng kamay "ah sh-t" agad akong napangiwi sa sakit.

Lieutenant Colonel ArainaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum