L.C | 25 |

2.7K 78 4
                                    

| Araina |

Kasalukuyan kong nililinisan ang condo ko habang sumasayaw "a whole new woooorld~" naglalampaso ako ng kwarto habang todo todo sa pagkanta "a wondrous place for you and mee, thank you!"

Sigaw ko matapos ang kanta, bahagya pa kong nagbow pero mabilis ding tumayo agad ng tuwid nang maramdaman ko ang pananakit ng aking likuran "humanda ka talaga buttercup" naiinis kong bulong habang tinatabi ang basahan.

I was thankful enough that Brazzen didn't actually entered the eatery. Dun  siya pumasok sa kabilang store na isa palang cafe. Napabuntong hininga ako nang makitang walang kalaman laman ang ref ko't cupboards "okay, this calls for shopping"

Agad akong pumasok ng banyo tyaka binongga ang pagliligo kaya naman preskong presko akong lumabas ng banyo feeling like a newly bloomed flower. Nakapamewang ako habang nakaharap sa walk in closet sa loob ng kwarto nang tumunog ang telepono.

Hindi man lang ako natinag hanggang sa huminto ito sa pagring. Bigla kong naalala ang paper bag na ibinigay ni Cole, lumabas ako papuntang living room tyaka ito kinuha. Inside the paper bag was a plain white shirt saying 'I save lives' and a cute chibi girl beside it wearing a soldier's uniform. I thought it was only one but there was also another shirt.

A black shirt saying 'Alpha' maganda ang pagkakaprint nito at halatang mahal "cute" I decided to wear the white shirt at pinaresan ito ng isang itim na short shorts at rubber shoes. As always, sinuot ko agad ang dogtog ko at ipinasok ito sa loob ng damit matapos maglagay ng baby powder at liptint. Tadaaaaa dalagang Pilipina, ye.

Inikot ikot ko ang susi ng kotse saaking kamay habang naghihintay na bumukas ang elevator "oh, hi Araina!" Gulat akong kumaway kay Catherine ng batiin ako nito "hiii"

"Taas ka ba?"

"Mmm, oo eh" nahihiya nitong saad, tumango tango naman ako tyaka lutang na nagpaalam. Tyaka ko na nakuha ang sitwasyon ng makapasok ako sa loob ng kotse "haaaah! Si kuya ang ipununta niya don. Humanda ka Kaiii, dinadala mo na pala si Cath sa condo mo. Kala mo ha"

Hindi naman masyadong nagtagal ay nakarating na din ako ng mall. Syempre, sosyal shopping tayo ngayon. Antagal din ng buhay malasundalo ko, like haler, I'm still a lady. Charot lang "one iced coffee"

Abot tenga ang ngiti kong kinuha ang order ko matapos magbayad. Halos magdadalawang oras at kalahati na rin akong nagiikot sa mall at bumibili ng mga nagugustuhan kong damit. Napagdesisyunan ko ng pumunta sa grocery ng maramdaman ang pagod sa kakaikot, I was taken aback though when I saw a cute earrings while passing by at a jewelry store.

Ngiti ngiti kong inabot ito kasabay ng pagabot rin ng isang babae "ah ha ha ha" alanganin kong saad pero matatalim ang tinging nakatitig sa babae "uh, excuse me? But I saw it first"

Sandali, masyadong common na ang senaryong ito sa ibang mga kwento ah. Ang bida ba ang nag gigive way o nananalo? "Ah, pasensya na din. Pero kasi una mo lang nakita, ako ang unang nakakuha" mahinahon kong saad dito, tinaasan niya ko ng kilay. Aba! Tinaasan ako ng kilay bakla! Porket nadrawing ng maayos yung kilay, itataas na ha? Haaa.

"Oh? Do you have a proof though?"

"Hah, ano miss, yung kamay ko na sa ilalim ng kamay mo. So technically, ako ang nauna"

Naiinis itong napasimangot at tinaasan ako ulit ng kilay, abaaa namumuro na to ah "I'm curious though, if you can afford this? I mean, look at the price"

Lieutenant Colonel ArainaWhere stories live. Discover now