L.C | 30 |

2.6K 62 7
                                    

| Araina |

"Ainaaa! Gising na!"

I groaned in pain tyaka binaon ang mukha ko sa unan. Patuloy naman sa pag gising si Katana saakin "c'mon, kinatok na tayo ni Brazzen like 5 minutes ago para sabihin na handa na ang breakfast"

"Ansakit ng katawan ko Kaaaat"

Tinanggal ko ang unan na nakatakip sa mukha ko tyaka tinignan si Katana na nakaligo na't nakabihis para sa pagkain "my body's in pain as well at hoy, wala pa nakakalahati sa mga trainings natin ang laro kahapon. Wag kang ano jan"

Nginusuan ko lang si Katana tyaka pinilit na bumangon mula sa pagkakahiga, I patiently stretched my whole body tyaka dumiretso sa banyo para magsipilyo't maghilamos. Pagkatapos kong masuot ang bra ko ay komportable akong naglakad papuntang pintuan "oy, yan lang suot mo?"

"Ohbaket? Mamamasyal ka na ba? We'll just eat our breakfast Kat, wag kang oa"

Inikutan niya ko ng mga mata tyaka nakangusong kinuha ang mga cellphone at card ng kwarto namin. Masayang akong naglakad sa hallway ng hotel suot ang baymax kong pajama, army green tank top, at malambot na bunny slippers "Supremaa!"

Kumaway ako ng pangmalakasan kay Pierce nang tawagin ako nito, kami na lang pala ang hinihintay sa pagkain. Kahiya ka Araina. Siniko ako ni Katana habang naglalakad kami sa mesa "di ka man lang nagsuklay, may extra tayo oh"

Sinundan ko ng tingin ang pasimpleng pag nguso ni Katana, I then realized that Elsa was also there to join us for breakfast at magkatabi sila ni Brazzen sa pagkakaupo. Maganda at sopistikada itong nakaupo habang nakikipagusap kay Brazzen at Cole. Pinagsisihan ko tuloy na hindi ako nagayos ng maayos bago pumunta dito "sisi now, bawi later"

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ideya ni Katana o mabwebwesit dahil sa naging mapangasar nitong tono "kamusta ang paa mo Suprema?" Agad na tanong ni Ralph pagkaupo ko.

Bahagya namang natahimik ang grupo nang tuluyan na kaming makaupo ni Katana "painful but seems like level 1 mini latigo effect so I'm okay" napatawa naman agad kaming mga Supreme dahil sa naging saad ko "ticklish!"

Nakangiting nakamasid sina Rue at Kitty saamin kahit hindi nila lubusang naintindihan ang  pinaguusapan naming mga Supreme "let's pray!" Matapos ang dasal ay nagsimula na kaming kumain. Unconsciously, napadaan ang tingin ko kay Brazzen habang kumukuha ng pagkain. I don't know if it was just my instinct pero agad akong ngumiti sa kanya.

I thought he would shrug my smile off so I was really surprised to see him smiling back at me. He smiled! Nagsmile siya mga bayooot! And the inside of me is freaking out because that smile was really genuine and hot, huhu "here" pansamantalang nahinto ang pagkakakilig ko nang lagyan ni Elsa ang plato ni Brazzen ng salad na prutas "your favorite"

Mas lumawak ang ngiti ni Brazzen tyaka sumubo ng blueberry "thank you" nginitian siya ni Elsa tyaka ito nagpatuloy sa pagkain ng strawberry waffles nito. Padabog akong sumubo ng meatballs at ngumungusong nginuya ito "jelly ka?"

Bulong ni Katana sa tenga ko, kunot noo ko siyang tinignan ng may matalim "what?!" Nginuso nito si Brazzen at Elsa na bahagyang nagtatawanan habang kumakain. Harap harapan mga teh? Ang sakit sa puso ha, bumabara na rin ng bahagya ang lalamunan ko at pinipilit na malunok ang meatballs na kinakain  "Sabi ko walang pagkain na may jelly~"

Inirapan ko lamang si Katana at pinagaptuloy ang pagkain "ahm Elsa will be joining us sa laro mamaya, that makes Adam her partner"

Muntik na kong mabulunan sa naging anunsyo ni Cole kung hindi lang ako naunahan ni Adam na kasalukuyang umuubo "meh" kumento ni Katana tyaka pinagpatuloy ang pagkain.

Mabilis akong natapos sa pagkain na talagang sinadya ko kaya agad na akong tumayo "oh, tapos ka na?" Gulat na tanong ni Katana habang patuloy pa rin sa pagsubo ng pancake niya "hindi halata?"

Masungit kong sagot kay Katana tyaka nagexcuse para umalis. Agad akong dumiretso sa banyo upang maligo. Afterwards, suot ang bathrobe, kakatapos ko lang maligo maligo at agad na naglalagay ng lotion nang pumasok si Katana sa kwarto "hoy, babaeng selosa. Gusto mo bang sabunutan kita ha?"

Nagheart sign ako kay Katana tyaka nagbihis ng bikining susuotin ko. Isang maroon high-neck top at high-waisted bottom ang sinuot ko tyaka ko ito pinatungan ng isang see-through summer cardigan "ooooh Suprema in the houuusee!"

Nagpogi sign ako tyaka kinuha ang summer glasses at sun hat ko, pumasok naman sa banyo si Katana upang magbihis na rin. Binalot ko ulit ng compression bandage ang paa ko habang naghihintay kay Katana "let's rock this bebe Aina!" Sigaw ni Katana matapos lumabas ng banyo.

Suot ang kanyang royal blue bandeau top at side-tie bikini bottoms mabilisang nagtwerk si Katana tyaka ako hinila palabas ng kwarto.

"Sana all sexy!"

Bating sigaw ni Kitty. Siya ang unang nakakita saamin, kaming dalawa nanaman ni Katana ang huling hinihintay para makapunta na ng isla. Na sa labas agad sila ng hotel at naghihintay habang nakatipon tipon. Hindi ko rin maiwasang hindi mapadaan ang tingin kay Elsa na nakasuot ng black backless one-piece bikini na mas nakapagtingkad pa ng kaputian niya.

Sabay na napaharap ang iba saamin ni Katana "oooh, sekshiiii!" Malakas na nagapir si Katana ang Pierce. Pinilit kong hindi tapunan si Brazzen ng tingin pero dahil matigas ang ulo ko ay binalingan ko pa rin ito at magulat ng makitang

. . . He's also looking at me.

***

"Okay! Ready na!"

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa bangka habang inooperate ni Brazzen ang makina "may dare ang huling makaabot ha!"

"Eeh?! Ano ka bata?"

"Eh ikaw? Palibhasa matanda ka na, gurang!" Ang ingay talaga ng dalawang to. Kaya mahirap na isama tong si Katana at si Ralph dahil parehong malakas ang boses "ready! Get set, gooo!"

Bahagya akong nawalan ng balanse ng mabilis na pinaandar ni Brazzen ang makina at inoperate itong bangka. I tried to act kewwwl though at ianyos pa ng mabuti ang pagkakaupo ko. I was gripping the sides of the boat. Err– okay. So quiet. So awkward, tanging hampas lang ng alon ang marinig ko at mabilis na hampas ng hangin sa mukha ko.

After some minutes, naramdaman ko ang biglang pagbagal ng bangkang sinasakyan namin "eh?" Napatayo na ko nang tuluyan itong huminto. Agad itong nilapitan ni Brazzen upang tignan ang makina "ahm okay"

"It's broken, and I think we're kinda ahm trapped"

It's a miracle.

***
Note:

So, super antok na po ako habang tinatapos ang chapter na to para lang may maupdate. Will try to edit the obvious errors tomorrow if magakakatime, thank you for reading! Xoxo

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon